Naalimpungatan ako dahil sobrang tahimik ng paligid. Bumangon ako sa kama ng makitang madilim na pala sa labas. Ang suot kong uniporme kanina ay napalitan na ng ternong pajama na pantulog."Buti naman gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" Boses iyon ni mommy. Nakaupo siya sa aking sofa at may hawak na libro.
"Medyo masakit lang po ang ulo ko M'my siguro gutom lang 'to. Kanina pa po ba kayo jan?"
"Oo. Nung nagtext ka, nagmadali akong umuwi. Naabutan ko pa si Joy sa may sala. Ang sabi niya nakatulog ka raw kaya nagluto na muna ako ng dinner. Hinintay kitang magising pero ang himbing ng tulog mo kaya pinalitan kita ng damit. Mainit ka kasi kanina at pinagpapawisan. Stress ka ba nitong nakaraang araw anak?" Deretsahang tanong ni mommy sakin na may halong pag-aalala ang mukha.
Umiling ako. Di ko pa yata kayang magsabi sa kanya. Siguro naman maiintindihan niya ako kung sakali.
"Okay. Basta nandito lang si mommy ha? Lalabas lang ako at iinitin ang mga ulam para makakain ka na."
"Salamat mommy"
Nang nakalabas na siya sa kwarto ko nakaramdam kaagad ako ng lungkot. Bumuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. Okay lang yan Shirina, magiging maayos ka rin bukas.
Tumunog ang cellphone ko sa may gilid ng kama. Inabot ko iyon. Nakita kong nagtext si Joy.
From:Joy the Chismosa
Hey! Gising ka na ba? Kung oo. Text me please..! I'm worried.
Nireplayan ko naman siya dahil mukhang pinag-alala ko talaga siya.
To: Joy the Chismosa
I'm awake. Thank u kanina.
From: Joy the Chismosa
Good. Are u okay?
To: Joy the Chismosa
Yup! Don't worry okay lang ako. Nandito naman si mommy.
From: Joy the Chismosa
I know. What I mean yung bout kay Andrei.
To: Joy the Chismosa
I don't want to talk about it. Wag na nating isipin yun.
From: Joy the Chismosa
Okay. Basta dito lang kami ha?
To: Joy the Chismosa
Ok. Thank u Joy! Pasensiya na kung pinag-alala kita.
Mabuti nalang dumating na si mommy. Ayoko munang pag-usapan ang nangyari kanina. Bakit ba alalang-alala sila sakin? Kung makapagreact naman sila parang kami ni Andrei ah? Nilapag ni mommy sa study table ko ang dala niyang tray na may lamang mga pagkain.
"Kain ka na para makainom ka ng gamot."
"Salamat M'my. Kumain na po ba kayo?"
"Tapos na pasensiya na at di kita nahintay. Sige na kumain ka muna."
Sinubo ko ang adobong manok tsaka kain. Napangiwi pa ako ng di ko iyon malasahan pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsubo hanggang sa maubos ko na ang laman ng plato. Uminom ako ng tubig. Inabutan naman ako ni mommy ng gamot. Di ko alam na magkakasakit ako sa sobrang pag-iisip. Masyado yatang naistress ang utak ko this week.
Pagkatapos kung uminom ng gamot. Niligpit na ulit ni mommy ang tray at dinala sa labas. Makalipas ang ilang minuto pumasok ulit siya. Akala ko ay matutulog na siya sa kwarto niya kaya nagulat ako ng makita ko siya sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomansVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...