"Andrei..." Mahinang sambit ko di pa rin kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon."Venus, what are you doing here?" Gulat pa rin siya pero kaagad namang nakabawi. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "God! I missed you." Aniya na mas humigpit pa ang pagkakayakap sakin.
"Andrei, I can't breath." Reklamo ko kaagad naman siyang bumitaw sakin ng mabilis pa sa alas kwatro.
"I'm sorry." Paumanhin niya habang titig na titig sakin. Nakikita kong nangingislap ang mga mata niya halatang masaya talaga siya na nakita niya ako.
"It's okay." Naiilang na sabi ko.
"Why are you here, by the way?" Tanong ulit niya.
"Am.. kasi-" Napakamot ako ng batok di ko naman kasi alam kong ano ba ang dapat kong isagot sa kanya.
"You're the owner? But I thought it was Lolo Mauricio. Iba na pala?" Naguguluhang sabi niya sa sarili. "Ang tagal ko na kasing di pumapasyal dito kaya di ko na alam."
"Ano kasi hindi ako-"
"Pasensiya na di ko talaga alam. Family mo ba ang owner nito?" Putol ulit niya sa dapat kong sasabihin.
Bakit ba ayaw niya akong patapusin magsalita? Nakakainis!
Sumimangot ako. "Pwede bang patapusin mo muna ako magsalita?" Medyo mataray kong sabi. Nakakainis kasi!
Nahihiyang napakamot ito ng batok. "Yeah, I'm sorry. Go ahead."
"Okay. Para lang clear. First of all, hindi ako ang owner nitong resto. Second, tama ka na si Don Mauricio nga. At para sa katanungan mo kung bakit ako nandito. I'm here on behalf of my grandfather. Wala pa kasi siya. Ang sabi kasi ng isa naming staff hinahanap mo raw siya." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"So, in short you're the grandaughter of Don Mauricio?" Ano ba bingi ba siya? Kailangang paulit-ulit?
"Ako nga! Wala ng iba pa!"
"Oh, I see. What a coincidence."
"Teka nga, bakit mo kilala ang lolo ko?" Naniningkit ang mga matang tinignan ko siya. "At bakit mo siya hinahanap? May atraso ba siya sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Whoa!" Tinaas niya ang dalawang kamay. "Calm down, okay? Bakit di muna tayo maupo." Suhestiyon niya.
Kaagad naman akong nahiya sa inasal ko. Nauna ko pa siyang intrigahin kesa paupuin. Nasaan naman ang manners ko dun? Sa pagkakaalam ko di ganun ang tinuro sakin ni lolo sa kung paano tumanggap ng bisita. Hayy.
"Pasensiya na. Maupo na tayo."
"Okay lang. Back to your question." Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita ulit. "He is my grandfather's bestfriend."
"Oh really? Who is your grandfather, by the way?" Curious kong tanong sa kanya.
"Don Gaudencio."
Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. Nagbibiro ba siya? Pero sa itsura niya alam kong hindi.
"Hey, are you okay?" Untag ni Andrei na hinawakan ako sa braso. Panandalian akong nahimasmasan. Kaya pala ang familiar niya sakin.
"So, you are the little boy?" Ngumiti lang siya sakin.
Noong buhay pa kasi si Don Gaudencio palagi kaming pumunta sa mansyon nila. Ako ang palaging kasama ni lolo sa tuwing bibisita siya roon. Kapag pupunta kami sa kanila lagi ring nakabuntot kay Don Gaudencio ang apo niyang lalaki. Medyo matanda lang siya ng ilang taon sakin. Tahimik at palaging nakasimangot. In short, kabaliktaran ko. Madaldal at bibo raw kasi ako noon. Kaya habang nasa mansyon kami nila Don Gaudencio iniinis ko siya palagi para magsalita at pipilitin ko siyang makipaglaro sakin kahit ayaw niya. Halos buwan-buwan rin naming ginagawa yun ni lolo dati kaya medyo naging malapit rin kami sa isa't-isa nung batang lalaki noon. Di ko alam na may plano palang lumipat ang matanda kaya sinusulit nila ni lolo ang oras na magkasama. Hanggang sa nabalitaan nalang namin na namatay na raw ang matanda dahil raw sa isang aksidente kasama ang kanyang asawa. Mula noon, di na ulit kami nagkita nung batang lalaki.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
Roman d'amourVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...