Chapter 81

6.5K 179 3
                                    

Chapter 81

Sarah POV:

Naglilinis ako ngayon sa loob ng bahay.

Gusto kong makita ni Jake na mabuting tao ako ngayon.

Kailangan ko kasing magpanggap na walang kinalaman sa nangyari kay Airah.

Ayokong masira yung pinaghirapan kong plano dahil lang sa pakikialam ng pinsan ko.

Lininis ko ang bawat sulok ng bahay.

Masyado ngang maalikabok dahil ilang araw din itong napabayaan.

Yes , tamad ako.
At napipilitan lang ako na gawin to.

Nang matapos ang lahat ay pagod akong napaupo sa sofa.

"Bwisit na buhay to oh!" Sigaw na bigkas ko kasabay ng pagsanday ko ng aking likod sa may upuan.

Pero ang pagod kong yon ay nawala bigla nang tumunog ang cellphone ko.

Hindi na ako magtataka at magugulat kung makikita ko yung pagiging trending ng videong ginawa ko.

Sirang-sira na ang pangalan ni Airah.

Kahit kailan talaga nagiging wagi ang plano ko.

Nagbasa-basa lang ako ng masasamang komento ng mga tao kay Airah.

Napangiti ako dahil ramdam ko kung gaano nila kamuhian ang isang babaeng nasa video.

Sa pag-sscroll down ko ay bigla namang may kumatok sa pinto.

Mabilis ko namang itinago ang cellphone ko dahil baka si Jake iyon.

Nang buksan ko ang pinto ay wala akong nakitang tao.

Tiningnan ko ang left and right side pero wala talaga akong aninong nakita.

'Tsk. So weird' , sambit ng aking isipan.

Isasara ko na sana ang pinto kaso may kung anong bagay ang syang nakita ko sa mismong labas.

Malaki syang gift.

Hindi ko alam kung anong laman non kaya masyado akong nagtataka.

Buhat na rin siguro ng curiosity ko ay marahan ko itong kinuha at ipinasok sa loob.

Sana naman, kayamanan ang lahat ng to.
-

Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba ito o hindi, pero at the end--- mas pinili kong buksan ito.

Gusto ko kasing makita kung anong nasa loob ng gift box na nasa mesa ngayon.

Dahan-dahan kong ipinunit ang wrapper na nakabalot at nang makita ko kung anong laman ay halos masuka ako sa amoy.

Nakakadiri!

Amoy dugo ito ng daga.

At hindi lang yan, dahil yung nasa loob ng box ay ang isang litrato namin dalawa ni Ralph.

Magkayakap kami sa larawang ito pero ang pinagkaiba lang ay may mga saksak ang picture namin.

Hindi ko ito mahawakan dahil nga't may mga dugong nakapaligid dito.

Bago pa man mabuo ang galit ko sa taong gumawa nito ay meron na namang kumatok sa pinto.

Hindi ako nagpasindak at malakas ko itong binuksan.

"ANO BANG--"
hindi ko naitapos ang salitang sasabihin ko nang may isang lalaking naka-mask ang syang tumutok sa akin ng kutsilyo.

"Kapag may ginawa ka pa kay Airah,"
"---Buhay mo ang magiging kapalit Sarah."
"--Tandaan mo yan."
wika nito na may nakakatakot sa kanyang boses.

Halos hindi ako makahinga at tila namutla ako sa takot dahil sa mata palang nito ay alam kong hindi sya magdadalawang-isip na patayin nga ako.

Nang umalis ang lalaki sa harapan ko ay saka lang ako nakahinga ng maluwag .

Pero sa puntong ito, sobrang nagtataka ako kung bakit pinagtatanggol nito si Airah.

"Hindi. Hindi ako magpapasindak sayo."
"---Kung sino ka man, hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin."
saad ng aking isipan para lumakas ang aking loob.

Kailangan kong malaman kung sinong tao yon, at kapag nalaman ko ang pagkatao nya--- I will make sure na pagbabayaran nya ang pagbabantang ginawa nya sa akin.

Jake POV:

Nag-aalala akong napatingin muli kay Airah nang marinig ko ulit ang pag-ubo nya.

Medyo naging matamlay na sya ngayon at tila umiba bigla ang kanyang mood.

Kung kanina ay tawa ng tawa sya, ngayon ay halos may sakit syang pinapasan sa mga oras na to.

Paulit-ulit ang kanyang pag-ubo, isama mo pa na sinisipon na rin sya.

"Airah, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya.

"Jake, I'm okay. Wag mo akong isipin. Ubo lang ito." Sagot nito sa akin.

Natanong ko na rin ito sa kanya kanina pero ang palagi nyang sagot ay ayos lang sya.

Tumayo ako at lumakad palapit sa kanya.

Nasa lababo kasi sya at naghuhugas ng pinggan.

Nang hawakan ko ang braso nya ay naramdaman ko agad ang init ng kanyang katawan.

"Airah, mainit ka."
malungkot na sambit ko.

Napalingon naman ito sa akin at ngumiti ng pilit.

"Syempre, buhay pa ako kaya mainit ako. Magtaka ka kung malamig ako, dahil patay na ako nyan haha."
Pamimilosopang saad nya.

Pambihira!
Sya lang itong babaeng nakilala ko na kahit may sakit na nagagawa pa ring tumawa.

"Tsk. Kailangan mo ng magpacheck-up Airah. Hindi na biro yan."
"--Look at yourself, bagsak na bagsak na ang katawan mo."
"--Yung labi mo, namumutla na. At yung mata mo, masyado ng matamlay."
"--Kaya please naman, makinig ka naman sa akin!"

This time, medyo napataas na ang aking boses.

Dahil siguro sa sinambit ko ay bigla itong natahimik.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkakonsensya.

"I'm sorry Airah kung nasigawan kita."
"--Sobra lang akong nag-aalala sayo." pahayag ko rito.

"Naiintindihan kita Jake. Pero sana, intindihin mo rin ang sitwasyon ko."
"--Umiiwas na ako sa gulo."
saad nya kasabay ng pagharap nito sa akin.

"Kapag nagpacheck-up ako, makikilala ako ng ibang tao ron."
"--Baka isipin nila na buntis ako dahil sa kalandiang ginawa."
"--Jake, kung alam mo lang, pagod na ako."
"--pagod na ako sa buhay ko."
"--Oo, tumatawa ako sa harapan mo, pero hindi ibig sabihin non ay masaya ako."
"--Ginagawa ko lang tumawa, dahil gusto kong ipakita sayo na malakas ako at hindi na ako apektado."
"--Pero ang hirap pala, dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na kayang maging matapang."
Mahabang wika nya sa akin.

Nakita ko na may namumuong-luha na naman sa gilid ng kanyang mata.

Kahit sobrang init ng katawan nya ngayon ay yinakap ko pa rin sya.

"Alam ko. Alam ko na hindi ka totoong masaya kanina."
"--Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko yon."
"--Pero sana, wag kang mapagod at sumuko na lang."
"--I'm always here for you Airah. I can be your shoulder when you cry."
sambit ko sa kanya para kahit papano ay maramdaman nyang may tao pang nakakaintindi at malalapitan nya.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon