Chapter 69

7.3K 147 8
                                    

Chapter 69

Airah POV:

Sobrang saya!

Yan ang tanging masasabi ko nung mga oras na nakasama ko si Gino kahapon.

Opo, kahapon nga.
Dahil ngayon, ay panibagong araw na naman.

Ika-dalawang araw na namin ngayon dito sa Albay.

Masyado talagang pinapatunayan ni Gino na mahal nya ako.
Sobra kasi sya kung maglambing sa akin na halos baby na nga ako kung ituring.

Kagaya na lamang sa mga oras na to, nag-aalmusal kami ng sabay at sinusubuan nya ako.

"Say 'ahhh' Airah." sambit nito habang hawak-hawak nya ang isang kutsara na may laman na pagkain.
Ilinapit nya pa ito sa aking labi at hinihintay na ibuka ko ang aking bibig.

"Gino naman eh, hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko." saad ko sa kanya.

"Yes Airah, alam kong kaya mo ang sarili mo."
"--Pero sana, hayaan mo akong itrato kang prinsesa." wika nito sa akin.

Syempre, kinilig na naman ako sa mga linyahan ng lalaking to.

Kahit kailan talaga kahit simple ang banat nya ay kinikilig ako ng husto.

Hinayaan ko na lamang sya na subuan ako.

Hanggang sa bigla kaming natigil na dalawa at napalingon sa may pinto kung saan papasok si Sarah at palapit sa gawi namin.

Kahit sino naman ay mapapalingon sa kanya dahil sa malakas na tunog ng sandal na suot-suot nya.

Pero ang pinagtataka ko, ay dala nya ngayon ang kanyang maleta.

"Gino, Airah, nandito ako para magpaalam sa inyo." malumanay na sabi nito sa amin.

"Gaya ng pinangako ko sayo Gino, one day lang ako dito sa Bicol dahil gusto ko lang tingnan yung Mansion na binigay mo sa akin."
"--Kaya ngayon babalik na ako ng Manila." patuloy na wika nya.

"Ganon ba Sarah, sige't ipapahatid na lang kita sa driver ko." pahayag naman ni Gino at akma itong tatayo para sana tawagin ang kanyang driver pero bigla ulit nagsalita si Sarah.

"No Gino, it's okay. Nakakahiya naman sayo." sambit nito.

"Are you sure Sarah?" paninigurong tanong muli ng lalaking katabi ko.

Tumango lang ang dalaga bilang tugon at muling nagpaalam sa amin.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papano ay nawala ang aking pangangamba.

Nang matapos ang pag-aalmusal namin ni Jutay ay napagdesisyunan naming pumunta sa kilalang beach dito sa Albay.

Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta sa isang dagat.

Ngayon, narito ako sa loob ng kwarto habang hindi mapakali sa kakahanap ng damit na isusuot ko.
Syempre, beach yon noh?

Kaya hindi ko tuloy alam kung magsusuot ba akong maiksing short at sando.

At shete! Muntik ko ng makalimutan na meron pa pala akong regla ngayon.

"Ay kabayo ka!" impit na sigaw ko nang sumulpot bigla sa aking likuran si Gino.
Nakakagulat naman ang lalaking to!
Hindi yata sa kanya uso ang kumatok bago pumasok.

"Ano ba naman Jutay, aatakehin ako sa puso sayo!" sambit ko sa kanya at muli kong ibinaling ang aking atensyon sa ginagawa ko kanina.

"Kanina pa kasi kita hinihintay sa labas Airah. Ang tagal mo kaya pumasok na ako." paliwanag nya naman.

"--Nga pala, ano bang isusuot mo?" tanong nito sa akin.

"Yun na nga ang pinoproblema ko Gino.
Hindi ko alam kung anong isusuot ko." sagot ko naman sa kanya na may kalungkutan sa aking boses.

"Pero-- ano kaya kung magshort at sando na lang ako, total beach--"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang mariin itong magsalita.

"Hindi. Wag kang susuot ng mga damit na maiksi."
"--Magpantalon ka at tshirt, yon na lang ang isuot mo." suhestyon nya.

"Seryoso ka ba Gino? Papasuotin mo ako ng pantalon sa beach?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Ibang klase rin kasi ang lalaking to kung makapag-suggest eh.
Magmumukha tuloy ako don na katawa-tawa kapag nakapantalon ako don.

"Yes Airah. I'm serious." kalmang sabi nya na animo'y seryoso nga.

"Ewan ko sayo. Hindi kita susundin noh!"
"--Hindi pa naman ako nasisiraan ng utak para gawin yon." wika ko sa kanya.

Kinuha ko na ang short at sando kasabay ng paglagay ko non sa loob ng aking bag.

"Fine, kung yan ang gusto mong isuot. Hindi kita pipigilan."
"Basta wag mo akong pigilan na manuntok ng tao kapag may nambastos sayo." saad nya naman.

Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi.

Feeling ko tuloy ang ganda ng katawan ko dahil sa pagbabawal nya sa akin ng mga maiiksing damit.

Pero sa bandang huli ay yung short at sando na damit ang aking isinuot.

Actually, hindi naman talaga ako maliligo dahil nga dinadatnan pa ako ngayon.
Ang gusto ko lang ay makapasyal sa lugar na yon.
-

Nang makarating kami sa beach ay ang daming tao!
At ang mga babae rito ay naka-swimsuit, kaya tiningnan ko naman ang mata ni Gino at sinundan kung saan ito nakatingin.

At abah! Nakatutok lang naman sa grupo ng mga babae ang kanyang atensyon.
Aminado ako na magaganda at sexy ang dating ng mga ito.

"Tsk. Di hamak na maputi pa ang singit ko kesa sa kanila." inis na sambit ko dahilan para mapatawa si Jutay.

"Ano bang tinatawa mo? Totoo naman yung sinabi ko ha!" galit kong sabi rito.

"Oo na, halika na." tanging bigkas nito at inakbayan nya ako papunta sa isang cottage.

Nang makarating kami don ay nagpaalam naman sya sa akin para bumili ng makakain namin.

Kaya tumango naman ako at tiningnan na lamang sya.
Kahit hindi ako sumama sa pagbili ay nakatutok pa rin ang mata ko sa kanya.

Pero hindi pa nga nakakarating sa bilihan si Gino ay may babae na agad na lumapit sa kanya.

Sa tingin ko, kinakausap rin sya ni Jutay dahil ngiting-ngiti ang babaeng to.

Hindi na ako nakapagpigil at mabilis akong lumapit sa kanila.

"Ahem." pag-uubo ko kunware para mapunta sa akin ang atensyon nila.

"Ah excuse me, kilala mo sya?" tanong ng babae kay Gino habang tinuturo ako.

"Ah yes Miss. She's my date." walang pag-aalinlangang sagot naman ni Gino.

"Oww sayang. Akala ko pa naman single ka." sambit ng dalaga na may pagkahinayang sa kanyang boses.

"Actually Single pa sya Miss, pero magiging Taken rin sya SOON." ngiting sabi ko rito.

"Ganon ba? So may pag-asa pa pala ako." kinikilig na saad nito sa akin na dahilan para sumingkit ang mata ko.

"Miss, may gusto akong itanong sayo." wika ko naman.

"Ano ba yon?" bigkas nya.

Humakbang naman ako ng sobrang lapit sa kanya.

"Gusto kong tanungin ka, kung-- Dignidad o Bugbog ba ang pipiliin mo?" maangas na tanong ko.

Mukha naman syang natakot dahil mabilis itong umalis sa harapan ko.

"Iba ka talaga Airah haha." natatawang sabi ni Gino sa akin kasabay ng pag-gulo nito sa aking buhok.

Malakas ko namang siniko ang kanyang tagiliran.

"Umayos ka Jutay! Baka gusto mong pira-pirasuhin ko yang hotdog mo!" pananakot ko naman rito.

Mabuti na yung alam nya ang gagawin ko sa kanya sa oras na humarot sya sa iba.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon