Chapter 44
Sarah POV:
Paulit-ulit na sumagi sa isip ko yung mga sinabi ni Jake sa akin.
Medyo nagulat din ako dahil sa mga narinig ko mula sa labi nito.
Si Airah, mahal na ni Gino?
Paano yon nangyari?
Tsk.
Parang kailan lang patay na patay sa akin tong si Gino eh.Pero anong pake ko kung mahal na ni Gino ang babaeng yon?
As if naman masasaktan ako.Like the hell!
Umiiling-iling akong nagpatuloy muli sa aking pinapanood.
Wala eh, hindi ako affected.
Magiging apektado lang ako kung magiging hadlang si Airah sa pagkuha ko ng kayamanan ni Gino.
Pero dahil sa gusto kong yumaman pa lalo, mangingialam muna ako sa love story nilang dalawa.
Kaya bukas na bukas, I will make sure na kunin ulit ang atensyon at pagmamahal ni Gino para mabaling muli ito sa akin.
Airah POV:
Nang sumapit ang gabi ay bigla akong nagtaka kung bakit si Jutay na mismo ang nag-asikaso sa bahay.
Ako yung maid nya pero kung titingnan daig pa ako ang amo.
Dahil ako itong feeling prinsesang naka-upo samantalang si Jutay ay nagluluto sa kusina.
Hindi ko wari'y maisip na mangyayari ang lahat ng to.
Buong akala ko kasi ay hindi ako mamahalin ni Jutay at walang pag-asa na maging kami.
Pero mukhang umiba yata ang ikot ng mundo nang umamin at magtapat sya sa akin ng kanyang nararamdaman.Mahal ko si Jutay, pero biglang sumagi sa isip ko si Jake.
Sya itong nanliligaw sa akin at ang sama ko naman sigurong tao kung paaasahin ko sya diba?
Paano kung sabihin kung sabihin ko na lang sa kanya ang totoo para sa ganon hindi na sya umasa pa.
Pero kapag sinabi ko naman yon ay paniguradong masasaktan sya.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko.
Nagtatalo kasi ang isip at puso ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang susundin ko sa dalawa."Airah, hey!" bigkas na sambit ni Jutay sa aking harapan.
Wala sa oras ay biglang dumapo ang tingin ko sa katawan nya.
Shet!
Ngayon ko lang napagtanto na wala pala syang T-shirt na suot ngayon.Napalunok ako ng laway nang makita ko kung paano daluyan ng pawis ang kanyang abs.
"Airah, kung gusto mong hawakan ang katawan ko, okay lang. Mahal naman kita." muling sabi nya na may kasabay pang kindat sa akin.
Nang sabihin nya yon ay saka ako bumalik sa aking sarili.
"Kapal mo! Wala akong balak na hawakan yan." wika ko naman rito at iniwas ko na ang aking tingin sa kanyang katawan.
"Okay, sabi mo eh. So let's eat. Nakahanda na yung dinner natin, mahal kong prinsesa." ngiting saad na lamang nya at talagang inilahad nya ang kanyang kamay sa akin.
Sus, masyado syang maraming alam noh?
Pinapakilig nya lalo ako.Syempre, hindi na ako nagpakipot pa dahil nga sa gutom na rin ako.
Kaya nakahipagholding-hands na rin ako sa kanya.Nang matungo namin ang kusina ay sya pa itong nag-prepare ng foods para sa akin.
"Jutay, hindi mo naman kailangan gawin to. Ako yung maid mo, kaya dapat ako ang gumagawa nito." sambit ko sa kanya.
Nakakahiya na kasi masyado.
"No Airah, simula ngayon hindi ka na maid dito." paglilinaw nya.
"Pero Jutay--"
"Airah, wag ng matigas ang ulo mo. Mahal kita kaya hindi mo kailangan pagurin ang sarili mo." wika nya sa akin.
"Pero hindi ako sanay na walang ginagawa" ngusong sabi ko sa kanya.
"Then sanayin mo.
Dahil sa bahay na to, prinsesa ka na Airah." sambit nito dahilan para matigilan ako.Gosh!
Pakiramdam ko tuloy ang ganda kong babae.Para hindi na tumagal ang usapan ay hinayaan ko na lamang sya na pagsilbihan ako.
Kaya habang kumakain kami tahimik lang akong naka-focus sa aking kinakain.
Ayokong tingnan si Jutay dahil medyo naiilang talaga ako.Kung iisipin sa araw na to ang dami nya agad na binago sa kanyang sarili.
"Nga pala bukas, pupunta tayo ng mansion Airah. Gusto kong ipakilala kita kila mom ng pormal." pagbabasag nito sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa.
Napatigil ako sa pag-nguya ng pagkain sa aking bibig.
"Huh? Pero kilala na nila ako."
"Alam ko. Pero mas maganda kung ipakilala kita sa kanila ng maayos."
"Ano bang ibig mong sabihin ng maayos Jutay?" agad na tanong ko sa kanya.
"Hays, ang slow mo masyado Airah. Ipapakilala kita as my girlfriend , yon ang ibig sabihin ng maayos." sagot nito sa aking tanong.
Wala sa oras ay napaubo ako at muntik ko ng malabas yung pagkain sa aking bibig.
Teka?
Mukhang nabibingi yata ako."Anong sabi mo? Ipapakilala mo akong girlfriend sa parents mo?" pagtatanong ko sa kanya para sa ganon maging malinaw sa akin ang lahat.
"Yes Airah, ipapakilala nga kita bilang totoo kong girlfriend." Walang pag-aalinlangang sabi nito.
Potah!
Masyado syang advance mag-isip ha?"No way. Ano ka siniswerte? Hello, ayoko nga." pagtatanggi ko naman sa kanya.
At don nawala bigla ang excitement sa kanyang mukha.
"Pero Airah, mahal kita at mahal mo ako. Kaya bakit ayaw mong ipakilala kitang girlfriend sa kanila?" nagtatakang bigkas nito na may halong lungkot sa kanyang boses.
"Di dahil mahal kita ay pwede ng maging Tayo. Uyy ha, uso rin ang ligaw noh. Baka gusto mong i-try? Baka lang naman." wika ko rito.
Medyo natahimik sya dahil sa sinabi ko kaya naisip ko na tila ba ayaw nya akong ligawan.
Kaya bahagyang kumirot ang puso ko dahil pagdating kay Sarah niligawan nya ito pero sa akin, parang ayaw nya yata.
"It's okay, wag mo na lang pala ako ligawan." pagbabawi ko sa aking sinabi.
"Kasi naalala kong hindi pala ako si Sarah." muli kong bigkas and after kong sabihin yon ay walang gana akong tumayo at umalis sa hapag-kainan.
Narinig ko pa na tinawag nya pa ang aking pangalan pero hindi ko sya nilingon.
Nakakaselos lang kasi,
Mahal nya ako pero bat parang ang hirap sa kanya na ligawan ako?Samantalang si Sarah, harap-harapan nya kung ligawan.
Potah!
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...