Kabanata 4

477 13 0
                                    


KRRRIIIIIINNNNNGGGGGGG!!!!

Tumayo na ako sa upuan ko para ipasa ang test paper namin sa algebra. Pagbalik ko ay rinig ko ang himutok ni Joy. Kahit malayo ako kitang-kita ko ang sambakol niyang mukha habang kinakamot ang ulo. Nakatingin siya sa test paper niya na para bang may mali duon. Kaagad ko siyang nilapitan.

"Nakakainis talaga ang algebra! Kelan pa naging number ang x and y? Di ba nasa alphabet yun? Kaya di ko maintindihan to eh!" Kausap niya sa sarili. Pwede na siyang gawing character ni Sisa dahil sa ginagawa niya. Mabuti nalang talaga di niya nilalaro ang buhok niya. Kundi, pagkakamalan na talaga siyang nasisiraan ng bait. Jusko, ayoko naman magkaroon ng kaibigang baliw nuh! Di ko alam na nakakabaliw pala ang algebra!

Kinalabit ko siya. Tinabig naman niya ang kamay ko. "Ano ba! Istorbo naman, kita nang nagsasagot yung tao eh!" Naiinis na reklamo niya. Di man lang niya ako nagawang tingnan.

Umirap ako saka humalukipkip. Nanatili lang ako sa tabi ng upuan niya. "Hoy, baka gusto mong ipasa na yan. Paalis na si Sir oh!" Kalmadong sabi ko sa kanya. Hiyang-hiya naman kasi ako sa sobrang bingi niya kanina pa kaya nagring yung bell.

Napatingin naman siya sa harapan kung saan nakaupo ang proctor namin na ngayon ay inaayos na ang mga gamit.

"Bakit di mo kaagad sinabi sakin?" Angal niya saka tumayo at tumakbo para habulin ang proctor namin sa exam. Aba! Siya pa ang galit! Siya 'tong ayaw paistorbo. Duh? Hinihingal na umupo siya sa armchair saka tumingin sakin.

Nginitian ko siya. Tinaas naman niya ang isang kilay sakin. "O, easy. Bakit ganyan ka makatingin? Aayain lang naman kitang maglunch." Depensa ko. Ngumuso naman siya sa sinabi ko.

"Bakit masama ka na bang tingnan ngayon?" Aniya. Inirapan ko lang siya. "Hayy, tinatamad akong maglunch mukhang naubos yata ang energy ko dun sa algebra! Pakiramdam ko natuyuan yata ako ng tubig sa katawan." Himutok niya ng nakasimangot. Napapailing nalang ako sa pagiging OA niya magreact. Grabe talaga!!

"Kaya nga, tara na maglunch. Kailangan mong kumain para bumalik ang energy mo. May exam pa tayo mamaya." Paalala ko sa kanya kaya lalo naman siyang sumimangot.

"Oo na!" Napipikitan niyang sabi saka padaskol siyang tumayo sa inuupuan.

Tumayo na rin ako saka siya hinila. Sabay kaming naglakad papunta sa canteen. Tamad na tamad pa siyang maglakad. Pakiramdam ko tuloy may akay-akay akong batang munti. Kainis! Pagdating namin kumuha kaagad ako ng tray saka sumunod na rin sa pila.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot kaya nilingon ko siya. Nakatulala siya at malayo ang tingin. Nilaro-laro pa niya ang dulo ng buhok niya. Napangiwi ako ng wala sa oras. Mukha siyang baliw. Literally speaking. Hinampas ko siya sa braso. Napapitlag naman siya sa ginawa ko.

"Ano bang problema mo?" Naiinis na sigaw niya sakin. May kasama pang irap.

"Ikaw. Para kang tanga jan! Pwede ka ng si Sisa!"

"Ewan ko sayo!" Singhal niya sakin. Bakit ba palagi siyang nakasigaw? Di naman ako bingi! Aba, mainit ang ulo ng bruha. May dalaw yata?

"Joke lang! Ito naman, anong gusto mong kainin?"

"Bahala ka na kung ano yung sayo, ganun na lang din sakin." Matamlay niyang sabi. "Hintayin nalang kita sa may cashier ha?" Sabi pa niya saka ako tinalikuran. Anyari dun? Mood swing again?

Binalewala ko nalang siya. Kumuha ako ng dalawang serve ng pork steak with rice. Pinili kong dessert ang halo-halo. Nagbabakasakaling baka bumalik ang mood ng bruha kapag nalamigan na ang ulo niya. Dumampot na rin ako ng dalawang softdrinks saka nagmadaling maglakad papunta sa cashier baka kasi mainip si madam Auring. Ayoko naman mapagbalingan ng init ng ulo kung sakali.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon