Kabanata 23

321 10 15
                                    


"OMG!"

Manghang sambit ni Joy ng makababa na kami ng sasakyan. Nangingislap ang mga mata nito habang nakatitig sa mala-kristal na karagatan sa may di kalayuan. Kahit katirikan ng araw dahil alas dos palang ng hapon ay talagang di itro nagpapigil. Nagtatakbo ito sa dalampasigan na animo'y first time makakita nun. Iiling-iling na pinagmasdan ko si Joy, mukhang nakalimutan na yata ng bruha ang totoong sinadya niya rito.

"She's so excited." Natatawang komento ni mommy na ngayon ay hinahatak ang aming mga maleta palabas ng compartment.

"Mukha nga po. Baka nanibago lang dahil di naman ganito sa Maynila."

"Kaya nga anak, sana kahit papaano ay ma-enjoy niya rin ang bakasyon." May himig ng pag-aalala sa boses nito.

"Sana nga po."

Naglakad na kami parehas papunta sa main door ng  resthouse. Hila ko parehas ang maleta namin ni Joy. As if naman kasi may choice ako! Mabuti nalang at may maliit na kalsada papunta sa dalampasigan at hindi na kailangang pumasok sa resthouse na may bakod. Doon dumaan si Joy at malamang na nasa may dagat na iyon.

Sinalubong kami ng dalawang babaeng nakauniporme ng puti at itim. Marahil mga katulong iyon sa malaking mansyon nila lola wala naman kasi kaming kasambahay. Kinuha ng isa sa kanila ang dalawang maleta na dala ko.

"Salamat po!" Ngumiti lang ito sakin.

Napansin ko rin na magkasamang naglalakad sina lolo at lola para salubungin kami.

"Lolo! Lola!" Nakangiting tawag ko sa kanila saka tumakbo para yakapin ang mga ito. God, I really missed them so much!

"Naku! Ikaw talagang bata ka oh. Di ka pa rin nagbabago." Ani lola.

"Syempre po 'La, namiss ko po kayo ni Lolo!" Sagot ko sabay bitaw sa kanila.

"Mukhang lalo ka pa yatang tumangkad apo?" Ani ni Lolo na ginulo-gulo pa ang aking buhok. "At mas gumanda rin, di kaya may manliligaw ka na sa Maynila, iha?" Tudyo pa nito na kinailing ko.

Totoo naman kasi kahit pa sinabi ni Andrei na manliligaw raw siya eh hindi pa naman ako pumapayag kaya di pa yun counted.

"Ano ka ba naman 'Lo matagal na po kaya akong maganda!" Tinawanan lang ako ng tatlo.

"Oo na apo, siya pumasok na muna kayo para makapagpahinga muna kayo." Aya ni lola samin. "Akala ko ba ay may kasama kayo? Nasaan na?" Nagtatakang tanong nito.

"Nasa may dalampasigan po 'La naaliw po masyado sa dagat hayun di na napigilang hindi lapitan."

"Ah? Ganun ba eh napakatingkad ng init ng araw baka masunog ang balat nun tsaka hindi ba yun napagod sa byahe?" Medyo nag-aalalang turan ng matanda.

"Di naman siguro 'La, tsaka mataas po ang energy nun."

Kahit naman ako di nakaramdam ng pagod kahit na di ko nagawang umidlip man lang ng kaonti dahil sa kwentuhan namin ni Joy.

"Ah ganun ba? Siya sunduin mo na yun baka mamaya kong saan-saan pa yun pumunta." Ani lola.

"Opo 'La balak ko nga pong ipasyal muna iyon. Medyo maaga pa naman po tsaka di naman kami napagod sa byahe kanina."

"Sige apo, mainam na rin yun baka mahirapan na kayong makapamasyal kapag nagsimula na siya sa kanyang summer job." Sang-ayon naman ni lolo.

"Sige na anak puntahan mo na si Joy." Utos naman ni mommy sakin.

Tumango ako saka naglakad na palabas. Baka mamaya napano na ang babaeng yun di pa naman yun pamilyar sa lugar na 'to. Di pa ako nakakalayo ng tawagin ako ni lolo. "Apo!"

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon