Kabanata 17

314 7 0
                                    


"Venus! Bilis! Malalate na tayo!" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

"Opo, ito na po!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Nagkukumahog akong magsuot ng sapatos. Pagkatapos ay dinampot ko ang suklay ko na nasa  may vanity table saka nagmadaling lumabas.

Kainis! Bakit ba kasi ako tinanghali ng gising! Kasalan 'to ni Andrei eh ang tagal niya akong iniuwi kagabi.

"Mauna ka na sa kotse. Ila-lock ko lang 'tong bahay." utos ni mommy sakin.

Nauna na akong maglakad sa kanya papunta sa garahe namin. Hinintay ko nalang siya sa loob ng kotse.

After few minutes I saw her walking towards me. Next thing I knew we're on the road. Off to school. Mom drove fast but cautious.  Mabuti nalang 20 minutes drive lang papunta sa school. Ayaw na ayaw pa naman ni mommy ang nali-late. Di uso sa kanya ang Filipino time.

I felt guilty. Napuyat rin siguro siya sa kakahintay sakin kagabi kaya di rin siya nagising ng maaga.

Pagkarating namin sa school. Humalik lang ako kay mommy saka patakbong tinungo ang classroom ko. Sakto namang nakarating ako nang tumunog ang bell.

Phew! Umabot pa ako. Hinihingal akong sumandal sa gilid ng classroom.

"Anong ginagawa mo jan?" Napapitlag ako sa tanong ni Eysia.

"Ano ba! Gusto mo yata akong mamatay sa gulat eh?" singhal ko sa kanya.

"Sorry. Di ko sinasadya." aniya saka yumuko.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Para kang hinahabol ng multo jan? Namumutla ka girl!" singit naman ni Joy.

Inirapan ko siya saka nilampasan. Pumasok ako sa loob saka ipinatong ang bag ko sa upuan ko. Pagkatapos ay nagmadali akong maglakad palabas ng classroom. Pagkalabas ko nandun pa rin ang dalawa mukhang hinintay talaga nila ako. 

Pinaliwanag ko sa kanila kong bakit ako nagmamadali habang naglalakad kami papunta sa open area ng campus. Tahimik lang silang nakinig sakin at pangiti-ngiti habang nagkukwento ako. Di ko nalang yun pinansin at mas nagconcentrate nalang ako sa flag ceremony namin.

After flag ceremony, back to my normal routine. As usual, early classes are boring.

When snack time came, I decided to stay inside the classroom to take a nap. I felt so sleepy a while ago. Nakahanda na akong sumubsob sa armchair ng may pumigil sa ulo ko. Napatingala ako bigla sa salarin. Handa na akong singhalan ang istorbo pero pinigilan ko ng makita ko si Andrei.

"Are you okay? Mukha kang matamlay." He asked worriedly.

"Okay lang ako. Medyo kulang lang sa tulog."

He scratch his nape then look at me shyly. "Ow, I'm sorry. Di kaagad kita naiuwi kagabi kaya napuyat ka. Don't worry, you're still beautiful kahit may dark circles ka sa mata."

I rolled my eyes. "Wag mo na akong bolahin. Alam ko naman na maganda na talaga ako dati pa."

He smirk. "Hindi na nakakapagtaka."

"Bakit ka nandito?" Walang buhay kong tanong sa kanya dahil wala ako sa mood. Ayokong makipagbangayan sa kanya. "Kung wala kang kailangan umalis ka na. Matutulog pa ako." Pagtataboy ko sa kanya.

"Ounch naman, you're not happy that I'm here?" Madramang sabi niya bago may inilapag na baonan sa armchair ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi! Ano naman yan?" Nginuso ko ang dala niya.

"Buksan mo para malaman mo."

I gladly obliged and open it. A smile scape on my lips when I saw what's inside.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon