Chapter 90

6.4K 147 3
                                    

Chapter 90

Airah POV:

Naglilinis ako ng bahay sa mga oras na to.

I decided na ito ang gawin ko dahil nga't matagal-tagal ko na ring di-nalilinisan ang buong kabahayan.

Sinisiguro ko na wala ng dumi o alikabok sa bawat sulok ng aparador, lamesa, at maliit na kama ko.

Natagalan rin ako ng halos isang oras bago ko natapos ang lahat.

Balak ko sanang maghugas ng aking kamay ngayon dahil medyo nangangati na ako.
Kaso may biglang kumatok sa pinto dahilan para matigilan ako sa paglalakad papuntang lababo.

Kaya mas inuna kong buksan yon dahil baka may nakalimutang sabihin ang binata sa akin.

"Oh, akala ko ba umuwi ka na Jake?" 
Yan ang bungad na tanong nang saktong pihitin ko knob para buksan.

Buong akala ko ay si Jake yung taong kumakatok pero nagkamali ako.
Nagkamali ako dahil hindi yung lalaking inaasahan ko ang syang kumakatok ng pinto.

"M-maam?"
bigkas ko agad nang makilala ko yung taong nasa harapan ko.

Yes, yung mom ni Jutay ang tinutukoy ko.

Ngumiti lang ito sa akin at inilibot nya ang kanyang tingin sa loob ng bahay ko.

Pumasok na rin ito kahit na hindi ko pa sya sinasabihan.

"A-ano hong kailangan nyo?" pagtatanong ko.

Medyo nahihiya na kasi akong magpakita pa ng mukha rito dahil nga sa kumakalat na video tungkol sa akin.

Umupo ito ng pade-kwatro sa isang maliit na upuan, kasabay ng pagtingin muli nito sa aking mukha.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Airah."
"--Im here to invite you." malumanay na saad nya.

Tila isang anghel ito dahil sa maamong mukhang pinapakita nya sa akin.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa bibig ng mom ni Gino.

Kung hindi ako nagkakamali, she's inviting me.
Pero para saan?

-Yan sana ang gusto kong itanong sa kanya, kaso tila nasagot rin ito nang magsalita muli sya.

"Para sayo Airah."
"Para sayo ang party na yon."

Hindi ko alam pero sa sinambit nya ay halo-halong katanungan ang pumapasok sa isipan ko.

Is she crazy?
Para sa akin ang party na yon?
Hindi nya ba alam na halos kinamumuhian na ako ng lahat dahil sa punyetang sex scandal na kumakalat tungkol sa akin.

-
"H-hindi mo yata alam ang sinasabi mo Maam." mahinang wika ko sa kanya.

"Alam ko ang sinasabi ko Hija."
"---Kaya nga invited ka, dahil sayo talaga ang party na yon."
"--Ginawa ko yon para sayo, para malinis na ang buong pagkatao mo." sambit nito.

Mas lalo akong naguluhan ngayon.
Mas lalong naging magulo sa akin ang lahat.
Bakit nya ginagawa to?
Kung tutuusin dapat kamuhian nya rin ako diba?
Pero bakit?
Bakit parang ang bait nya sa akin?

-
"Airah, alam ko ang totoong nangyari sayo."
"--So kung iniisip mo na pinandidirihan kita, nagkakamali ka."
"--Gaya ng sinabi ko, gusto kong linisin ang pangalan mo."
malumanay nyang sabi.

Tumayo na rin ito sa pagkakaupo at dahan-dahan na lumapit sa akin.

"Ang kailangan mo lang ay dumalo sa party na yon Airah."
"--At kapag nandon ka na, lahat ng panghuhusgang binato sayo ng mga tao, mapupunta kay Sarah." 
Habang winiwika nya to ay marahan nyang hinahaplos ang mukha ko.

"B-bakit mo ginagawa sa akin to?"

Hindi ko na napigilan ang tanungin sya.
Eto yung kanina ko pa sana itatanong sa kanya.

"Dahil alam kong inosente ka Airah."
"--Kaya nga, gustong-gusto kita para sa anak ko." sambit nya.

Nung bigkasin nito salitang 'anak' , ay napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Naalala ko kasi bigla yung mga araw na pinagtabuyan ako ni Gino.
Yung mga araw na lumuhod at nagmakaawa ako sa tulad nya.

"P-pinagtabuyan na ako ng anak mo, Maam." mapaklang bigkas ko rito.

"Alam ko."
"--Nandon sa mga oras ang tauhan ko."
"--Pero siguro naman, alam mo ang dahilan kung bakit ginawa ni Gino yon."
"--Nasaktan rin sya hija, kaya mas nauna lang ang galit sa kanyang puso."
Pahayag nya sa akin.

Napa-iling na lamang ako sa sinabi nito.

"Alam kong nasaktan ko sya, pero sana naman hinayaan nya akong magpaliwanag diba?
Pero hindi eh, mas inuna nyang paniwalaan si Sarah na totoong nanloloko sa kanya."
wika ko sa babaeng kaharap ko.

"I know Hija."
"--Naging uto-uto lalo si Gino sa babaeng yon."
"--Pero once na makita at malaman nya ang totoo.."
"--Trust me, hahabulin ka nya."
"Kaya kung magkataon na mangyari man na habulin ka nya, sana bigyan mo ng second chance ang anak ko." , mahinahong saad nito.

Napaisip tuloy ako sa mga sinabi ng mom ni Gino.

Pero ilang segundo ay tiningnan ko sa mata ang babae at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Hindi ko alam Maam."
"--Kasi sa totoo lang, pagod na akong mahalin si Gino."
"--At wala na akong balak pa na mahalin muli sya." wika ko sa kanya.
Matagal ko rin bago ibigkas ang katagang yan.

Narinig ko naman ang paghinga nitong malalim.

"Okay Airah."
"--Kung yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko."
"Pano, aalis na ako."
paalam nyang sabi sa akin.

Akma na sana itong lalabas sa pinto, kaso bigla ulit tong lumingon na tila ba may nakalimutang sabihin.

"Nga pala Airah, here."
"--Aasahan ko ang pagpunta mo sa mansion namin." bigkas nito habang inilalahad ang isang contact number.

"Gusto ko sa party na yon, pang-mataray ang dating mo."
"I-contact mo na lang ang taong yan, sya ang mag-aayos sayo." pahabol nyang sabi.

Nagdadalawang-isip pa akong kunin yon pero sa huli ay kinuha ko pa rin.

At ngayon, tuluyan na ngang umalis ang mom ni Gino.

Wala akong nagawa kundi ang tingnan na lamang ang contact number na hawak-hawak ko.

Kung para sa akin nga ang party na yon, dadalo ako.
Gusto ko na ring malinis ang pagkatao ko.
Para matapos na rin ang issue tungkol sa akin.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon