CHAPTER 23
Airah POV:
"So Airah, we decided na sa iisang bahay na kayo tumira ni Gino.", panimula ng mom ni Jutay sa amin habang kami ay kumakain ng almusal.
Matapos kasing bumaba ni Gino, sumunod na rin ako sa kanya.
Pero sa ngayon, kami-kami lang na apat ang kumakain sa hapag-kainan dahil si ate Leny, maaga raw na umalis.Hindi naman ako masyadong nagulat sa sinabi nito dahil alam kong ito talaga ang gusto niyang mangyari.
"--So Airah, I hope na gagampanan mo ang trabaho mo. I know na nag-aaral ka pa pero sana 'wag mong pabayaan ang anak ko.", muling sabi nito.
"Yes po ma'am.", tugon ko sa kanya.
"At nga pala Airah, etong si Gino mag-aaral na ito sa kolehiyo. Malapit na ang pasukan niya kaya mas maganda kung sa iisang university na rin kayo mag-aral.", sabi naman ng dad ni Gino.
Medyo napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi nito sa akin.
"Ho? You mean, lilipat ako ng university para kay Gino?", tanong ko rito.
"Yes hija, ganon na nga ang gusto kong iparating sa'yo. Magagampanan mo kasi ang trabaho mo kapag magkasama lagi kayo. Hayaan mo at kami ng bahala mag-asikaso ng pagtransfer mo sa University nila Gino.", paliwanag niya.
"Pero kasi, ang totoo niyan, ayoko po talagang lumipat dahil nando'n ang mga kaibigan ko.", malungkot na sambit ko.
"Tsk. Kaibigan o baka si Jake?", rinig kong sabat ni Jutay kaya napatingin ako sa gawi nito.
Mabuti na lang at hindi iyon narinig ng magulang niya.
"Gano'n ba? Sayang naman. 'Di bale kung 'yan ang gusto mo, hahayaan ka na lang namin.", ngiting wika ng dad sa akin.
"No dad, ako na lang ang lilipat sa University nila Airah.",
Nagulat naman ako dahil sa katagang binitawan ni Jutay.
Seriously? Lilipat s'ya?Kunot-noo ko itong tiningnan pero ngumisi lang ang binata na tila ba may binabalak.
"Are you sure son? Hindi private ang pinapasukan ni Airah at baka hindi ka sanay.", sambit na tanong ng kanyang ina.
"Don't worry mom, hindi naman ako mapili pagdating sa University. And besides, gusto ko ng lubus-lubusin ang pagiging yaya ni Airah.",
Potah! Gusto niya talaga ako maging alipin!
"Then sige son. Kung 'yan ang desisyon mo, susuportahan ka namin." saad ng dad niya mismo at tinapik pa talaga ang balikat ni Jutay.
Nang matapos ang almusal at pag-uusap namin, binigay na na nila sa akin ang susi ng bahay.
Binilinan pa ako nito na ako na lang daw ang bahala sa anak nila. Masyado talaga silang protective pagdating kay Jutay eh.Kaya heto ako ngayon, nakasakay na sa kotse ni Gino habang tinutungo ang address ng bahay na titirhan namin.
Tahimik lang na nagmamaneho si Jutay at kung minsan, lumilingon ito sa akin.Akala niya siguro hindi ko sya nakikita.
Napangiti tuloy ako ng palihim.Nagtagal rin ng sampung minuto bago kami nakarating do'n.
And just WOW! Sa labas palang masyado ng maganda kung tingnan.
Mabilis akong lumapit sa may pinto at dinukot ko ang susi sa aking bag.Binuksan ko na ito at gaya ng inaasahan ko, sobrang ganda at ang linis ng loob.
Hindi ko napigilan ang sarili at lumundag ako sa may sofa."Hindi ka naman yata excited ano?", saad ni Jutay na ngayon ay nakatingin sa akin.
Napatigil naman ako at inayos ang aking sarili.
Nakakahiya, para pala akong bata dahil sa inakto ko.Muli akong tumayo para tingnan kung saan ang kwarto ko pero shete! Ba't parang isa lang yata ang nakikita kong kwarto sa bahay na 'to?
"Jutay, sa'n ako matutulog?", tanong ko agad sa binata.
"Sa kama malamang.", pabalang na sagot nito na animo'y namimilosopo.
"Jutay naman eh! Seryoso nga kasi! Sa'n ako matutulog? Isa lang ang kwarto oh!", ngusong sabi ko sa kanya.
"Problema ba 'yon? Edi tabi tayo matulog. Hindi naman sa atin bago 'to.", wika nito.
Sabagay, may point siya. Pero yaya niya na ako. At sa tingin ko, hindi tamang tumabi ako sa kanya at makisama sa iisang kwarto.
"Eh 'wag na. Dito na lang ako sa sofa matutulog.",
saad ko rito at kumuha ng kumot at unan sa loob ng kwarto. Iginaya ko ito papuntang sofa."Are you out of your mind Airah? Sa tingin mo ba hahayaan kitang matulog dito? Tsk, para kang tanga. Tumabi ka na lang sa akin. Ang choosy mo masyado.",
"Hindi ako choosy noh? Alam ko kasi ang limitasyon ko, bilang yaya mo.",
"NO. Bilang amo mo, inuutusan kitang tumabi sa akin. Kaya 'wag mo ng pahabain pa ang usapan.", mariing bigkas niya kasabay ng pagkuha nito ng kumot at unan.
Napahinga na lamang ako ng malalim at sinunod ang gusto niyang mangyari.At bilang yaya, sinimulan ko na ang aking trabaho.
Inayos ko ang pagkaka-arrange ng mga gamit at style ng mga ito.
Tinitingnan lang ako ni Jutay sa aking ginagawa kaya medyo naiilang tuloy ako.And after no'n, napag-isipan kong magpahinga muna saglit.
Kinuha ko ang phone at inopen ito.
Saktong maraming text ang nagsidatingnan sa akin.
Ang iba, galing sa mga kaibigan ko pero naagaw ang aking tuon sa text ni Jake.'Jake message'
•Hi Airah, goodmorning. First day mo ngayon sa trabaho kaya I decided akong i-text ka para sabihing mag-iingat ka at 'wag masyadong magpapagod. Ingat ka sa maghapon.•
I don't know why at napangiti ako kahit papano sa message niya.
Ngayon ko lang alam na may taglay ring kasweetan si Jake.
Kahit papano, masaya ako dahil may taong concern sa akin."Hoy! Ano ba! Balik mo nga ang cellphone ko!", sigaw ko naman nang marahas hablutin ni Jutay ang cellphone ko sa aking kamay.
"Jutay, ibalik mo nga sa akin 'yan!", muling sabi ko sa kanya.
Pero tila ba hindi niya ito narinig at talagang binasa pa ang message ro'n.
Biglang umiba ang awra ng mukha nito at napalitan ng nakakatakot.
"From now on, bawal ka ng gumamit ng cellphone.", bigkas ng binata sa akin.
"Ano? Teka, hindi pwede 'yan!", tangging sigaw ko. Hindi man lang ako nito pinakinggan sa halip, tinalikuran ako habang hawak niya pa rin ang aking cellphone.
"Jutay, ano ba! Ibalik mo na sa akin 'yan!", galit na saad ko.
"--Hoy Jutay! Bingi ka ba ha?! Sabi ng ibalik--",
"Fuck Airah! Hindi ba malinaw sa'yo ang sinabi ko kahapon? Ayokong mapunta sa iba ang atensyon mo at gusto ko, AKIN KA LANG.", pag-papaalala ng lalaki.
Napatigil ako dahil sa patugon niyang sigaw.
Bakas rin sa mukha nito ang halo-halong emosyon."B-bakit ka ba ganyan sa akin Jutay ha? Naguguluhan na ako sa'yo.", hindi ko na tuloy napigilan na tanungin siya.
"--Hindi ko na maintindihan ang ugali mo. Hindi ko na maintindihan ang mga pinapakita mo. At hindi ko na maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan!", muling sabi ko.
Ngayon, siya naman itong napatigil.
Matagal-tagal din bago siya sumagot."--Hindi ko rin alam Airah. But one thing I know, n-nagseselos ako.",
Halos malaglag ang aking panga dahil sa biglaang pagsabi niya ng katagang 'yon.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...