Kabanata 5

418 10 1
                                    


"Venus, may naghahanap sayo sa labas" sabi ng isa kong kaklase.

"Sino?" tanong ko sa kanya.

"Mga senior, basta puntahan mo nalang kasi dun," medyo iritado niyang sabi.

Napaungol naman ako. Di ba talaga nila ako tatantanan? Pagkatapos ng exam namin ay may lumapit saking mga senior kukunin daw nila ako bilang treasurer ng student council. Umpisa palang ay di na ako pumayag bukod sa di ko yun hilig. Di rin ako sociable. Paano ako mangangampanya kong di ako marunong makihalubilo? Pero never say die yata ang motto nila dahil simula noon ay di talaga sila pumapalya sa kakasuyo sakin na maging kapartido nila. Sigurado ako na yun na naman ang pakay nila ngayon sakin. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng classroom. Di nga ako nagkamali. Nandun na naman sila.

"Anong kailangan niyo sakin?" I coldly asked them.

"The same as usual. Sige na please, we will help you naman throughout the campaign di ka namin papabayaan. Please.. ikaw nalang kasi ang last choice namin." Nagmamakaawang sabi ni ate Jeryn, ang president nila.

Kulang nalang lumuhod siya sa harapan ko para lang mapapayag ako. Naawa naman ako sa kanya kaya lang ayoko talaga. Di naman sa wala akong puso pero di ko talaga kaya ang gusto nila.

"Alam niyo naman na po siguro ang sagot ko jan di ba? And until now, it's still a no!" Iritadong sabi ko saka sila tinalikuran.

I don't want to be rude pero yun lang ang tanging magagawa ko. Napipika na ako sa kakulitan nila. Grabe! Daig pa nila ang bubuyog kong mambulabog.

"Ano daw ang kailangan nila sayo?" tanong ni Joy nang makabalik ako. Umupo ako saka hinilot ang sentido. Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanila. Di ko na alam ang gagawin, kong paano ko ba sila patitigilin sa paglapit sakin. Isumbong ko kaya sila kay mommy? Kaso parang nakakahiya naman yun para akong bata na humihingi ng kakampi kasi may kaaway.

"Ano pa nga ba? The same as usual, hanga talaga ako sa determinasyon nila, grabe di natitinag! Never say die lang ang peg nila bes!" Bumuntong-hininga ulit ako saka nangalumbaba.

"Bakit di mo kasi subukan? Matalino ka naman, maganda, talented. Wala namang mawawala sayo kung ita-try mo makakadagdag pa nga yun sa extra-curricular activities mo eh." Suhestiyon ni Joy. Pati siya namomroblema na rin dahil sa akin.

Napabuga naman ako ng malalim na hininga. "Sabihin na natin na may point ka kaso paano ko naman yun gagawin? Di naman ako friendly tulad nila. Kung dito nga sa classroom ikaw lang ang kaibigan ko paano pa kaya sa labas?" Problemadong sabi ko. Ngumuso naman siya sakin.

"Pwede naman siguro natin gawan ng paraan yan, di ba?"

"Ewan ko, sabi naman nila tutulungan daw nila ako. Di daw nila ako pababayaan. Kaso para sa isang katulad ko na baguhan lang para namang nakakahiya kong iaasa ko sa kanila ang lahat, di ba?"

"Sabagay, may point ka rin dun."

"Paano na yan?"

"I-try mo nalang kasu. Medyo sikat ka naman na sa buong campus eh dahil kay Andrei."

Since nung nagsabi si Andrei na gusto raw niya akong makilala palagi nalang siyang sumusulpot kong nasaan ako ay naroon rin siya. Minsan nga ang creepy na isipin. Nagmumukha na kasi siyang stalker ko. Sinabihan pa akong bobo ni Joy dahil ang slow ko raw talaga umintindi. Di ko ba raw alam na iyon daw ang tinatawag na panliligaw. Syempre alam ko. Di naman ako pinanganak kahapon nuh? Sa panahon ngayon uso na ang magkaboyfriend ng maaga. Kalimitan nga sa mga kabataan na kaedad ko ay nakailang boyfriend na. Parang normal na iyon sa panahon ngayon. Alam ko naman talaga ang tinutukoy niya ayoko lang siyang paniwalaan at mag-assume dahil wala namang sinasabi si Andrei tungkol sa bagay na yun.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon