Kabanata 9

326 14 0
                                    


Halos mabingi ako sa tilian ng mga schoolmates ko. Nandito  lahat ng estudyante sa may gymnasium. Ngayon kasi gaganapin ang miting de avance ng dalawang partido.

Kasalukuyang kumakanta si Ziann, isa sa singing hearthrob ng senior year. Magaling naman siyang kumanta pero para sa akin wala ng mas gagaling pa kay Andrei. Kaya kahit halos maputol na ang litid ng mga katabi ko na sina Joy at Eysia ay di ko magawang sumabay sa mga tili nila.

Ewan ko ba kung bakit parang walang dating sakin yung pagkanta ni Ziann. Siguro dahil wala siyang talent sa mga intruments. Baka ganun nga! O sadyang napakaloyal ko lang talaga kay Andrei?

Ay naku!! Ano nga ba Shirina? Bakit di mo nalang aminin? Ang pakipot mo talaga!

"Ang gwapo mo talaga Ziann!! Pwede bang akin ka nalang??" Tili ni Joy na sobrang lakas. Pakiramdam ko di pa tapos ang program bingi na ako.

Halos magtago na ako ng bumaling sa pwesto namin si Ziann at ngumiti. Nakuha pa nitong magflying kiss kay Joy. Pumula naman ang mukha ng bruha. Grabe nakakahiya! Bakit naman kasi ang lakas sumigaw ng babaeng 'to? Napatingin tuloy samin yung ibang mga estudyante. Mabuti sana kong nakangiti kaso halos sila nakakamatay na tingin ang binibigay samin. Argh!

"Tumigil ka na nga kakasigaw jan! Nakakahiya ka! Agaw atensyon tuloy tayo." Naiiritang suway ko kay Joy. Ngumuso naman siya.

"Sus! Bakit di ka nalang rin sumigaw?" Nakangiting suhestiyon niya. My God! Kung pwede lang lumipat ng upuan kanina ko pa ginawa.

"Ayoko nga! Wag mo nga akong isama sa mga kalukuhan mo!" Mataray kong sabi sa kanya.

"Asus..! Palibhasa sa iba mo gustong sumigaw eh!" Bintang niya sakin.

"What?"

"Sus! Indenial! Sabi ko ayaw mo kay Ziann kasi gusto mo kay Andrei lang."

"Di kaya? Syempre ang lakas mo lang kasing tumili. Baka di mo lang napapansin yung mga tinginan nila satin. Ay naku! Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina ka pa humandusay jan! Tsaka anong peg mo girlfriend lang?" Sarkastiko kong sabi. Tiningnan naman niya ako ng masama na para bang may mali sa sinabi ko.

"FYI, Venus Shrina, ang tawag dun, PAG-HA-NGA... in english CRUSH! Duh? Porket ba di girlfriend, wala na agad karapatan tumili? Pakialam ba nila kung yun ang way ko para suportahan siya? Edi gumaya rin sila. Walang pipigil sa kanila, For sure. Inggit lang sila! Ha!!" Nanggigil niyang sabi bago ako inirapan. Di ko alam kong kinukumbinse ba niya ang sarili o para talaga yun sa mga haters niya?

Bumuntong hininga nalang ako. Bakit ba di ko magawa kay Andrei yun? Oo nga naman may point siya dun, full support naman ako kay Andrei pero yung ipagsigawan ang pangalan niya? No way! Gumuho muna siguro ang buong campus bago ko gawin yun. Kahit naman halatang patay na patay ako sa kanya may natitirang hiya pa naman ako sa katawan nuh?

"Okay, I'm sorry."

Ayoko nang kumontra pa baka masira ko pa ang magandang mood niya. Kahit naman palagi kaming nagbabangayan ayoko umabot sa point na magkakagalit kami.

Tahimik lang ulit kaming nakinig sa presentation ng kabilang grupo. Mabuti nalang sila ang nauna. Kinakabahan kasi talaga ako. Kinakalma ko lang ang sarili para naman di ako magmukhang may dysmenorrhea. Masyado yata  akong naging focus sa nararamdamam ko kaya di ko namalayan na tapos na pala sila. Nagulat nalang ako ng may pumitik na kamay sa harapan ko. Napakurap ako saka tiningala kung kaninong kamay ba iyon. Kay Andrei lang pala!

"Are you okay? May problema ba?" 

Umiling ako. "I'm fine. Just a bit nervous." Najijiyang amin ko.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon