Chapter 91
Airah POV:
Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock.
It's already 5 a.m in the morning.
Yes, sinet ko talaga sa ganyang oras ang alarm clock para sa ganon hindi ako tanghaliin ng gising.Actually, balak ko kasing magjogging ngayon.
Kasi naipangako ko sa aking sarili na sisimulan ko ng magbago ngayong umaga.
Yes. Panibagong araw na naman.
Ang bilis talaga oras noh?
Ganon talaga, hindi mo na lang mamalayan na masyadong mabilis ang pangyayari.Kinusot-kusot ko na ang aking mata para mawala ng konti ang antok ko.
Ilang segundo rin bago ako bumangon at naghilamos ng mukha.
And now, I am wearing jogging pants and T-shirt , isama mo pa nakasuot akong sapatos.
Handang-handa na akong magjogging.
Pagkalabas ko ng bahay ay halos magulat ako nang bumungad sa akin si Jake.
He's wearing also a jogging pants.
"Jake? Teka, medyo madilim pa ha? Ba't ang aga mo naman yatang pumunta dito?"
Takang tanong ko sa kanya."Actually, inagahan ko talaga ang pagpunta dahil gusto sana kitang ayaing jumagging pero mukhang ready ka na yata eh." ngiting bigkas nito at tiningnan ang aking postura.
"So pareho pala ang tumakbo sa isip nating dalawa? Hahaha."
natatawang sambit ko."Halika na nga. Magsimula na tayong magjogging."
Muling sabi ko at ako na mismo ang syang humila sa kanya.Mabuti na lang at iyon rin ang naisip ni Jake, at least may kasama akong magjogging ngayon.
Nang magsimula kami, halos tawang-tawa ako sa pinang-gagawa ng binata.
Kahit anong trip nya eh, may pazumba at valley pa syang nalalaman. Hahaha."Jake, salo!" sigaw ko habang ibinato ko ang isang mineral bottle papunta sa kanyang gawi.
Tapos na kami ngayong magjogging na dalawa.
At ako itong bumili ng tubig sa may tindahan.
Mas napagod kasi ng sobra si Jake dahil sa mga trip nya kanina.Nga pala, it's already 6:30 a.m na pero until now ay andito pa rin kami sa lugar kung saan kami nagjogging.
Pareho kaming pawis na pawis.
Nang makalapit ako sa pwesto ay umupo na ako sa tabi ng binata."Grabe, ang dami mo palang alam sa buhay noh?" saad ko kay Jake.
Napangiti lang ito kasabay ng pagkamot ng kanyang batok.
"Wag mo ng ipaalala Airah. Nahiya ako sa ginawa ko. Halos pinagtitinginan pala ako ng mga tao, baka isipin nilang nabaliw ako dahil sobrang kagwapuhan ko." wika nito.
Muntik naman akong masamid sa aking iniinom dahil sa sinambit ng katabi ko.
"Ang hangin mo din Jake eh Hahaha."
"Airah, hindi mahangin ang tawag don. Sadyang totoong gwapo ako."
"Siguro nung umulan ng kagwapuhan, nasa labas ako ng bahay kaya andami kong nasalo."
proud na pahayag nya."Gwapo ka dyan, patingin nga." bigkas ko at iginaya ko ang kanyang mukha paharap sa akin.
Nagtama ang mata naming dalawa at tila nailang naman ako dahil kakaiba ang titig ni Jake sa akin.
Kaya mabilis kong iniwas ang aking mata at uminom na lamang ng tubig.
Tila nagsisi tuloy ako na ikinabig ko ang mukha nito.
"Tara, u-uwi na tayo." utal kong bigkas rito.
Alam ko kasi na kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong nakatitig pa rin sya sa akin.
Akma na sana akong tatayo nang hawakan nito ang aking braso.
"Airah, mamaya na tayo umuwi. Masyado pang maaga."
Dahil sa sinabi nyang yon ay hindi na nga ako tumayo pa.
Nabalot tuloy ng katahimikan kaming dalawa.
Kapwa nakatutok lang ang atensyon ko sa araw.Ang sarap ng hangin sa lugar na to.
Masyadong sariwa kaya dinadama ko na lang ang presensyang hatid nito.Pero maya-maya ay naramdaman ko ang pag-akbay ni Jake sa aking balikat.
Medyo bumilis ang tibok ng puso ko, dahil siguro sa hindi ako sanay na naka-akbay sya sa akin.
"Airah, gusto kong ligawan ka ulit."
Tila nagulat ako sa sinabi ng binata.
Binasag nya ang katahimikan.Hindi ko alam pero bigla akong napalingon sa kanya.
Bahala na kung magtama muli ang mata namin.
Ang gusto ko lang ay tingnan ang ekspresyon nya.
At bakas nga rito ang pagkaseryoso."Alam kong hindi ako huminto sa panliligaw sayo Airah."
"--Pero gusto kong ulitin na ligawan ka, just to prove na talagang mahal kita." muling wika nya."Jake--"
"Airah, kaya kong higitan si Gino."
"Kung yan lang ang paraan para mahalin mo ako."
"Magsisimula akong ligawan ka , dahil alam kong magsisimula ka na ring baguhin ang sarili mo."
"---At gusto ko Airah, kasama mo ako sa pagbabago mo."
mahinang sabi nya.Sa boses palang ni Jake ay alam kong may pakiki-usap na nangingibabaw sa kanya.
Ngumiti lang ako ng bahagya at ako na itong kusang humawak sa kamay nito.
"Jake, hindi mo kailangang higitan si Gino."
"Ramdam ko naman ang pagmamahal mo. Pero kung gusto mong simulan ulit na ligawan ako, then it's okay."
"Ayos lang sa akin yon." wika ko sa lalaking kaharap ko.Gumuhit naman sa labi nito ang isang malawak na ngiti.
"So pumapayag kang ligawan ulit kita?" paninigurong tanong nya.
"Oo naman Jake. Sino ba ako para tumanggi diba?" tumatangong tugon ko.
Mabilis nya akong yinakap at sobrang higpit nito na halatang masayang-masaya sya.
"Thank you Airah. Pakiramdam ko parang sinagot mo na rin ako dahil sa pagpayag mo."
"Binuo mo ang araw ko ngayon. I love you." malambing na sambit nito.Tumugon naman ako sa yakap ng binata sa akin.
-
Nang umuwi kami ng sabay sa bahay ko ay walang minuto syang sinayang.
Masyado syang sweet at marami syang banat na baon para lang pasayahin ako.
Aminado ako na medyo corny ang iba pero naappreciate ko ng sobra yon.At sa puntong ito kumakanta sya kahit na sintonado ang kanyang boses.
"Dahil sayo akoy matapang.
Para sayo ako'y lalaban,
Para sayo ang pagmamahal na walang katapusan."Todo birit pa sya kahit hindi nya kayang abutin ang nota.
Nakakatawa syang tingnan.
Halos mamatay ako sa kakatawa sa ginagawa nya.Tama lang na pinayagan ko ulit syang ligawan ako.
Dahil sa totoo lang, handa na akong mahalin at buksan ang puso ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...