Gino/Jutay Pov:
Natapos ang araw at dito na nagpalipas ng gabi si Sarah.
At ngayon, panibagong araw na naman ang sumapit.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagluto na ako ng almusal.
Kailangan kong makabawi man lang sa babaeng kasama ko ngayon.
Marami na akong naging kasalanan sa kanya kaya gusto kong maibsan kahit papano ang sakit na pinaranas ko sa kanya noon.
"Gino, hmm what are you doing?" Medyo antok pang tanong ng dalagang nasa likuran ko.
Pangiti naman akong lumingon sa kanya.
"Gising ka na pala Sarah, sorry hindi pa ako tapos magluto ng almusal." sambit ko rito.
"Y-you mean, para sa akin yang niluluto mo?" pagtatanong nya muli sa akin.
"Yes para sayo nga." patangong sagot ko .
Bahagya naman syang napangiti at lumapit sa akin.
"Bakit mo naman ginagawa yan Gino? Hindi mo naman kailangan na paglutuan ako dahil hindi na ako yung prinsesa mo." wika nya naman.
"Sino bang may sabi na hindi na?"
Dahil sa sinambit kong ito ay natigilan sya at napatingin ng diretsa sa aking mata.
I don't why, pero may kung anong spark ang naramdaman ko na magtama ang mata naming dalawa.
Tila ba bumilis ulit ang tibok ng puso ko na parang bumalik ng konti ang pagmamahal ko sa kanya."A-ano bang ibig mong sabihin Gino?" nauutal-utal nyang bigkas sa akin.
Marahan ko naman ginulo ang kanyang buhok.
"Later Sarah, malalaman mo."
"--Pero sa ngayon, maupo ka na dyan dahil ilang minuto na lang at matatapos na rin ang pagluluto ko." tanging sambit ko sa kanya."O-okay." tipid na sagot nito.
Tumungo na nga sya sa upuan at umupo.
Samantalang ako ay muli kong tinuon ang aking sarili sa pagluluto.Hindi nga nagtagal ay natapos na nga ako sa aking ginagawa.
Ako na rin itong nag-asikaso sa kakainin ni Sarah.Nang maserve ko na ang lahat ay nagsimula na nga kaming kumain.
"Gino, yung kanina palang sabi mo. --G-gusto kong malaman kung ano bang ibig mong sabihin don."
Paninimulang tanong nito sa kalagitnaan ng pag-aalmusal namin.
"Yon ba? Actually, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat Sarah."
"--I know na sobra kitang nasaktan noon nung piliin ko si Airah kesa sayo."
"--But now, gusto kong bumawi sayo." diretsang wika ko sa kanya.Kunot-noo naman syang napatingin sa akin at muling nagtanong.
"Bumawi saan?"
"Bumawi sa pagkukulang ko sayo Sarah."
"--Gusto kong bigyan mo ako ng pagkakataong maging tayo ulit."
"--Alam kong mabilis para sayo ang lahat, pero gusto kong ibalik yung pagmamahalan nating dalawa." paliwanag ko rito.Halos maluha-luha naman sya dahil sa sinabi ko.
"G-gino naman eh."
"--Bakit ka ganyan?! Alam mo namang mahal kita, pero paano si Airah?" sambit nya.Sumagi tuloy sa isip ko na gusto kong kalimutan si Airah kaya nga ginawa ko to.
"Just dont mind her."
"--Matapos magviral ang kahayupan nya, tinakwil ko na sya sa buhay ko."
"--And after all, i-ikaw pa rin ang mahal ko Sarah."Hindi ko alam, pero bigla akong nautal sa huling katagang binitiwan ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
Yes, parang panakip-butas ang ginagawa ko kay Sarah right now, pero wala eh.
Ito lang kasi ang paraan para makalimutan ko ng tuluyan si Airah.
And beside, matututunan ko ring mahalin ulit si Sarah gaya ng pagmamahal ko sa kanya noon.-
Bigla namang napatayo si Sarah sa kanyang inuupuan at mabilis nya akong niyakap."Kung ganon Gino, pumapayag na akong maging tayo ulit."
"--Pangako, hindi kita sasaktan tulad ng pananakit na ginawa sayo ni Airah."
"--I love you so much Gino."After she said those words ay kumalas sya sa aking yakap at sya na itong kusang humalik sa labi ko.
Sa una ay hindi ako tumugon sa halik nya dahil nga hindi sya yung babaeng gusto kong halikan.
Pero nang tumagal ay humalik na rin ako sa kanya.💞💞💞
Jake Pov:
Nagising na lamang ako nang maamoy ko ang perfume ni Airah.
Nakita ko ang dalaga na nasa harap ng maliit na salamin na nakadikit sa dingding ng kwarto nya.
Nakaligo na rin ito at nakabihis ng bago na tila ba may pupuntahan.
Awtomatikong napa-upo ako at pinagmasdan ang ginagawa nya.
"May pupuntahan ka ba Airah?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatanong na ako sa kanya.
"Goodmorning Jake. Yung itlog at kanin nasa mesa. Kung nagugutom ka na, kumain ka na lang ha?"
Malayong sagot nito sa tanong ko.
This time ay sinuot nya na ang isang flat sandal nya.
"Hindi pa ako gutom Airah."
"--Now answer my question Airah, may pupuntahan ka ba?" pag-uulit ko sa tinanong ko kanina.Mabilis nya lang akong sinulyapan pero bumalik ulit ang atensyon nya sa pag-aayos ng kanyang sarili.
"P-pupunta ako sa bahay ni Gino."
sagot nito sa akin.Bigla namang kumirot ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ng pupuntahan nya.
"Pupunta ka sa bahay nya? Akala ko ba--"
Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ko dahil sa pagsingit nyang sabi.
"Jake, katulong ako ni Gino."
"--Kaya kailangan ko pa ring pumunta don para pagsilbihan sya." Wika nito sa akin.Hindi ako nakapagsalita dahil naalala kong nagtatrabaho pala sya sa lalaking yon.
"Sasamahan kita."
Wala sa oras ay ito ang lumabas sa bibig ko.
"Jake, wag na. Hindi ka pa nga nag-aalmusal eh."
"Wala akong pake Airah. Ang gusto ko lang ay samahan ka."
"--Incase na saktan ka nya, at least kasama mo ako para maipagtanggol kita sa kanya." pahayag ko naman sa kanya.Mabuti na lang at hindi na sya nagmatigas pa.
Kilala ko si Gino, iba rin yon kung magalit.
Kaya gusto kong makasiguro na hindi nya magawang saktan ang babaeng mahal ko.
Tangina kasi!
Naiinggit ako sa lalaking yon, dahil yung babaeng mahal ko ay mahal sya.©TimojiWP
Author's Note:
Bukas naman ang Continuation ng Chapter na to!
Pabitin muna ganon, hahahaha.Unexpected yung kasunod, promise!❤
Don't forget to vote and comments.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...