Chapter 18
Airah POV:
Tila nanghina ang tuhod ko dahil bigla akong napa-upo ng wala sa oras.
Tangina! Gusto kong makaalis sa mansion na 'to pero wala akong magawa dahil naka-lock ang pinto.
Panigurado ako na ang mom ni Jutay ang may kagagawan nito."Bwisit!! Grrr!", galit na sambit ko habang sinusuntok ko ang malambot na kama.
Buong akala ko, malaya na ako dahil pinatakas ako ni Jutay, hindi pa pala.
So ibig sabihin, pinaimbestigahan ng Ginang kung sa'n ako nakatira? Tsk.Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Laking gulat ko naman nang makita kong hindi ang ina ni Jutay ang nakatayo.
Kinabahan tuloy ako dahil isang lalaki ang nakatingin sa akin. Medyo mestiso ito at hindi mo mahahalata ang edad dahil sa kagwapuhang taglay niya.Pumasok na siya ng tuluyan at muling sinarhan ang pinto.
"Ikaw ba si Airah Magalang?",kalmang tanong nito na tila ba sinusuri ang aking mukha.
"S-sino ka?",
Sa halip na sagutin ko siya,binalikan ko ito ng tanong.Lumapit ang lalaki sa gawi ko at lumuhod para maging kapantay niya ako.
"Ako ang dad ni Gino. At sa tingin ko, kilala mo siya, tama ba?", pakilala nito sa akin.
Kunot-noo ko itong tinapunan ng tingin.
"Wala akong kilalang Gino.", matigas na saad ko rito.
Totoo naman eh. Wala akong naalalang Gino na kakilala ko.
Unless kung ang totoong pangalan ni Jutay ay Gino?Teka, baka Gino nga ang name ni Jutay.
Hindi naman siguro diba?"Hindi mo kilala ang anak ko?", hindi makapaniwalang bigkas nito at nanatiling kalmado ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ko siya sa mata.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Dahil wala talaga akong kilalang Gino. Jutay, oo.",
"What?", tugon nito sa akin.
Handa na sana akong sumagot nang bumukas muli ang pinto. Sa puntong ito, ang mom na nga ni Jutay ang nakita ko.
"Airah, it nice to see you again. I'm glad that you meet now my husband.", ngiting wika niya kasabay ng paglapit sa pwesto ko.
Ewan ko ba, pero biglang uminit ang ulo ko.
Tama nga ang hinala ko, pakana ito ng mom ni Jutay.Tsk."Bakit mo ako pinakidnap?!", malakas na loob na tanong ko rito. Medyo kataasan na rin ang aking boses.
"Masyado ka namang straight to the point Airah, that's why I like you for my son.",
"--But anyways, mali ang tanong mo at mali ang iniisip mo. Hindi ako ang nagpakidnap sayo, it is my husband idea. Gusto niya kasing makilala ka ng harapan.", patuloy nito dahilan para medyo kumalma ako ng konti."Ano ba talaga ang pangalan ng anak mo? Dahil nalilito na ako.", tanong ko sa kanya.
"You don't know my son name? Halos one week kayong nagsama pero hindi mo pa alam ang pangalan ng anak ko? Hahaha.Nakakatuwa ka naman Airah. Bihira lang ang mga babaeng katulad mo. Your really different from other girls. By the way, my son name is Gino.", malambing na sagot nito sa akin.
Napalunok ako ng aking laway dahil sa mga sinasabi niya. Ang kaharap ko nga pala ngayon, mga magulang ni Jutay.
The Hell! Pinagtagpo talaga ang landas namin."Honey, bakit di mo sabihin kay Airah ang plano mo.", baling nito sa kanyang asawa.
Plano? Anong plano ba ang tinutukoy nila?
"Okay hon. Sasabihin ko naman talaga 'yon sa kanya.", tugon ng dad ni Jutay.
"Teka,'ano bang sinasabi niyo? At anong plano ang tinutukoy niyo?",
Hindi na ako nakapagpigil kaya napatanong ako ng wala sa oras."Calm down Airah. Masyado ka namang maraming tanong. Pwede bang tumahimik ka muna?", singit na sambit ng ina.
Gaya ng sinabi n'ya, tumahimik nga ako.
Ilang segundo rin bago magsalita ang dad ni Jutay.
Pero tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito."I want you to marry my son.",
"A-ano?",
"Gusto kong matuloy ang kasal na naudlot sainyo.",diretsang sabi nito at hindi man lang nagdalawang isip.
"What?! Nababaliw na ba kayo?!", sigaw ko sa kanila.
"Airah, hindi kami nababaliw. Masyado lang kaming concern ng asawako kapag si Sarah ang piniling pakasalan ng anak ko.",
"Bakit ba kasi dinidiktahan niyo ang gusto niya? Hindi ba dapat suportahan niyo siya.", saad ko sa kanila.
"Gusto naming suportahan siya pero talagang ayaw namin kay Sarah para sa kanya.", bigkas naman ng ina.
"Bakit ba kasi ayaw niyo kay Sarah? Naguguluhan na ako.",
"Dahil hindi siya totoo. Linalason niya ang utak ng anak ko.",
"What do you mean?",
"Matagal na naming pinaimbestigahan si Sarah. At nalaman naming may boyfriend na ito sa ibang bansa.", wika ng dad ni Jutay.
At this point, nagkaroon ako ng pake para pakinggan ang sasabihin nila. Kaya nanatili akong ng nakatingin sa mga magulang ng binata.
"Patay na patay si Gino kay Sarah pero hindi niya alam na niloloko lang siya ng babaeng 'yon. Gusto naming sabihin sa kanya ang totoo, kaso alam naming hindi siya maniniwala.",
muling sabi nito."Kung gano'n, bakit? Bakit naman niloloko ni Sarah ang anak niyo?", tanong ko rito.
"Dahil sa pera. As simple as that. May binigay na kaming ari-arian kay Gino kaya hindi na ako magtataka kung bakit biglang sumulpot si Sarah sa buhay ng anak ko.
Well noon, hindi niya magawang pansinin si Gino dahil wala pa siyang makukuha rito. Pero dahil nalaman ni Sarah na may binigay na kaming ari-arian sa anak ko, bigla itong dumating at hinarot si Gino.", mahabang paliwanag nito.Kahit medyo magulo pa sa akin na intindihin ang lahat, pinilit kong prinoseso ito sa isipan.
Ibig sabihin, bumalik dito si Sarah para lang sa pera.
May alam ba rito ang pinsan n'yang si Jake?"So now Airah, sana pumayag ka na pakasalan ang anak ko.", sambit ng ama.
"B-bakit ba kasi ako? Marami namang iba d'yan ha? At hindi ako mayaman.", sambit ko naman.
"Gaya ng sinabi ko kanina Airah, iba ka. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Totoo ka at hindi ka katulad ni Sarah na masyadong plastik.",ngiting saad nito sa akin.
"Im sorry. I can't. Hindi ako Mahal ng anak niyo kaya bakit naman ako papayag na magpakasal sa kanya? Para ko na ring binenta ang sarili ko kung gano'n.",
"No Airah. Hindi ka naman mahirap mahalin. And I know na kapag nagsama na kayo ng anak ko, matutunan ka rin n'yang mahalin.", muling sabi ng ina.
"Pasensya na pero Amayoko talaga.",
After kong sabihin yon,tumayo na ako.
"Paalisin niyo na ako rito dahil wala kayong makukuha sa akin.",
"Kung ayaw mo talagang pakasalan ang anak ko. Edi, itutuloy ko na lang ang pinag-usapan natin dati.",
"Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa amin Airah. Kung ayaw mo sa magandang usapan, mapipilitan akong halungkatin ang panlolokong ginawa mo.", pananakot ng Ginang sa akin.Kahit hindi nito sabihin, alam ko na ang tinutukoy n'ya.
"Fine. Halungkatin natin pareho 'yon. Dahil mas gugustuhin ko pang maging yaya ng anak mo kaysa pakasalan siya.", matapang na wika ko rito.
"Alam mong hindi lang yaya ang usapan natin no'n Airah.", sambit niya naman.
"Alam ko. Hindi ko nakakalimutan 'yon. Pero sorry, hindi ko kayang kunin ang loob ng anak mo.", tugon ko sa kanila.
"Kung 'yan talaga ang gusto mo, sige, maging yaya ka lang ni Gino. Pero sana, 'wag mong alisin ang mata mo sa kanya.", saad na lamang nito.
Ngumiti ako at tumango sa sinabi niya bilang sagot na pumayag na ako.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...