Chapter 16»»

10.7K 306 3
                                    

Chapter 16

Airah POV:

Nang dumating na ang order nila Jutay at Sarah, kumain na silang dalawa.
Kami ni Jake, ice cream na ang kinakain dahil kanina pa kami tapos.
Tinapunan ko ng tingin si Jutay na ngayon ay seryoso sa kanyang kinakain.
Agad kong iniwas ang aking mata nang lumingon siya.

"Tsk.", rinig kong sambit nito.

Natapos ang kainan na sobrang tahimik naming apat.

"Oh pano, una na kami.", paalam ni Jake sa dalawa at tumayo na ito sa pagkakaupo. Sumunod na rin akong tumayo dahil ayoko ng makasama pa itong si Jutay.
I don't why, pero galit ako sa kanya.

Pero ilang saglit pa, biglang tumayo si Jutay at pinunasan ang kanyang labi.

"Sabay-sabay na lang tayong umuwi.", bigkas nito dahilan para mapatingin muli ako sa mata niya.

Seriously, ngayon lang siya nagsalita.
Ano bang trip niya?

"Bhoo naman, akala ko ba magdedate tayo? Tapos gusto mo na agad umuwi?", tanong ni Sarah rito.

"Nawalan na ako ng gana Sarah. Next time na lang siguro tayo magdate.", tugon niya sa babae.

"Nakakabwisit naman.",mahinang sambit nito na akin namang narinig.

"Okay. Kung 'yan ang gusto niyo, tara na.", singit na sabi ni Jake.

Sabay na nga kaming apat na lumabas ng restaurant.

"Bhoo, sakay na tayo ng taxi. Masyadong mainit oh? Baka maapektuhan ang skin ko.", bigkas ni Sarah habang kapit na kapit sa braso ni Jutay.

Kung hindi ko lang kilala si Jutay, mapagkakamalan kong magjowa ang dalawa.

"Hindi tayo sasakay. Lalakad tayo.",

"What?! Bhoo, baka umitim ako. Sayang ng glutathione na ginagamit ko noh.", maarteng saad nito dahilan para matawa ako.

"Oh, ba't ka natatawa Airah?", baling niya sa akin habang nakataas-kilay.

"Bakit? Bawal ba akong tumawa?", balik na tanong ko  sa kanya at nagtaas-kilay din.

Anong akala niya? S'ya lang ang marunong no'n?
Excuse me, mas expert ako pagdating d'yan.

"Tsk. Nevermind.", tanging sambit ni Sarah.

"Kung sasakay kayo, sumakay na kayo. Masyado kayong nakakaistorbong dalawa.",inis na ring sabi ni Jake habang kinakamot ang kaliwang tenga.

Hinawakan ko ang braso nito at ako na mismo ang umaya sa kanya para magpatuloy kami sa paglalakad.

"Sandali nga.", pigil ni Jutay sa amin.

"Ano bang meron kayo?", seryosong tanong niya habang nagkakasalubong ang kilay.

"Bakit bro? Ano bang iniisip mo?", ngiting tanong ni Jake.

"Just answer my question.", madiin na saad ni Jutay.
Sa puntong ito,nakipagsukatan na siya ng tingin kay Jake.

So weird ha? Masyado na akong naguguluhan sa nakikita ko ngayon.

"Walang kami ni Airah, bro.", kalmang sagot nito.
"--Pero umamin na ako sa kanya, diba Airah?", patuloy niya kasabay ng pag-akbay sa akin.

Napadako sa akin ang tingin ni Jutay na tila ba hinihintay ang sagot ko.

"Yah. Umamin na siya.",diretsang sambit ko.

"Kaya pala ayaw magpa-istorbo ni pinsan.", singit na bigkas ni Sarah.

Kung may best in singit lang dito, panigurado napunta na ang award na 'yon kay Sarah.

"So nililigawan mo na s'ya?", usisang tanong muli ni Jutay.

Teka, ba't parang ang daming tanong ng lalaking 'to?

"Hindi pa. Pero darating rin ang araw na liligawan ko siya.", walang alinlangan na sagot ni Jake rito.

"So pa'no bro? Baka naman, pwede na kaming mauna?", pagpapaalam nito. Wala kaming narinig na sagot ni Jutay sa halip, nauna itong maglakad.

"Bhoo! Wait!", rinig kong pahabol na sigaw ni Sarah.

Kunot-noo akong napa-isip kung ano bang nangyayari kay Jutay?
May epekto siguro ang kinain n'ya kanina.

Kahit marami akong katanungan sa isip, isinantabi ko na lamang ito.

Nagpatuloy na nga kami ni Jake sa paglalakad. Inalis ko na rin ang pagkaka-akbay niya sa akin dahil medyo naiilang na ako.

Jutay POV:

"Sa'n ka ba galing son ha?! Marami na ngang guard ang nakapalibot sa mansion natin, nagawa mo pang makatakas?!", bulyaw agad sa akin ng dakilang ina ko.

Narito na ako ngayon sa mansion namin kaya hindi na ako magtataka sa sigaw nito. Halos nasanay na ako sa ugali niya.

Nga pala, panibagong araw na. Matapos kong iwanan sila Airah at Jake, sumunod na sa akin si Sarah.
Hindi na ako nagtagal pa at umuwi na ako sa amin. Medyo nanibago nga si Sarah dahil sa inakto ko kahapon.
Maging ako rin ay nanibago sa sarili ko.
Basta ang alam ko, medyo nag-init ang ulo ko sa pag-amin ng binata kay Airah. Fuck! Bumalik tuloy sa ala-ala ko ang pag-akbay nito sa dalaga.

"Wala ka bang sasabihin son?! Kanina pa ako rito sigaw ng sigaw sa'yo, pero wala ka man lang na reaksyon!",

Nabalik naman ako sa aking sarili nang malakas akong sampalin ni mom.

"Shit. Ba't mo ako sinampal?!", galit na bigkas ko.

"See? Ang layo kasi ng iniisip mo kaya sinampal kita!",

"Tsk. I'm not in the mood mom, so pwede ba 'wag mo akong kausapin.", saad ko na lamang at umupo.
Kumuha ako ang tinapay at kinain ito.

"Mag-uusap tayo dahil marami ka ng atraso sa akin! Akala mo ba, nakalimutan ko na ang ginawa mong pagtakas kay Airah?",

"Fuck! Stop mentioning her name again, may Jake na 'yon!",

Napatigil naman ako dahil sa huling litanya na lumabas sa bibig ko.

"And whose the hell is Jake?!", tanong nito sa akin.

"Wala. Just forget it.", tipid na sagot ko na lamang.

"Gino, sagutin mo ang tanong ko. Sino si Jake sa buhay ni Airah? At sino bang Jake ang tinutukoy mo?!", sunod-sunod na tanong ni Mom.

Inis akong napatayo at hinarap ang aking ina.

"Marami kang tauhan mom, kaya ikaw na lang ang sumagot sa mga tanong mo.", saad ko rito.

"Kay aga-aga at nagsasagutan na naman kayong dalawa.",

Napalingon naman ako sa likuran ko, kung saan galing ang boses na 'yon.

"D-dad?", halos hindi makapaniwalang bigkas ko.

"Nagulat ba kita Gino?", ngiting saad niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil nakafocus ang atensyon ko sa lalaking nakatayo mula sa pinto.
Halos isang taon na rin kasi s'yang nanatili sa ibang bansa. At sa tingin ko, mas lalong sasakit ang ulo ko sa pagbalik niya.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon