Chapter 64

7.5K 161 9
                                    

Chapter 64

Airah POV:

Nang makarating ako sa banyo ay mabilis akong naligo at hindi na nag-aksaya pa ng oras.
Ayoko na kasing magtagal pa dahil sa totoo lang ay excited na rin akong pumunta ng Bicol.

Matapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng pantalon at t-shirt.
Simple lang ang porma ko ngayon kaya kung ikukumpara ako kay Sarah ay ang layo naming dalawa.
Pano ba naman kasi, ang suot ni Sarah ngayon ay yung kita ang dibdib at maiksing short.

Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.
Si Gino na yung naglock ng pinto at kaming dalawa ni Sarah ay tumungo na ng kotse.

"Oops, hindi ka dyan Sarah. Don ka sa likod." wika ko sa kanya nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan.
Akma kasi syang papasok sa katabing seat ng uupuan ni Gino.

"Tsk." inis na sambit na lamang nito at pumasok na sya sa loob ng kotse kung saan don sya sa likod uupo.

Pumasok na rin ako at nang makaupo ako ay lumingon ako rito at insulto ko syang nginitian.
Tanging pagtaray ang kanyang naitugon sa akin.

Maya-maya pa ay sumakay na rin si Gino.
Bago pa man nya pinaadar ang kotse ay mabilis ako nitong hinalikan sa pisngi.

"Pampagana lang." ngiting sambit nya.

Alam ko na sa puntong ito ay nakatingin sa amin si Sarah kaya agad kong kinabig ang mukha ni Gino at hinagkan ko ang kanyang labi.

"Ayan, para mas lalo kang ganahan at hindi ka mapagod magmaneho." saad ko sa kanya.

"Nakakairita." rinig kong sambit ni Sarah sa aming likuran dahilan para mapangiti ang aking labi.

Nag-umpisa na ngang magdrive si Gino at habang nagmamaneho sya ay nag-uusap pa rin kaming dalawa.

Pakiramdam ko nga ay parang wala si Sarah dahil hindi sya nasasabay sa usapan namin.
Nang lingunin ko sya sa likod ay busy lang ito sa kanyang cellphone na tila ba may kachat sya.

"Napaka-importante yata ng taong kachat mo ngayon." wika ko sa kanya.
Napahinto naman sya sa kanyang ginagawa at napatingin na rin sa akin.

"Ngayon ko lang alam na chismosa ka rin pala Airah." taas-kilay na sambit nya.

"Well, Oo--- chismosa nga ako Sarah. So maaari ko bang tanungin kung sino ang pinagkakabusyhan mo?" mapanghamon na tanong ko rito.

I know naman kasi kung sino ang taong kachat nya, at hindi ako magkakamali na yung boyfriend nya yon.

Inayos nya naman ang kayang pagkakaupo at inilagay nya ng kanyang phone sa maliit na shoulder bag na dala nya.

"Kachat ko si--Jake, ang pinsan ko. Bakit ba?" inis na sagot nya na alam kong nagsisinungaling sya.

"Talaga bang si Jake ang kachat mo Sarah? O baka naman--"

"Bakit ba pinapakialaman mo ang buhay ko Airah. Bakit di mo na lang atupagin yang sarili mo." wika nito na animo'y nagtitimpi na sya sa kanyang galit.

"Airah, Sarah, tumigil na kayong dalawa." saway na singit naman ni Gino sa amin.

Kaya sinunod ko naman sya at ako na itong nag-adjust.
Hindi ko na kasi nagawang pagsabihan pa ng kung ano-ano si Sarah.

Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas habang tinitingnan ang aming nadadaanan.

Sarah POV:

Nakakabwisit si Airah!
Naghahanap lang sya ng dahilan at ebidensya para lumabas ang totoo at malaman ito ni Gino.

Well, kachat ko naman talaga si Ralph ang boyfriend ko sa ibang bansa.

And guess what?
Ilang araw na lang kasi at uuwi na sya ng Pilipinas para magsama na kaming dalawa at matulungan nya ako-- para mapadali ang plano namin.

Nasabi ko na rin kasi kay Ralph na hindi naging successful yung binabalak namin pareho dahil nga biglang sumingit itong si Airah.

Hindi ko rin naman kayang maglihim ng matagal sa boyfriend ko.

Ilang oras ring nakatutok si Gino sa pagdadrive at saktong alas-onse ng umaga ay hininto nya ang kanyang kotse sa isang maliit na karenderya na puno ng tao.

"Kakain na muna tayong tatlo." saad ni Gino at sya na ang unang taong lumabas ng kotse.

"Eww." mahinang bigkas ko nang malanghap ko ang kakaibang amoy na nagmula sa lugar na to.

"Gino, seryoso ka bang dito tayo kakain? Kasi hindi ako sanay sa ganitong lugar. Nasusuka ako ." pag-sasabi ko ng totoo habang tinatakpan ko na sa oras na ito ang aking ilong.

"Ang arte naman yata ng sikmura mo kung ganon ." saad naman ni Airah bilang singit sa pag-uusap naming dalawa ni Gino.

Mukhang pabida yata ang dalagang to sa harap ng binata dahil sya pa itong lumapit sa ale na nagbabantay sa karenderya.

"Gino, hindi ko na talaga kaya to. Sa kotse mo na lang ako kakain kung ganito ang amoy sa labas. Nakakadiri."

I can't control myself right now dahil hindi ko na talaga makayanan pa ang amoy.

Hindi naman sa pagiging maarte pero talagang hindi sanay ang sikmura at ilong ko sa mababahong lugar.

So in the end, konti lang ang kinain ko.
Bahala na, I don't care anymore sa mga pagkain sa karenderya kahit masasarap itong tingnan, ayoko naman kasing sumakit ang tyan ko.

Airah POV:

"Kahit kailan talaga, ang arte ng Sarah na yan." sabi ko naman habang tinutusok ko ng tinidor ang fried chicken na ulam ko ngayon.

Menudo, kaldereta at chicken ang syang inorder at binili ko bilang ulam namin.

"Ganon talaga si Sarah, Airah. Hindi talaga sya sanay sa mga ganitong kainan." wika ni Gino sa aking tabi.

"Ang sabihin mo, maarte talaga ang babaeng yon. Wala pang modo at ugali. Hindi nya man lang sinasalugar ang lumalabas sa bibig nya. Tsk." muli kong sambit na hindi pa rin maalis ang aking pagkainis.

"Hayaan na lang natin sya Sarah. Isang araw lang natin sya makakasama kaya konting tiis na lang muna." kalmang saad nito sa akin.

Napabuntong-hininga naman ako at tiningnan sya .

"F-fine. Para sayo Gino, titiisin ko ang ugali ngayon ni Sarah. But i can't promise na hindi sya patulan kapag sumobra syang magsalita." wika ko sa kanya.

Bahagya itong ngumiti at hinawakan ang aking kaliwang kamay.

"Thank you Airah, and Im sorry again kung dahil sa kanya ay nasisira ang araw mo at araw nating dalawa."
"--Hayaan mo, tayo na lang ang magkasama ay babawi ako sayo . I love you." sweet na sambit nito habang diretsang nakatingin sa aking mata.

Kahit papano ay nawala ng konti ang inis sa sarili ko.

Nga pala, apat na oras na lang ang byahe namin at makakarating na kami ng tuluyan sa Bicol.

Excited na ako sa mga susunod na mangyayari sa pag-stay namin don ni Gino.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon