Kabanata 16

301 11 0
                                    


SUNDAY came.

"Malayo pa ba tayo? Naiinip na tanong ko kay Andrei. "Tsaka saan mo ba talaga ako dadalhin?" Kanina pa kasi kami bumabyahe. At di ko alam kong san ba talaga kami pupunta.
Pagkatapos niya akong sunduin kanina sa bahay ay nilagyan niya ako ng blindfold. Gusto raw niyang surprise ang date namin.

"Malapit na tayo. Konting tiis nalang. Okay?" Aniya.

Hayyy. Ano pa nga bang magagawa ko di ba?

Siguraduhin mo lang talagang lalaki ka na maganda itong sorpresa mo kundi talagang masusuntok kita!

After so many years. Nakarating rin kami kung saan man itong lugar na pinagdalhan sakin ni Andrei. Naramdaman ko kasing tumigil na ang kotse niya. Maya-maya pa bumukas na ang pinto sa gilid ko.

"We're here!" Masiglang anunsyo ni Andrei. Habang inaalalayan ako palabas ng kotse niya.

"Careful" 

Nakahawak sa kamay ko ang isang kamay niya samantalang ang isang braso naman niya ay nakapulupot sa bewang ko habang naglalakad kami. Mabuti nalang talaga sementado yung dinadaanan namin kundi baka nagsungaba na ako kanina pa. Nakakainis bakit kasi pinagsuot pa ako ni mommy ng stilleto!

Mabuti nalang din mahigpit ang pagkakahawak ni Andrei sakin. Nakakahiya naman kung bigla ko nalang hahalikan ang semento di ba?

Huminto kami bigla sa paglalakad. Naramdaman kong unti-unting kumakalas si Andrei sa pagkakahawak sakin.

"Here we go. Last na 'to promise. Please, count from one to ten. Louder. Okay? And no peeking. I will know. Then, you can remove your blindfold after."

"Okay"

Maya-maya pa umalis na siya sa tabi ko. Dahil masunurin naman akong bata sinunod ko ang utos niya.

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10" I count louder para marinig niya.

After counting. I slightly remove my blindfold. I blinked so many times to adjust my eyesight. Nang tuluyan ng umayos ang paningin ko. Nilibot ko iyon sa buong paligid.

Sobrang dilim ng lugar. Tanging ang pathway lang kung saan ako nakatayo ang maliwanag. May mga nakasindi iyong maliliit na kandila sa bawat gilid tama lang para makita ko ang nagkalat na mga rose petals duon.

Out of my curiosity sinundan ko iyon hanggang sa makapasok ako sa loob ng isang malapad na gate na gawa sa kahoy. Tinulak ko iyon ng dahan-dahan. Nagulat nalang ako ng biglang nagliwanag ang buong paligid.

Wow. Beautiful! Literal na nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng nakita ko.

Para akong nasa enchanted garden. Punong-puno ng mga christmas lights ang buong lugar na animoy mga alitaptap na kumukutitap sa gabi. May maliit na canopy sa gitna nun kung saan may nakaset-up na table for two with a candlelight. Sa kanang bahagi naroon ang fountain na may umaagos na tubig na may iba't ibang kulay. Sa kaliwang bahagi naman ay may nakaset-up na mini stage.

Napangiti ako bigla. Mukhang pinaghandaan nga talaga ng maigi ni Andrei itong araw na 'to ah? A for Andrei and E for Effort! Talaga namang nakakataba ng puso.

Napapikit ako ng mata nang biglang humangin ng malakas. Napakalamig niyon at nililipad ang suot kong summer dress. Naamoy ko rin ang mga bulaklak na nakatanim doon. Hmmn ang bango!

Sa sobrang tahimik ng lugar bigla tuloy akong kinabahan.
Nasaan na ba si Andrei? Wag lang siyang magkakamaling iwan ako dito ng mag-isa.

As if on cue, bigla akong may narinig na strum ng gitara. Napamulat ako ng mga mata. May liwanag na ang mini-stage na naroon. At nandun ang lalaking hinahanap ko. Nakaupo sa isang stool at may hawak na gitara. Shit! Ang gwapo ng adonis na nasa harapan ko.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon