Chapter 83
Airah POV:
Puting dingding at puting kurtina ang syang nasilayan ng aking mata ng marahan ko itong idinilat.
Medyo masakit pa ang aking ulo kaya hindi ako masyadong makagalaw dahil nahihilo pa ako ng konti.
Inilinga ko ang aking mata sa buong paligid.
And then I saw my three bestfriends na dikit-dikit masyado habang sila'y mahimbing na natutulog sa isang mahabang upuan sa gilid ng aking kama.Nakakatouch din sila kahit papano, akalain mo ba naman kahit na may malaswang video ang syang kumakalat sa akin ay hindi nila ako iniwan.
Isa lang ang masasabi ko, totoo silang kaibigan.
Napangiti naman ako ng bahagya nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina.
Tuluyan akong natumba dahil hindi na nakayanan ng aking katawan ang sakit na nararamdaman ko, buti na lang ay nasalo ako ni Jake.Oo, bago tuluyang nawala ang malay ko ay alam kong si Jake ang syang sumalo sa akin.
Sya lang naman kasi yung kaisa-isang lalaki na naniniwala na hindi ko magagawa ang panghuhusgang binabato nila.
Si Jake, sya talaga ang Savior ko.
Pero teka, nasan pala si Jake?
Parang hindi ko yata naaninag ang anino nito.I try myself na gumalaw para sana umupo pero hindi pa talaga kaya ng aking katawan.
"Ahh" daing ko dahilan para magising si Annie.
Maagap ako nitong linapitan at inalalayan.
"Oh my gosh Airah. Wag mo munang pilitin ang sarili mo." nag-aalalang wika nito.
"Ah sorry Annie, nagising yata kita." hinging paumanhin ko rito.
Mukhang naistorbo ko yata ang tulog nya.
"It's okay Airah. Mabuti na ngang nagising ako para maalalayan kita, incase na gusto mong mag-cr, ganern." pahayag nya habang may ngiti sa labi.
"--But anyways, kumusta na ba ang pakiramdam mo?" seryosong tanong nito sa akin.
"M-medyo okay na ako Annie."
"--Ahm si Jake? Nasan sya?" pagbabalik tanong ko sa kanyaYung kaninang pag-aalala ay napalitan ng pagkakilig ang reaksyon ng mukha ng aking kaibigan.
"Ayieeeh, hinahanap nya si Jake. Yieeeh" bigkas nito habang sinusundot ako sa tagiliran.
"Eh? Bakit, bawal na ba syang hanapin?" kunot-noong sambit ko.
Umupo naman si Annie sa gilid ng aking kama kung saan ngayon ay magkatabi na kaming dalawa.
"Hindi naman. Pero parang may something na kasi sainyo, alam mo yon?"
"--Yung tipong napupunta na yata ang atensyon mo kay Jake." makabuluhang wika nito."Sira ka talaga, hinahanap ko lang yung tao, iba na agad ang tumatakbo sa isip mo." natatawang saad ko kasabay ng pagtapik ko sa kanyang balikat.
"Hahahaha eh kasi naman, masyado akong boto kay Jake para sayo."
"--Akalain mo, andami nya ng ginawa para lang ipagtanggol ka."
"--Your so lucky bessy."
"--Bihira na lang kasing makahanap ng katulad ni Jake." mahabang litanya nito sa akin.Actually, naisip ko na rin yon.
Kasi naman sa dami-daming babae na pwedeng mahalin ni Jake, bakit ako pa?
Hindi naman ako yung tipo ng tao na kagandahan pero nagustuhan nya pa rin ako.
"Kaya bessy, kung ako sayo-- sasagutin ko na yan si Jake. Kasi ang mga katulad nya ay hindi na dapat pang pakawalan." pahabol na sabi nya.
Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinambit ni Annie.
'Kung natuturuan lang sana ang puso ay gusto kong mahalin si Jake.
Pero hindi eh,
hindi ko magawang suklian ang pagmamahal nya ng higit pa sa kaibigan.Ayokong maging rebound si Jake, cause he didn't deserve it.
I admit na until now ay si Gino pa rin ang syang tinitibok ng puso ko.
Umaasa pa kasi ako na baka pwede pa, pwede pang maayos ang relasyon naming dalawa.Kanina nga, halos nakalimutan ko bigla yung mga masasakit na salita nyang sinabi nung makita ko sya.
Tanga na kung tanga pero talagang mahal na mahal ko si Jutay.
Kaya hindi pa rin ako susuko, gusto kong bigyan nya ako ng second chance para magpaliwanag.'
Napakagat-labi na lamang ako sa aking naisip.
Tama!
Kailangan ko munang intindihin si Gino dahil baka nadala lang sya ng kanyang galit kaya nagawa nyang makipaghiwalay sa akin.
Jutay POV:
Tangina!
Natapos ang pang-umagang klase na wala man lang akong natutunan sa tinuro ng guro sa amin.
Lutang na lutang ang isip ko puta!
Dumagdag pa yung walang katapusan na chismisan ng mga kaklase ko tungkol pa rin sa video.
Tsk.
Walang gana akong lumabas sa classroom para sana umuwi na.
Pero bullshit, kung minamalas ay nautasan pa ako.
"Mr.Gino, pwede bang pasuyo ako? Padala naman nitong bag ko sa clinic. Medyo nahihilo kasi ako at kailangan ko na rin sigurong makahingi ng gamot sa nurse." malumanay na wika ng isa sa mga guro namin nang makasalubong ko ito.
Shit!
Sa dinami-dami pang puntahan ay sa clinic pa talaga.Medyo nag-aalinlangan ko pa itong kinuha.
Gusto ko sanang tumanggi pero medyo nakaramdam ako ng awa nang makita kong namumutla na ang labi nito.Inalalayan ko na rin ito habang tinutungo naming dalawa ang Clinic.
Wala pa kami sa loob ay rinig ko agad ang pamilyar na tawanan na bumabalot roon.
"Hahaha Jake, wag na. Busog na ako."
"--Daig ko pa ang isang buntis dahil sa isang kilo ng orange na pinapakain mo sa akin." wika ng isang dalaga.Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong si Airah iyon.
Unti-unti tuloy na tumaas ang dugo ko at umapaw na naman ang galit ko sa kanya.
"Airah, kailangan mong kumain ng prutas para makabawi ang katawan mo. And after mong kumain, kailangan mong uminom ng gamot." mahinahong saad naman ng lalaking pabida.
Puta, hindi bagay sa tulad nya ang maging concern!
"Gino, pakilagay na lang dyan ang bag ko."
Napabalik naman ako sa aking sarili nang marinig ko ang salita ng guro.
Buhat na rin ng pagsabi nito ay napatingin sa akin ang dalawang taong naghaharutan sa loob ng clinic.
Shit!
Ngayon ko lang namalayan na nasa tapat na pala nila ako.Gulat na gulat si Airah na nakatingin sa akin at bahagya itong ngumiti.
Tangina, nagagawa nya pa talagang ngitian ako matapos ng kahihiyang ginawa nya.
Ang lakas din ng loob ng babaeng to!
Walang emosyon ko lang itong tiningnan at kasabay non ay inilagay ko na nga sa upuan ang bag ng guro namin.
Hindi na ako nagtagal at umalis na agad ako.
Mas lalo ko lang kinamumuhian si Airah kapag nakikita ko ang pagmumukha nito!
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
Fiksi UmumNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...