Chapter 27
Gino's POV:
Binalot ng saya ang puso ko ngayon dahil sa sinabi ni Sarah. Walang kahirap-hirap ay naging kami agad.
Matagal ring nagdampi ang labi naming dalawa ng babaeng mahal ko. Kita ko sa mukha nito ang labis na pagmamahal.Mabuti na lang talaga at nakipagkita ako kay Sarah dahil kung hindi, baka hindi 'to nangyari sa amin.
"I love you Sarah. I promise, hindi ko sasayangin ang lahat ng 'to.", malambing na pangako ko rito.
Dinapian niya naman ako ng halik sa pisngi dahilan para ako'y kiligin ng husto."Dapat lang bhoo noh. Dahil kapag sinayang mo ang pagmamahal ko, hindi ako magdadalawang-isip na hiwalayan ka.", wika niya sa akin.
"Bhoo naman. 'Wag ka ngang ganyan. Kilala mo naman ako diba? Kailan man hindi ko sasayangin ito, lalo pa't girlfriend na kita ngayon.",ngiting sabi ko.
Bakas sa mata nito ang kakaibang emosyon na umaapaw sa kanya. At sa tingin ko, dala rin siguro iyon ng kilig na nararamdaman ng dalaga.
"Ahem. Magbebreak din kayo gago. Ahem.", rinig kong ubo ng katabi kong si Airah.
Tangina, akala niya siguro hindi ko narinig ang katagang, 'magbebreak din kayo'.
Buti na lang at nasa good mood ako ngayon.
"Airah, pwede bang umalis ka na? Para naman walang istorbo sa amin ni Gino.", medyo taas-kilay na sabi ni Sarah nang balingan niya ng tingin si Airah na kanina pang nasa tabi ko.
"Ano bang ibig mong sabihin, Ms.Sarah?", sakrastikong tanong nito.
Masyado talagang palaban itong si Airah."We need space, yung kami lang na dalawa.", sabi muli ni Sarah.
Paatras na humakbang naman si Airah ng isang beses.
"Okay na ba?"
"My Gosh Airah. Hindi ko alam kung Tanga ka o bobo. Sabi ko, we need space." gigil na sambit nito kasabay ng paghawak nya sa kanyang noo.
"Ikaw kaya tong bobo. Look, sabi mo Space diba? So ayan, medyo malayo na ako sainyong dalawa." pabalang na bigkas ni Airah.
Hinawakan ko ang braso nito para ipahatid sa kanya na tumigil na sya, dahil alam kong hindi matatapos ang usapan nila ni Sarah.
"Umuwi ka na lang sa bahay Airah. Hintayin mo na lang ako don." wika ko rito.
Inalis nya naman ang aking kamay sa kanyang braso.
"NO. Dito lang ako at hindi ako uuwi." Pagmamatigas na sabi ni Airah.
"What the hell! Ang kulit mo rin eh noh? Baka nakakalimutan mong Boss mo si Gino, so mas mabuting sundin mo na lamang sya. Nakakasira ka ng date naming dalawa ng NOBYO KO." mariing bigkas naman ni Sarah.
Alam kong sa puntong ito ay may galit ng umaapaw sa kanyang sarili.
"So what? Wala akong pake kung Boss ko sya. Kapag sinabi kong dito lang ako, DITO lang ako. Dahil gusto kong manigurado."
Hindi ko alam pero medyo naguluhan ako sa katagang sinabi ni Airah sa hulihan.
'manigurado?' yan sana ang gusto kong itanong sa kanya kaso naunahan ako ni Sarah.
"Ano bang pinagsasabi mong manigurado?" tanong ni Sarah.
"Secret... Hindi ko sasabihin." mapaglarong sagot nya na tila ba may tinatago ito na hindi ko alam.
Fuck!"Hayaan na lang natin sya Bhoo, nga pala- ano bang gusto mong i-order?" pag-iiba ko na lamang na topic.
"Actually bhoo, Ayoko talaga dito eh. Masyado na akong nasasawa sa mga kape at cupcakes rito, pwede lipat na lang tayo?"
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya.
"Sure bhoo, saan ba gusto mo?" balik na tanong ko rito.
Bilang boyfriend nya kailangan kong sundin ang lahat ng gusto nya.
Ayoko namang magalit sya at magsawa agad sa akin.
I really love Sarah.
Simula palang sa umpisa, sya na talaga yung pinangarap kong makasama."Oh? Don't tell me na susunod ka pa sa amin?" mataray na tanong nito kay Airah.
"Ngayon ko lang alam na manghuhula ka pala." mapang-asar na sabi nito kay Sarah.
"Alam mo Airah, kanina pa ako gigil na gigil sayo. Hindi ka naman siguro buntot ni Gino! Para sumunod ng sumunod sa kanya!" Halos pasigaw na bigkas na nito.
"Hindi naman talaga. Dahil tao ako at hindi buntot. Baka ikaw itong buntot-- dahil may hinahabol ka sa kanya diba?" mapanghamon na boses na bigkas ni Airah.
"Shit Airah, stop it. Ano bang pinagsasabi mo?"
Hindi ko na mapigilan pa at napataas na rin ang boses ko.
"Wala." tanging sagot nito.
"Tsk. Kung wala-- wag ka na lang sumunod sa amin Airah - please lang." pakiusap ko sa kanya.
Matapos kong sabihin yon ay hinawakan ko na ang kamay ni Sarah at iginaya ko na sya palabas.
Iniwan na namin si Airah roon at mabuti na lang at hindi na ito sumunod pa.💞💞💞💞
Sarah Pov:
Bwisit na babaeng yon! Kinabahan ako sa kanya.
Pakiramdam ko ay may alam sya sa mga plano ko.
Kung wala lang siguro si Gino sa harapan ko, talagang hindi ko sya uurungan.
My Gosh!😤
Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng pinsan ko sa babaeng yon.I hate her attitude, parang may iba talaga akong nafefeel sa kanya.
Hindi pa man kami nakakalayo ay tinarayan ko sya pero masyadong palaban talaga tong si Airah dahil dilaan ba naman ako at may pa-fuck you sign pa.
Nakakagigil!😤😤
"I'm sorry bhoo, sa inakto sayo ni Airah." saad ni Gino sa aking tabi.
"Ayos lang yon bhoo, sorry rin kung medyo umiba yung ugali ko. Hindi ko lang kasi matiim na may sagabal sa pagsasama nating dalawa." wika ko naman sa kanya.
Syempre , pakitang-tao ako ngayon at kunware mabait para sa ganon mas lalong mainlove sa akin tong si Gino.
"Thanks Sarah, don't worry babawe ako sayo. Lahat ng gusto mo, sabihin mo lang sa akin para magawa ko." ngiting tugon nya naman dahilan para mapangiti ako ng lubusan.
Medyo ginanahan ang dugo ko at naalis ang inis na umapaw sa akin kanina.
Ngayon ba kami ng dalawa ni Gino, hindi ko na papatagalin pa at kukunin ko na agad ang gusto ko sa kanya.
©TimojiWP
Wattpad: Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...