Chapter 99

6.9K 138 1
                                    

Chapter 99

Sarah POV:

"Oh ayan! Luminis ka ng kubeta! Para may silbi ka dito! Sa kulungan na to, bawal ang prinsesa! Naiintindihan mo?!"

sigaw na bigkas ng sigang babae sa akin kasabay ng pagbato nya sa mukha ko ng panglinis sa kubeta.

Fuck!
Kanina pa sila ha?!
Namumuro na talaga ang mga ito sa akin.

Dahil sa ayokong magmukhang mahina ay tinapon ko ang gamit na panlinis sa sahig.

Tangina, wala na akong pakialam kung magalit lalo ang mga ito.

Hindi na nga ako nagtaka nung pwersahin nito ang aking mukha gamit ang kanyang malaking kamay.

"Hindi pa yata sayo sapat yung leksyon na pinaranas namin sayo kanina!"
gigil na sabi nya.

Ngumisi lang ako rito at malakas kong inalis ang kamay nito sa aking pisngi.

"Kung inaakala nyong natatakot ako sainyo, dream on!"
matigas na sambit ko.

Dahil sa sinabi kong yon ay mabilis na lumapit ang mga siga kanina at mabilis rin nila akong sinikmuraan.

"Yan lang ba ang kaya nyo ha?! Eto ang tandaan nyo, pag ako nakalabas dito sa kulungan, pahihirapan ko rin kayo!"
pagbabanta ko sa kanila.

Pero nagsitawanan lang mga ito at patuloy pa rin sila sa pag-gugulpi sa akin.

Hanggang sa bigla akong kinwelyuhan ng pinakamatabang babae.

Akma ulit sanang lulusob ang apat para sana suntukin ako,
pero hindi yon natuloy dahil biglang nagsidatingan ang mga pulis.

Sila ang umawat sa amin kaya naalis agad ng babae ang pagkakahawak nya sa akin.

Galit kong tiningnan ang lima at halos isumpa ko na ang mga ito.

Mga Putangina sila!

Isasama ko rin sila sa listahan ng mga paghihigantihan ko.

"Babe, makisama ka na lang sa kanila para hindi ka na masaktan."

Rinig kong saad ni Ralph na nasa kabilang kulungan ng mga lalaki.

Ang tingin nito sa akin ay may halong awa.

Kaya kahit labag sa aking kalooban na pakisamahan ang mga ito, ay titiisin ko na lang.

Gagawin ko yon para kay Ralph.
Susundin ko ang gusto ng boyfriend ko.

Pero sa oras na makalaya ako, babalikan ko ang mga demonyong to!

Jake POV:

Matapos ang harutan namin ni Airah ay nagpaalam ito sa akin na maliligo daw sya.

Kaya naman sa mga oras na to, ay hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon.

Bigla kong dinukot ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ko ang kaibigan nitong si Annie.

Isa sa mga laman ng isip ko kanina, ay yung surprise na gagawin ko para kay Airah bukas ng gabi.

Gusto ko kasing lumuhod sa harapan nito para hingin ang kamay at tanungin kung pwede ko na ba sya maging girlfriend.

I know na masyadong mabilis, pero ganon talaga.

Mahirap na baka maagaw muli sya ni Gino sa akin.

Ramdam ko kasi na may pinaplano rin ito.

So kailangan ko ring bilisan ang kilos ko.

At sa pag-gawa ko ng surprise, kailangan ko ang tulong ng mga kaibigan nya mismo.

"Wazzzzapp Jake? Napatawag ka yata? May problema ba?"
Yan agad ang tanong ni Annie nang sagutin nya ang tawag ko.

Humakbang naman ako palayo sa bahay, para masigurong hindi marinig ni Airah ang usapan namin ng kaibigan nya.

"Wala namang problema Annie. I just need your help, I mean--- kailangan ko ng tulong nyong tatlo."
Walang paligoy-ligoy na bigkas ko.

"Para saan ba Jake?"
muling tanong nito.

"Mamaya malalaman mo. Pero sa ngayon, kailangan mo munang sabihan sila Tine, okay?"
"--Magkita-kita na lang tayo sa Mall."
Tanging wika ko rito.

After I said those words ay mabilis kong inend ang tawag at tinago ko muli ito sa bulsa.

20 minutes mahigit at natapos na si Airah na maligo.

Kahit simple lang ang suot nitong damit ay sobrang ganda nya pa rin sa paningin ko.

"Jake, ang laway mo. Tumutulo na hahaha."
Natatawang sabi nya sa akin.

Doon ko lang narealize na nakanganga na pala ang bibig ko.

"Im sorry, ang ganda mo kasi masyado Airah. Hindi ko tuloy mapigilan ang puso ko na lalo kang mahalin."
sweet na sambit ko rito.

Sa tingin ko ay kinilig ang dalagang kaharap ko dahil nakita ko ang medyo pag-blush sa kanyang pisngi.

"Ewan ko sayo Jake. Dami mo ring alam sa buhay eh."
ngiting wika nito.

Humakbang naman ito papunta sa may drawer para kunin ang kanyang suklay.

Kaya pumasok na rin ako sa loob para sundan sya.

"Nga pala Airah, baka hindi kita masamahan ngayong gabi dito sa bahay mo."
saad ko sa babae habang sinusuklay nito ang buhok.

"Ganon ba? Sayang naman, balak ko sanang mamalengke ngayon para sana paglutuan ka mamayang gabi. Pero di bale, papuntahin ko na lang dito sila Annie--."

"NOOOO! Ahm ang ibig kong sabihin, tinawagan ko kasi kanina sila Annie dahil nga't papasamahan sana kita sa kanila, ang kaso masyado raw silang busy."
pagpapalusot ko na lamang.

Mabuti na lang at medyo naniwala ito sa akin.
Tumango-tango kasi ang dalaga.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya para hindi nito mabasa ang sinasabi ng aking mata.

"Hayyss. Edi ako lang pala mag-isa dito." malungkot na bigkas nya.

Gusto kong maawa at samahan ang babaeng mahal ko mamaya, pero mas inisip ko pa rin yung surpresa na gagawin ko sa kanya bukas.

Kailangan ko munang tiisin na wag makasama si Airah ng mahabang oras.

"So pano Airah, aalis na ako. Kailangan ko na ring tingnan ang bahay ko. Baka biglang umalis yon haha."
Pagbibiro kong saad kasabay ng pagbeso ko sa kanya.

"Hahaha Loko-loko ka rin eh. Pero sige ingat Jake."
Natatawang tugon nito sa akin.

Bago ako umalis sa harapan nya ay kinindatan ko pa ito at nagflying-kiss.

At ngayon, papunta na ako sa lugar kung saan ang usapan namin ni Annie.
Tinext ko na rin ito na 'on the way na ako don'.

Medyo ilang minuto rin nagtagal bago ko natunton ang Mall.

Naroon na nga ang tatlo habang naghihintay ito sa aking pagdating.

"Oh Ayan na pala si Jake eh."
rinig kong sambit ni Tine.

Lumapit na ako ng tuluyan sa kanila para sabihin agad ang gusto kong mangyari.

"Pasensya na kung naistorbo ko kayo, pero gusto ko lang talaga hingin ang tulong nyong tatlo."
mahinahong wika ko sa kanila.

"Eh ano ba kasi yon Jake? Anong tulong mo ba ang gusto mo?"
Tila atat na tanong ni Annie.

"Actually, balak kong hingin ang kamay ni Airah to be my girlfriend." mabilis na sagot ko.

Sabay-sabay namang nagsitilian ang tatlong kaibigan ni Airah na animo'y kinikilig ang mga ito.

"Oh My Ghad. Gusto ko yan Jake."
"Hindi na ako makapaghintay na maging kayo."
ngiting sabi ng isa.

Makikita mo sa mga reaksyon nito ang pagkatuwa.

Kaya naman inumpisahan na naming pag-usapan, ang gagawin naming surprise para kay Airah bukas ng gabi.

Sana magustuhan ng babaeng mahal ko yon.
At umaasa ako na sana pumayag na syang maging Girlfriend ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon