Napakasolemn talaga kapag nasa loob ka ng simbahan. Lalo na kapag naririnig mo ang musikang pansimbahan na sobrang ganda pakinggan. Sa tuwing pumapasok ako sa ganitong lugar pakiramdam ko sobrang gaan ng dibdib ko na para bang ipinapadama sakin na di ako nag-iisa at kakayanin ko lahat ng pagsubok na maaaring dumating sa aking buhay. Ang OA lang pakinggan pero ganun talaga ang nararadaman ko. I feel I'm safe and at peace. Di ko masasabing isa akong relihiyosong tao pero naniniwala ako na may Diyos.Napangiti ako bigla dahil isa ako sa maswerteng tao na binigyan pa ng pagkakataon na mabuhay pa dito sa mundong ibabaw. Itinukod ko ang aking mga siko sa barandilya ng balkonahe kong saan nakapwesto ang mga miyembro ng choir. Mula rito sa pwesto ko ay malaya kong napagmamasdan ang mga nangyayari sa ibaba.
Habang nagmamasid biglang nahagip ng paningin ko ang mag-asawang matanda. Kasalukuyan silang naghahanap ng mauupuan. Tulak-tulak ng matandang lalaki ang wheelchair ng kanyang asawa. Nang nakahanap na sila ng mauupuan ay pilit siyang pinupunasan sa noo ng matandang babae. Ngumiti lamang ito sa asawa saka inabot ang bote ng tubig.
How sweet! I wish I had a dad like him. Lumaki kasi ako na si mommy lang ang kasama.
According to my mom. My dad left us when he finds out about mom's pregnancy. He is half american and half british. Nagkakilala sila ni mommy nang minsan ay nagbakasyon siya dito sa bansa. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang totoong kwento nilang dalawa ayoko na rin namang malaman pa. Nasanay na rin naman ako na walang kinagisnang ama kaya ayos lang. Wala rin akong picture o kahit ano mang pwedeng pagkakakilanlan sa kanya even his name, I didn't know. Ang sabi lang ni mommy ay kamukha ko ang daddy ko.
I have foreign features. Porcelain skin. Pointed nose. Blue shade of eyes. Thin lips and thick long lashes. My long hair is light brown at natural na kulot ang dulo. Matangkad rin ako at medyo makurba ang katawan. May malalalim rin akong dimples sa magkabilang pisngi which is sabi ni mommy na iyon lang daw ang nakuha ko sa kanya.
The mass will start in thirty minutes kaya siguro wala pang masyadong tao. Sa pagkakaalam ko nga ay kakaunti lang talaga ang nagsisimba kapag ganitong oras at karamihan sa kanila ay mga matatanda.
Sino ba naman ang may gustong gumising ng ganito kaaga? It's just six thirty in the morning. Kung di lang talaga ako nangako kay mommy na sasamahan ko siya ngayon ay malamang nakahilata pa rin ako sa aking kama hanggang ngayon.
Choir coordinator si mommy ng school namin. Every sunday kumakanta sila dito sa simbahan ng ganitong oras kasama ang mga ka-grupo niya na galing pa sa mga naging estudyante niya noon sa school.
"Venus, ayos ka lang ba 'nak?" tanong ni mommy sakin. May hawak-hawak siyang isang makapal na folder. Lyrics siguro iyon ng mga church songs.
Nilingon ko siya saka tumango. "I'm fine M'my just a bit sleepy but I can handle." Umiling lamang siya sa sagot ko.
"Hay naku! Ang takaw mo talaga matulog. Pasensiya ka na at naabala ko pa ang weekend routine mo."
"Okay lang po ngayon lang naman ito di ba? Wala ng susunod?" Ngumiti ako sa kanya.
"Ikaw talaga! Halika nga dito. Ipapakilala kita sa mga estudyante ko." saad niya.
Kapag weekend talaga ay bumabawi ako ng tulog. Nagsusunog kasi ako ng kilay tuwing weekdays. Consistent honor student ako since grade school. So, I maintain my grades. Nag-aaral talaga ako ng mabuti dahil yun lang naman ang ginagawa ko sa buhay. Nakakahiya naman kong puro lang ako ganda at wala namang laman ang utak di ba?
"Is it necessary M'my?" Pakiramdam ko naman kasi di na yun kailangan pa. Siguro naman kilala na nila ako kasi dun din siya nagtuturo sa school ko.
"Of course! Kailangang makilala nila ang pinakamaganda kong anak." Ngumisi siya bago ako hinila at iginiya sa mga estudyante niya. Iiling-iling akong sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomantizmVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...