Mabilis lumipas ang araw. Di ko man lang namalayan na magsa-summer vacation na pala. Pagkatapos ng nangyari sinubukan akong kausapin ni Andrei pero ginawa ko ang lahat makaiwas lang sa kanya hanggang sa nagsawa nalang siya at hinayaan ako. Nung una nalungkot ako kasi kahit papano naging mabuting kaibigan naman siya sakin. Nakasanayan ko na rin na palagi siyang nariyan kapag kailangan ko ng tulong pero nalampasan ko naman lahat with the help of my friends, Joy and Eysia. They are always on my side, they never leave me no matter what kaya madali akong nagcope up. Mas mabuti na rin siguro yun para makapagfocus ako sa studies ko. Wala na rin naman akong balita kay Andrei.After my mother's confession parang natakot na ako magtiwala sa mga lalaki. Although mali pala yung pagkakaalala ko noon sa kwento niya na iniwan kami ng father ko nung nalaman na buntis siya. Pinanagutan naman pala ako pero bigla lang siyang nawala. I won't judge my dad after all maybe he had reasons behind what happened to them. I really want my mom to be happy and find her lifetime partner.
Bumuntong-hininga ako. Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Naglalakad ako sa corridor papuntang faculty room sabay kasi kami ni mommy na uuwi ngayon.
"Hoy Venus!" Tawag sakin ni Joy. Huminto ako sa paglalakad saka hinarap siya.
"O, bakit? May kailangan ka?"
"Pauwi ka na ba? May itatanong lang sana ako sayo."
"Di pa. Aantayin ko pa si mommy eh. Ano ba yung itatanong mo?"
Sana naman maganda itong itatanong ni Joy nuh? Nag-alangan siyang lumapit sakin.
"Eh kasi di ba summer vacation na next week? May naisip ka na bang gagawin?"
Tumango ako. Every summer kasi umuuwi kami sa province ng mommy ko. Para magkaroon kami ng time together with my lolo and lola since wala naman kaming ginagawa dito sa Manila.
"Uuwi siguro kami ng Batangas. Ikaw ba may naisip na?"
Umiling siya at malungkot na ngumiti sakin. "Gusto ko sanang magsummer job eh para naman maging kapaki-pakinabang ang bakasyon ko di yung nakahilata lang ako sa bahay. Nakakasawa na yun. Gusto ko maiba naman." Nakangusong reklamo nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Pwede kitang ilakad sa lolo ko. Pwede ka sa resto nila magtrabaho." Suggestion ko sa kanya.
Para itong nanalo sa lotto ng bumaling sakin. Ang ganda ng ngiti niya.
"Talaga?" Tumango ako. "Eh di ba bawal yun? Under age pa kasi ako." Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pag-alala.
"Ano ka ba naman di naman sobrang laki ng resto na yun eh. Isa lang yun sa mga branch nila tsaka part-time ka lang naman. Wag kang mag-alala akong bahala sayo."
Lumundag siya sa sobrang tuwa saka ako niyakap. "Salamat Venus! Yes! Excited na ako magtrabaho." Sigaw niya.
"Mukha nga." Nakangisi kong sabi. "Sige na, mauna na ako ha? Baka kasi hinahanap na ako ni mommy." Paalam ko sa kanya.
"Sige. Salamat ulit!" aniya na patalon-talon pa habang naglalakad.
Nauna pa talaga siyang tumalikod sakin ha? Ako kaya yung naunang magpaalam. Baliw talaga! Iiling-iling kong tinahak ang daan papunta sa aking ina.
"Hi mommy" bati ko sa kanya. Umupo ako sa table niya. "Kamusta po ang buong araw mo?" Nalalambing na yumakap ako sa beywang niya.
"Okay naman medyo masakit lang ang paa ko ng konti." Sagot nito habang naglalagay ng gamit sa bag.
"Ganun po ba? Mag-order nalang po kaya tayo ng dinner para mamaya para makapagpahinga po kayo ng maaga." Suhestiyon ko. Pwede naman siguro yun. Minsan lang naman namin gawin yun eh!
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...