Chapter SIX°«

12.7K 382 10
                                    

Chapter 6

Airah Pov:

Natapos ang araw na laman ng isip ko ang tungkol sa message ni Sarah.
Hindi ko alam, pero talagang hindi ako mapakali simula nang mabasa ko ang message na 'yon.
But on my other side, medyo nasiyahan ako dahil alam ko na kapag dumating si Sarah, maaring makaalis na ako sa kamay ng ate at mom n'ya.

Pero ba't ganon? Parang umaapaw ang lungkot ko.
Hays ewan. Naguguluhan na ang sarili ko.

"Goodmorning.", ngiting bati sa akin ng lalaking nasa unahan ko.
Ang ngiti n'ya, kakaiba ngayon.

"G-goodmorning.", sambit na tugon ko sa kanya.

"Parang tulala ka yata? Kanina ka pa tinatawag ni mom. Hindi mo ba naririnig?", punang sambit nito.

"G-ganon ba, p-pasensya na.", saad ko rito.

"It's okay. Halika na, may pupuntahan pala tayo.",

"H-huh?", tanging bigkas ko.
Wala na akong nagawa pa nang bigla n'yang hawakan ang aking kamay.

Ngayong araw na to, ibang- iba ang kilos niya na tila ba isang anghel.
Siguro dahil ito sa message ni Sarah.
Dahil sa naisip ko, medyo nasaktan tuloy ako.

"S-saan ba tayo pupunta?",
'Yan ang tanging lumabas sa bibig ko habang nagmamaneho siya.

"Magpapasama ako sayo para bumili ng singsing.",

Napatingin ako ng wala sa oras dahil sa sinagot n'ya.
Pero tumigil ang mundo ko nung marinig ko ang karugtong na sinabi ng binata.

"--Ibibigay ko kasi para sa babaeng mahal ko.", patuloy niyang sabi.

"Tsk. Ba't pa ako ang sinama mo?", inis na tanong ko sa kanya.

"Dahil may atraso ka sa akin, remember?",

"Ewan ko sayo.",

"Wag ka mag-alala, ilang araw na lang at babalik na si Sarah. Kaya pagkakataon mo na ring makauwi sainyo.",

"A-ano bang ibig mong sabihin?",

"Tutulungan kita basta tulungan mo rin ako.",

Kahit hindi niya sabihin ng diretso, alam ko na ang tinutukoy n'ya.
Kaya hindi na lamang ako tumugon pa at nanatiling tahimik na lang. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

"What do you think? Alin dito ang maganda? Eto o yung isa?", tanong ng lalaki sa akin.

Andito na pala kami sa sikat na jewelry shop, kung saan busy siya sa pagtingin ng mga singsing.

"Lahat naman maganda.", labas sa ilong na sagot ko.
Ewan ko ba at nawawalan na ako ng mood sa mga oras na 'to. Kanina pa kasi kaming dalawa nandito at hanggang ngayon undecided pa rin siya.
Tsk. Ba't ba kasi ako pa?

"Mamili ka lang ng isa na sa tingin mo magugustuhan niya.", wika nito.

"Try mo kayang ikaw ang pumili, total mahal mo s'ya diba? So ibig sabihin alam mo na ang gusto niya.", sambit ko na lamang at akmang mag-wawalkout na sana ako sa harapan niya. Ang kaso bigla n'ya akong pinigilan.

"H'wag mo akong tatalikuran. Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin?", pagpapaalala nito.

"Tsk. Fine. Oh ayan na isa.", turo ko sa isang diamond ring na nagkakahalagang 350 thousands.
Oo, 350 thousands. Ganyan kamahal ang singsing na pinili ko.

Siguro naman, manghihinayang s'yang gumastos ng ganon.

"Ok, then bibilhin ko 'yan.", diretsong saad n'ya na tila ba walang pag-aalinlangan.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon