Chapter 101

9K 136 4
                                    

Chapter 101

Jake POV:

"Mas maganda kung sa garden natin 'yon gagawin.",

"Hindi! Mas bet ko kung sa plaza. Maraming tao do'n kaya tiyak maging sila kikiligin kapag lumuhod si Jake sa harapan ni Airah.",

"Ang papanget naman ng idea niyo! Dapat sa may pool natin gawin 'yon. Tulak natin si Airah ganon, tapos kunware savior si Jake. Sya ang liligtas kay Airah, syempre mawawalan ng malay ang dalaga kaya ima-mouth to mouth ni Jake ito! Ang ganda diba?!"
suhestyon ni Annie sa dalawa nyang kaibigan.

Sabay naman na sinampal nila Tine ang baliw nilang tropa.

"Gage! Ang corny ng nasa isip mo."
bigkas ng isa.

"Aray ko ha! Ang sakit non. Nagsusuggest na nga yong tao eh."
tampong sambit ni Annie na may panguso pa sa labi.

Napailing ako ng wala sa oras habang pinapakinggan ang mga ito.

Kanina pa sila nagtatalo-talo dahil sa lugar kung saan gaganapin ang surpresang inihanda ko para kay Airah.

Kapag ang tatlong to nagsasama, hindi na ako magtataka na maiingay sila.

"Eh ikaw Jake? Ano sa tingin mo, sa garden ba o sa plaza?"
Baling na tanong ni Tine sa akin.

Nahalata siguro nila ang pagiging tahimik ko.

"Plaza na lang para maraming tao ang makakita kung gaano ko kamahal ang kaibigan nyo."
tanging sagot ko.

Mabuti na lang at pumayag na sila.

Kaya sa puntong ito, kinuha na namin ang mga decorations na gagamitin namin sa plaza.

Sabay-sabay na kaming pumunta don.

Wala akong sinayang na segundo at minuto.
Patuloy pa rin ako sa paglalagay ng mga designs.
Samantalang sila Annie ang katuwang ko kung maganda ba ang pagkakaayos ko ng mga decorations.

Maraming nagtatakang tao dahil sa mga pinang-gagawa namin.
Kaya si Tine ang syang todo paliwanag sa mga chismosang tanong ng tanong kung para saan ba ang lahat ng to.

Saktong ala-una na ng umaga kami natapos.

At sa wakas, tapos na naming ikabit ang mga dekorasyon.

"Grabe, nakakapagod. Gusto ko ng matulog."
malumanay na saad ni Annie.

Nawala at naubos na rin ang pagiging energetic nito dahil bakas na sa kanyang mukha ang pagkaantok.

Dahil medyo madaling araw na nga ay sa bahay ko na lang mismo sila pinatulog.

Kahit papano, malaki ang tulong na binigay nila sa akin.

Excited kong ipinikit ang aking mata para matulog na rin.

Hindi na ako makapaghintay na hingin ang kamay ng babaeng mahal ko.

Airah POV:

It's already 11:00 a.m in the morning.
Pero until now, ay hindi pa rin dumarating si Jake.

Na-init ko na rin yung mga ulam na niluto ko kagabi.

Hindi pa ako kumakain ng tanghalian dahil gusto kong sabay na lang kaming dalawa.

Nakakatampo sya.
Ni tawag o text sa akin ay wala man lang akong natanggap.

Walang gana akong lumabas ng bahay para sana don sya hintayin.

Kaso inabutan na ako ng dalawang oras sa kakahintay pero wala pa ring anino ni Jake akong nasisilayan.

*Ting*

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon