"Hi sweetheart!" Masiglang bati ni Andrei sa kabilang linya.Nakavideocall kaming dalawa dahil nasa ibang bansa siya. Business matter at ngayon lang siya may oras para kausapin ako.
"Hello." Matamlay kong sagot sa kanya. Medyo masakit kasi ang ulo ko siguro sa kakabasa ng report at kakapirma ng documents. This is part of my training in our company kaya bawal magreklamo.
"Are you okay? You looked tired?" Bothered na tanong niya medyo nakakunot pa ng kaunti ang noo. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako. "Okay lang ako tambak kasi ang trabaho ni Lolo ngayon kaya marami akong tinapos. Ayon medyo sumakit ng konti yung ulo ko." I explained.
He sighed. "Don't stress yourself too much. Rest if you have time, okay?" Tumango ako dahil ayokong mag-alala pa siya. Mamaya di siya makapagfocus sa trabaho niya dun dahil sa pagiging matigas ng ulo ko.
"Kumain ka ba ng lunch mo kanina?" He asked again.
"Oo." Nangalumbaba ako saka ipinikit ang mga mata pakiramdam ko kasi sobrang bigat talaga ng ulo ko mukhang magkakasakit pa yata ako. Iyon ang ayoko sanang mangyari dahil marami pa talaga akong trabahong dapat na tapusin.
Pinilit kong imulat muli ang mga mata at tingnan uli si Andrei sa screen. Halatang nag-aalala siya sa akin. He keeps on shifting on his sit parang hindi mapakali.
"Wag kang mag-alala matanda na ako saka kaya ko na ang sarili ko." Ngumiti ako sa kanya kahit pilit. Mahirap na baka mamaya umuwi nalang siya bigla sa sobrang pag-aalala. Ang OA pa naman ni Andrei minsan.
"Sigurado ka? I'm sorry wala ako jan." Sobrang lungkot ng itsura niya naawa tuloy ako bigla parang binigyan ko pa kasi siya ng problema. Ayoko naman magsinungaling dahil baka magalit lang siya.
"Ayos lang talaga ako. Wag ka ng mag-alala jan. Nandito naman sila mommy at daddy if ever di ko kaya I will seek help to them."
Bumuntong-hininga siya. "Alagaan mo naman ng maayos ang sarili mo sweetheart para hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano dito." Sermon niya sakin hindi na yata nakapagtimpi para tuloy akong bata na sinisermunan ng tatay.
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. He looks so cute and adorable while saying those words. He sounds like my mom rin kapag ganyang pinapangaralan niya ako. Minsan parehas pa sila ng dialogue at linya kaya nagkakasundo silang dalawa eh! Pareho mag-isip.
"Oo na po, kailan ba ang uwi mo dito?" I immediately change our topic bago pa ako makatanggap ng maraming salita sa kanya baka lalo lang sumakit ang ulo ko nun.
"Bakit miss mo na agad ako?" Pilyong tanong niya. Kung kanina sobrang lungkot ng itsura niya ngayon naman nakangisi na siya. Bipolar talaga! Ang bilis magbago ng mood.
"Di 'no!" Tanggi ko kaagad. Dapat pala iba nalang ang tinanong ko. Feeling pa naman ang isang 'to minsan.
"Sus, kunyari ka pa eh! Aminin mo na sweetheart." Pang-aasar pa niya lalo talagang ayaw magpatalo. Todo ngiti pa siya abot hanggang tenga halatang aliw na aliw na asarin ako.
"Hindi nga kasi!" Medyo naghigh pitch ng kaunti yung boses ko malapit na akong mapikon sa kakapilit niya.
Tumawa siya. "Oy, mapipikon na yan!" Tudyo pa niya. "Ang fiancee ko, in denial queen pa rin hanggang ngayon." He even wiggled his eyebrows to tease me more. Sige lang Andrei ipagpatuloy mo yan, ang saya mo eh 'no?
Inirapan ko siya. Excuse me? Di ako in denial 'no! Kanina lang kaya ng umaga siya umalis kaya di ko pa talaga siya namimiss kahit naman nakasanayan ko ng nariyan siya palagi sa tabi ko, nakakaya ko naman kapag ganitong nasa malayo siya. Siya nga itong napakaclingy eh!

BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...