Chapter 42
Airah POV:
Masyadong mabilis ang pangyayari ngayon.
Di ko namalayan ay nandito na ako sa loob ng kotse ni Jutay.
Hindi ko lubos-maisip kung bakit ganito sya kung maka-akto sa akin.Kanina lang ay marahas nyang inagaw ang aking kamay nang hawakan ito ni Jake.
Inakbayan nya rin ako ng mahigpit kasabay ng pag-alis namin sa harapan ng lima kong kasama sa canteen.Ewan ko ba, pero sa araw na to masyado ng magulo sa akin ang lahat.
Katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng kotse ni Jutay.
Gustuhin ko mang magtanong sa kanya pero tila ba napaurong ang aking dila nang mahigpit nyang hinawakan ang manibela.Ibang-iba na Jutay ngayon ang aking nakikita sa kanya.
Alam kong parte na sa kanyang sarili ang pagiging strikto at bossy sa akin pero ngayon hindi ko maipaliwanag kung ano bang emosyon ang pinapakita nya.Halos maiwan ang aking kaluluwa nang paandarin nya ang kotse.
Sobrang bilis kasi ng pagkaka-drive nya na tila ba may linalabanan syang karera.Mabuti na nga lang at nakarating na agad kami sa bahay na tinutuluyan naming dalawa at least kahit papano ay ramdam ko na safe na ako.
Lumabas sya ng kotse at ganon rin ako.
Nang makapasok kami ng bahay ay inipon ko ang aking lakas na loob para tanungin sya."Boss, ano bang nangyayari sayo?" Kahit kinakabahan ako ay linakasan ko ang aking loob para lang malaman kung bakit sya nagkakaganyan.
Humarap ito sa akin na nagsasalubong ang kanyang makakapal ng kilay.
"Ah-- hindi tama yon ginawa mo ha! Kanina kinalampag mo yung mesa habang nagtuturo ang guro sa unahan! Pangalawa, bigla mo na lang akong hinatak palayo kay Jake! Kaya ano bang pumasok sa kokote mo, kung bakit mo ginawa yon?!" tanong ko muli sa kanya.
This time, mas lalong kumabog sa takot at kaba ang puso ko nang hawakan nya ako sa magkabilang-balikat ko.
"Bakit Airah? Hindi pa ba halata sa mga kinikilos ko?" Tugon na patanong nito sa akin.
Medyo napakunot-noo naman ako dahil mas lalo tuloy akong naguluhan.
Pero di ko inaasahan ang kasunod nyang sinabi dahilan para tumibok ng malakas ang puso ko.
"I love you Airah. Mahal na kita." seryosong sambit nya habang diresta syang nakatingin sa aking mata.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi nya o maiinis.
Dahil nga ang alam ko, si Sarah ang babaeng girlfriend nya na sobrang mahal nya.
"Nagseselos ako Airah! Nagseselos ako sa tuwing magkasama kayo ni Jake!Nagseselos ako sa tuwing nakikita kong masaya ka sa kanya! Tangina! Selos na selos ako Airah! At yon ang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo ko sa lalaking yon!" muling bigkas nya kasabay non ay marahan nyang hinaplos ang aking mukha at di ko namalayan ay napasanday na pala ako sa pader.
Ramdam ko ang lamig ng pader na dumadaloy sa aking likuran pero nawala yon bigla ng maramdaman ko ang init ng kamay ni Jutay na patuloy na humahaplos sa aking pisngi.Nanatili pa rin akong tahimik dahil sa wala akong masabi.
"Airah, seryoso ako sa mga sinasabi ko. Mahal na kita at ngayon ko lang to nalaman." habang sinasabi nya yon ang kanyang ilong ay nakadikit sa aking ilong.
Kaya kung titingnan konti na lang ang pagitan nang labi naming dalawa.I admit na medyo nadadala na ako sa mga sinasabi nya ngayon pero paano si Sarah?
Diba may girlfriend na sya?"I know , iniisip mo si Sarah. But please Airah, bigyan mo ako ng ilang araw at sasabihin ko sa kanya ang totoo."
"--Airah, buo na ang desisyon ko. Makikipaghiwalay ako kay Sarah pero hindi muna ngayon, dahil ayokong mabigla sya." Wika nito sa akin na tila ba sinagot nya yung tanong sa aking isipan.Kahit papano ay nakaramdam na ako ng kilig at tuwa sa aking puso.
Dahil pakiramdam ko ay nagising na si Jutay sa katotohanan."I love you Airah." Malambing na sambit muli nito sa akin.
Hindi pa man ako nakakasalita ay mabilis nyang hinagkan ang aking labi.
Banayad nya akong hinalikan at alam kong ang halik na ito ay totoo ng pagmamahal.Dahil nga sa marupok rin ako ay nadala na ako sa kanyang halik at tumugon na rin ako rito.
Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka na ng taong mahal mo.
Pinilit ko namang magmove-on at kalimutan na minahal ko sya pero dahil sa ginawa nyang pag-amin ngayon parang bumalik ulit yung pagmamahal ko sa kanya.
Ilang segundong nagtagal ang aming paghahalikan ni Jutay bago sya bumitaw.
Umukit sa kanya ang malawak na ngiti kasabay ng paghalik nito sa aking noo."Thank you Airah. Thank you for loving me." saad nito na hindi pa rin lumalayo ang kanyang mukha sa akin.
Bahagya ko naman syang tinulak dahil feeling ko natutunaw ako sa mga titig nya.
"Luhh, sino bang may sabing mahal pa kita?" pakunwareng mataray na bigkas ko naman.
Medyo nawala yung ngiti nya at napalitan ito ng simangot.
"Tumugon ka sa halik ko Airah, so it means mahal mo pa rin ako."
"Paano ka naman nakakasiguro aber?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Airah--"
"Jutay, may Jake na ako." pagsasabi ko rito para sana paselosin sya.
Pero nanatiling kalma ang mukha nito na wala man lang na reaksyon.
"I don't care kung may Jake ka na Airah, tangina aagawin kita sa kanya. Ganon lang yon kadali."
"Kadali? So sa tingin mo maaagaw mo ako sa kanya kadali? Hello? Paano mo naman magagawa yon?" panghahamon kong wika sa kanya.
Ngumisi lang ito sa akin at muli nya akong kinulong gamit ang kanyang braso.
"Gusto mo talagang malaman Airah?" balik na hamon nito.
"Oo, gusto kong malaman." lakas-loob ko namang sambit rito.
Inayos nya ang kanyang sarili kaya buong akala ko ay wala itong gagawin sa akin.
Pero napatili akong bigla nang buhatin nya akong pangkasal."Jutay! Ano bang ginagawa mo! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko habang tinatapik-tapik ko ang kanyang braso.
Pero tila ba hindi nya ito narinig sa halip ay mabilis nya akong pinasok sa kwarto.
"Jutay, ano bang binabalak mo ha?!" muli kong sigaw.
Dahan-dahan nya akong ibinaba pahiga sa kama at kasabay non bigla syang nagsalita,
"Bubuntisin na kita Airah, para sa ganon maagaw kita kay Jake."
"--At maging AKIN KA NA ng tuluyan." kindat wika nya at sa muling pagkakataon ay hinalikan nya ulit ako sa labi.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
Narrativa generaleNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...