Chapter 100

7.3K 129 9
                                    

Chapter 100

Airah POV:

Nang umalis si Jake ay naghanda na rin ako para pumunta ng palengke.

Isang gabi ko lang sya na di makakasama kaya pwede ko naman sigurong initin na lang bukas yung iluluto ko mamaya.

Kinuha ko na yung wallet sa aking damitan at matapos non ay akma na sana akong lalabas ng bahay.

Pero pagkabukas ko palang ng pinto ay bumungad sa aking mata ang ina ni Gino.

Naka-suot sya ng itim na damit habang pasosyal nitong bitbit ang mamahaling bag.

Hindi agad ako nakapag-react dahil medyo nagulat ako sa biglaang pagparito ng Ginang sa bahay ko.

"Hi Hija."
"-- Pasensya na at nagulat yata kita."
ngiting paumanhin nito sa akin.

"Ahm ayos lang ho."
sambit ko sa kanya.

Kahit ang totoo ay hindi talaga ako ayos nung makita ko sya.

Pakiramdam ko kasi may kailangan ito kaya napadalaw sya.

"Alam ko na ang iniisip mo Airah. And yes, may kailangan nga ako kaya napapunta ako rito."

Tila ba nabasa ng Ginang ang tumatakbo sa isip ko dahil nagawa nyang hulaan ang sinasabi ng utak ko.

Bahagya naman akong huminga ng malalim kasabay ng pagtingin ko ng diretsa sa mata ng babaeng kaharap ko.

"Ano ho bang kailangan mo?" magalang na tanong ko sa kanya.

Ayoko na rin kasing tumagal pa ang pag-uusap naming dalawa dahil nga't kailangan ko pang mamalengke.

"Well, mas mabuting papasukin mo muna ako. Masyado ng nangangalay ang legs ko sa kakatayo."
saad nya sa akin.

Dahil sa sinambit nyang yon ay tuluyan ko ng binuksan ng malawak ang pinto para papasukin sya.

Umupo na nga ito sa may upuan at may kung anong kinuha ito sa kanyang bag.

"Here, Anniversary ng Bahay Ampunan bukas.
And you are invited Airah."
sambit nito kasabay ng paglahad nya sa akin ang isang invitation card.

Teka, Anniversary ng Bahay Ampunan?

So it means, invited din si Gino dahil masyado syang close sa mga bata lalo na kila Mother.

-

Nanatiling nakatingin lamang ako sa invitation card na hawak ng Ginang at nagdadalawang-isip pa akong kunin ito.

"Airah, sana makadalo ka. Bukas ng gabi yan gaganapin." pangungumbinsi nya.

Hindi pa rin ako makapag-decide sa mga oras na to, dahil alam kong kapag dumalo ako don ay makikita ko na naman ang pagmumukha ni Gino.

"Inaasahan ka ng lahat na dumalo Airah. Lalo na yung mga bata, excited na ulit silang makita ka."
"--Naikwento kasi sa akin ni Mother yung unang beses na pagpunta mo don. At sabi nito, napamahal na raw sayo ang ibang mga bata."
"---Kaya sana, paunlakan mo ang imbitasyon nila."
Mahabang litanya nito sa akin.

Dahan-dahan ko namang kinuha ang invitation card kahit na medyo labag sa aking kalooban yon.

"Sige ho, dadalo ako bukas ng gabi."
tanging saad ko bilang pagpayag sa sinasabi nito.

Alang-alang sa mga bata, dadalo ako sa Anniversary nila.

At sa totoo lang, namiss ko rin ang mga yon lalo na sila Mother.

"Salamat kung ganon Hija."
"-- So pano, kailangan ko na ring umalis. Marami pa akong aasikasuhin."
wika niya kasabay ng pagtayo nito at marahan akong bineso.

May ngiti sa labi syang humakbang palabas ng pinto.
Pero bago pa man sya tuluyang umalis ay muli itong lumingon sa aking gawi.

"Sana bukas, pwede pang ibalik ang lahat."

Yan ang huling sinambit mom ni Gino sa akin.

And it so WEIRD!
Ewan ko ba, pero nagkaroon tuloy ng kaguluhan sa isip ko dahil sa katagang binitiwan ng Ginang.

-

Napailing na lamang ako at isinantabi ko ang narinig ko kanina.

Kung ano man ang gustong iparating nito ay hindi ko na muna yon iisipin.

-

Itinuloy ko na nga ang aking plano na pumunta ng palengke para bumili ng iluluto ko mamayang gabi.

Umalis na ako na bitbit ang aking maliit na pitaka.

-

Nang makarating ako sa palengke ay sariwang isda at gulay ang syang binili ko.

Gusto kong masuklian ang lahat ng mga ginawa ni Jake sa akin kahit sa simpleng pagluluto lang ng mga paborito nyang ulam.

Halos isang oras mahigit akong gumugol sa paglilibot at pagbibili sa palengke.
At matapos ang lahat ay muli na akong bumalik ng bahay.

Nag-umpisa na nga akong magluto.
May special recipe ang paglulutong ginagawa ko ngayon, at yon ay ang tunay na pagmamahal.

Totoong mahal ko na si Jake.
At excited na akong sagutin sya bukas ng gabi.

Oo, bukas ng gabi.
Pakatapos kong mag-attend ng Anniversary ay sasagutin ko na ang lalaking minamahal ako ng husto.

Jutay POV:

Lahat ng kailangan na kagamitan sa pagsurprise ay handa na.

May inutusan rin akong mga lalaki na ikabit ang iba-ibang dekorasyon at ilaw sa buong paligid.

Gusto ko kasi na sa pagtapak palang ni Airah ay magustuhan nya ang agad ang ginawa ko.

"Manong, eto pang malaking litrato ang ilagay mo sa taas."
sambit ko sa medyo may edad ng lalaki.

Si Mom ang syang nagpadevelop ng lahat ng picture ni Airah.
At inutos nya sa kanyang tauhan na idala ito sa akin.

Ang mga litratong kinakabit ngayon sa taas ay ang mga epic at stolen na picture ni Airah nung pagpunta namin ng Bicol.

Balak ko kasing ibalik ang lahat na ala-ala naming dalawa.
Yung ala-ala na puno ng saya at pagmamahal.

"Gino Hijo, magkape ka muna."
sulpot na saad ni Mother sa aking tabi.

May dala itong isang nasa na may laman ngang kape.

"Mamaya na ho Mother. Kailangan ko munang tapusin ito para handa na ang lahat bukas."
Ngiting tugon ko sa kanya.

"Masyado mo akong pinapa-bilib Gino. Halatang pursigido kang magkaayos at maibalik ang relasyon nyong dalawa ni Airah." wika nito.

"Oo Mother eh. Mahal ko kasi yung tao. Kaya para sa kanya, gagawin ko ang lahat."
pahayag ko rito.

Marahan naman ako nitong hinaplos sa braso at muli itong nagsalita.

"Hindi man ako ang may hawak ng kapalaran at tadhana mo pero malakas ang kutob ko na kayong dalawa talaga ng dalaga ang para sa isat-isa. Kaya wag ka sanang susuko Gino."
mahiwagang sabi nito sa akin.

Medyo kinilig naman ako sa naging kutob ni Mother.

At dahil don, mas lalo akong naging pursigido sa surpresa na inihanda ko para sa babaeng mahal ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon