Chapter 43
Jutay POV:
Patuloy kong hinahalikan si Airah habang ninanamnam ko ang kanyang malambot na labi.
Kasalukuyan na rin akong nakapatong sa kanya.Napahawak na rin sya sa aking leeg buhat sa lalim ng aming paghahalikan.
Tangina, nag-iinit lalo ako dahil sa ginagawa namin ngayon.
Mukhang magiging totoo yata ang biro ko sa kanya na bubuntisin ko sya.
"Hmmm" mahinang ungol nito na naghudyat lalo sa akin para ituloy nga ito.
Akma na sanang maglalakbay ang aking kamay patungo sa kanyang dibdib kaso biglang tumunog ang aking cellphone dahilan para matigil ako sa aking ginagawa.
"Fuck. Istorbo." inis na sambit ko at umalis ako sa pagkakapatong sa kanya.
Agad kong dinukot ang aking phone sa loob ng aking bulsa.
Pagtingin ko sa screen ay si dad lang pala ang tumatawag."What dad? Ano na naman bang kailangan mo?" tanong ko rito.
Nakita ko naman na inirapan ako ni Airah dahil na rin siguro sa pagkawalang-respeto ko na naman sa aking magulang.
"I mean-- bat po kayo napatawag dad?" magalang na pagpapalit tanong ko sa kanya.
Ayoko naman na magtampo at magalit sa akin si Airah kaya kahit mahirap babaguhin ko na ang pakikitungo ko sa magulang ko, alang-alang sa babaeng mahal ko.
"Son, nabalitaan ko agad ang ginawa mo kanina." wika nito sa akin sa kabilang linya.
Kahit hindi nito sabihin ay alam ko ang kanyang tinutukoy.
"Tsk."
"Son, bakit mo ba yon ginawa? Alam mo bang pinaki-usapan ko pa ang Dean para lang tanggapin ka nya sa University na yon." wikang muli nito.
Tsk.
Bigla ko tuloy naalala na hindi ako nakapasok sa first semester dahil nga wala akong balak na magkolehiyo."Dad, I'm sorry okay? Magpapaliwanag na lang ako sayo next time. "
"Bakit next time pa Gino? Sabihin mo na sa akin ngayon para naman alam ko ang dahilan mo." sambit nito sa akin.
"Dad, may mahalaga akong ginagawa ngayon. Masyado kayong nakaka-istorbo eh." saad ko naman sa kanya kasabay non ay itinumpok ko ang aking tingin kay Airah.
Ngayon ko lang napagtanto na may pagka-coca cola body rin pala sya.
Nang mahalata nya sigurong nakatitig ako sa kanyang katawan ay bigla nya akong tiningnan na matalim.
Pero kahit ganon sya makatingin, she's so cute.
"Ano bang mahalagang bagay ang tinutukoy mo Gino?" usisang tanong ni dad sa akin.
Tsk.
Para matapos ang aming usapan ay nagpakatotoo na lamang ako sa kanya at walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tanong nya.
"Bumubuo kami ni Airah ng apo nyo dad."
After I said those words ay inend ko na ang tawag kasabay non ay linagay ko na ang aking cellphone sa may side table.
Bakas kay Airah ngayon ang pagkamula ng kanyang pisngi.
"B-bat mo yon sinabi sa dad mo ha?!" utal na tanong nya sa akin.
Ngumisi lang ito rito at muli akong pumatong sa kanya.
"Bakit Airah? Totoo naman diba? Gagawa na tayo ng magiging apo nila ngayon."
"Hoy Jutay ha! Wag ka ngang magsalita ng ganyan, para sabihin ko sayo hindi ako Easy to Get! Alis ka nga!" bulyaw na sabi nito at marahan akong itinulak.
Muli naman akong tumayo at diretsa ko syang tiningnan.
"Okay Airah, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa. But please promise me,
that you will stay with me." wika ko sa kanya na may pagsusumamo sa aking boses.
Umupo naman sya at hinawakan ang aking kamay.
"Jutay, kahit hindi mo sabihin yan, mag-sstay talaga ako sa tabi mo. Promise."
Sa simpleng tugon nya ay nakaramdam ako ng kilig.
Tangina! Ibang kilig ang dulot ng salita nya sa akin.Jake POV:
Walang gana akong umuwi sa bahay.
Hindi na rin ako nag-atubli pang pumasok ng hapon dahil na rin sa nangyari kanina.
Tangina!
Napapamura tuloy ako ng wala sa oras kapag naaalala ko yung ginawa ni Gino.
Hindi ko talaga alam kung bakit nagagawa nya pang mangialam sa amin
ni Airah.I know she loves Airah, pero tangina lang kasi girlfriend nya na yung pinsan ko.
So ano yon? Gusto nyang magtimer?
Malakas kong tinapon ang aking bag sa may sofa.
Napalingon bigla sa akin si Sarah buhat na rin siguro ng pagkagulat nya.
Kasalukuyan kasi syang nanonood ng movie kaya ganon na lamang ang pagkabigla nya."Pinsan, are you okay? May problema ba?" concern na tanong nito.
Tumabi naman ako sa kanya at inis kong sinipa ang mesa.
"Tsk. Yung boyfriend mo, inaagaw yung babaeng liniligawan ko." bigkas ko rito.
Tiningnan ko ang kanyang mukha kung ano ba ang magiging reaksyon nya.
Kaso bigla akong nagtaka nang makita ko na parang wala lang sa kanya yung aking sinabi.
"Sarah, manhid ka ba?" tanong ko sa kanya.
"What? Hindi ah! Bakit mo naman yan natanong Jake?"
"Tsk. Wala ka man lang kasing reaksyon." tugon ko rito.
"Jake, hindi ako manhid, okay? May tiwala lang talaga ako kay Gino! And beside, it so impossible na agawin ni Gino si Airah sayo. Hello, mahal ako ni Gino." sabi nito na tila ba walang pangangamba sa kanyang puso.
"Bakit Sarah, kilalang-kilala mo na ba si Gino? At pano ka naman nakakasiguro na ikaw lang ang mahal nya?" hamon na tanong ko sa kanya.
Gusto kong malinawan sya dahil ayokong maging sya ay saktan at lokohin lamang ni Gino.
"Ano ka ba Jake, ginugulo mo ang isip ko."
"Sarah, kaninang umaga ay pumasok na sya sa University namin. Kaklase namin sya ni Airah." sambit ko rito.
At don medyo nabigla sya na parang hindi nya alam iyon.
"Base sa reaksyon mo, sa tingin ko ay hindi nya yon sinabi sayo." panghuhula kong sabi muli.
"Sarah, hindi mo pa kilala si Gino. Bilang pinsan mo, ayokong masaktan ka nya." pagpapaalala ko naman.
Tumayo na ako para sana pumunta na ng kwarto.
Pero bago ako tuluyang tumungo roon ay may iniwan muli akong kataga sa pinsan ko.
"Mahal na ni Gino si Airah. Mahal nya na ang babaeng mahal ko. Kaya Sarah, kung ayaw mong mawala si Gino sa buhay mo, bantayan mo ang boyfriend mo at babantayan ko rin ang babaeng mahal ko."
Matapos kong sabihin yon ay humakbang na ako papunta sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...