Chapter 98

7.1K 172 5
                                    

Chapter 98

Jutay POV:

Nakaramdam ako ng konting pag-asa nang pumayag si Mom na tulungan ako para bumalik sa akin si Airah.

Kahit papano ay nagkaroon ako ng lakas na gawin ang surpresa ko para sa babaeng Mahal ko.

Kaya sana makumbinsi ni Mom ang dalaga na sumulpot sa Bahay Ampunan.

Oo, sa Bahay Ampunan ko binabalak gawin ang lahat.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso na agad ako rito.

Gaya ng inaasahan ko ay mainit na sinalubong ako ng mga batang napamahal na sa akin.

Yinakap nila ako at ang iba ay biglang sumaklay sa aking braso.

"Kuyaah!"

"Bumalik si kuyaaaaa!"

"I miss you kuyaaaaa!"

Mga sigawan na may halong saya ang naririnig ko sa mga bata.

Pero may isang babaeng lumapit sa akin at tila ba may lungkot ang mukha nito.

Dahan-dahan naman akong lumuhod para mapantayan ang bata.

"Bakit parang malungkot ka?" sambit na tanong ko sa kanya.

Inilinga nito ang mata nya at parang may hinahanap sya.

"Kuya, bat hindi mo kasama si Ate?"
malungkot na balik tanong nito.

Kahit hindi nya sabihin ang pangalan ay alam kong si Airah ang syang tinutukoy ng bata.

Si Airah lang kasi ang unang babaeng pinunta ko dito sa bahay-ampunan.

Dapat sana si Sarah ang idadala ko sa lugar na to at ipapakilala kila Mother.
Kaso nga lang, hindi na yon naituloy dahil mas natuon na ang pagmamahal ko kay Airah.

Marahan kong ginulo ang buhok ng batang kaharap ko at bahagya akong ngumiti.

"Hindi ko kasama si Ate dahil nagalit yon sa akin."
pagsasabi ko ng totoo.

"Bakit Kuya? Inaway mo po ba sya?"
muling tanong nito.

"Nagkamali kasi ang kuya mo, pero babawi rin ako sa kanya. Kaya nga, nandito ako dahil kailangan ko ang tulong nyo para magkabati na kaming dalawa." wika kong sabi sa kanya.

Dahil sa sinabi kong yon ay nagsulputan na lahat ng mga bata sa akin.

"Kailangan mo tulong namin kuya?"
halos sabay-sabay nilang tanong.

Tumango naman ako bilang tugon.

Masyadong malalakas ang pandinig ng mga ito.

"Sige kuya, tutulungan ka po namin."
ngiting sambit ng lahat.

Maya-maya ay lumapit na rin sa amin si Mother.

Kaya awtomatikong tumayo na ako at nagmano rito.

"Gino, Hijo. Anong tulong ba ang pinagsasabi ng mga bata?" mahinahong tanong ni Mother sa akin.

"Nagkaroon po kasi kami ng problema ng babaeng mahal ko , Mother." magalang na sagot ko.

Tinapik naman nya ang aking balikat at inaya na ako nito sa loob para don na lang daw kami mag-usap.

Pumasok na nga kaming dalawa don at nakita ko rin ang iba nyang kasamahan na madre.

Sa puntong ito, tatlong Mother na ang syang kaharap ko habang patuloy na nagtatanong sa akin.

"Yung babae bang sinasabi mo ay ang babaeng sinama mo dito dati?"
mahinang tanong ng isa.

"Opo Mother. Si Airah ho."

"Akala ko ba ay si Sarah ang babaeng mahal mo, na palagi mong naikekwento sa amin noon?"
"--Alam mo ba Hijo, matagal naming hinintay ang pagbisita mo at nagbabakasali kami na baka idala mo dito ang dalagang yon, pero mukhang minahal mo na yata ang unang babaeng pinakilala mo sa amin."
mahabang litanya nito.

"Minahal ko na nga sya Mother. Minahal ko ng sobra yung unang babaeng pinakilala ko sa inyo. Pero, nasaktan ko sya ng husto."
malungkot na bigkas ko sa kanila.

"Bakit Gino? Ano ba ang ginawa mo sa kanya?"

Napakagat-labi ako sa naging tanong sa akin.

"Nagawa ko ho syang pagtabuyan Mother."
"Mas pinaniwalaan ko yung iba, kesa sa paliwanag nya."

Habang sinasabi ko ang katagang yon ay nakayuko ako.

Nahihiya kasi ako sa kasalanang ginawa ko.

-

Narinig ko naman ang pag-urong ng upuan, at don ko napagtanto na tumayo pala ang isang madre para yakapin ako.

"Wala ako sa kalagayan mo Hijo, pero ramdam ko ang pagsisisi mo."
"--Kaya wag kang mag-alala, kung ano man ang plano mong gagawin ay handa kaming tulungan ka."
wika nya sa akin.

Naging magaan at komportable lalo ako, dahil sa mga taong nakakaunawa sa akin.

Sana nga, hindi pa huli ang lahat at magkaayos na agad kami ni Airah.

Kasi sa totoo lang, hindi ko yata makakaya kapag nakita kong hawak na sya ni Jake.

Airah POV:

"Uyy Jake, parang ang lalim yata ng iniisip mo ha?"

Puna ko sa lalaking nasa labas ng aking bahay habang nakaupo ito sa upuan.

Matapos ko kasing kumain ay naghugas ako ng pinggan samantalang sya ay lumabas para daw magpahangin.

Pero base sa postura at mukha nya ngayon, tila ba lumilipad ang isip nito.

Tingnan mo, nagsalita na ako pero sya deadma lang.

"'Uyyy! Hello?!"
bigkas kong muli habang kinakaway ko ang aking kamay sa harap ng kanyang mata.

Doon lang sya nakabalik sa sarili at napatingin sa akin.

"At last, napansin mo rin ako."
saad ko at pamewang akong humarap sa kanya.

"So ano bang iniisip mo?"
muling tanong ko rito.

"Ah--wala naman."

"Wala? Eh halos ilang minuto kitang pinagmasdan na nakatulala tapos wala kang iniisip? Ako ba'y pinagloloko mo Jake?!"
inis na sambit ko sa binata.

Pero mabilis nitong ikinabig ang aking bewang kaya awtomatikong napa-upo ako sa kanyang binti.

"Masyado ka namang high blood Airah. Yan ba ang epekto ng mga ulam na niluto ko?"
ngiting tanong niya.

"Wag mo ngang ibahin ang usapan Jake. Sagutin mo muna kaya ang tanong ko."
mataray kong bigkas.

"Airah, wala naman akong ibang iniisip kundi Ikaw eh."
malambing na wika nito.

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan Jake. Alam kong iba talaga ang nasa isip mo. Baka ibang babae na yan." pangusong saad ko.

Dahil sa sinabi kong yon ay tila ba lumiwanag ang mukha ng binata.
At maya-maya biglang umukit ang matagumpay na ngiti sa kanyang labi.

"Bakit parang may halong pagseselos ang boses mo Airah."
pahayag nito dahilan para mamula ang aking pisngi.

"Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? Pake ko ba kung yung mga babae sa party ang nasa isip mo?!"
inis kong sambit kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

Mahigpit nya namang pinulupot ang braso nito sa aking bewang.
In short, tila ba mahigpit nya akong yinakap mula sa aking likuran habang pareho kaming nakaupo.

"Airah, hindi ibang babae ang nasa isip ko. Ang totoo nyan, iniisip ko kung kelan mo ba ako sasagutin?"
"--Matagal ko na kasing tinatanong kung ano bang gusto mo para makuha ko lang ang matamis mong Oo."
mahabang sabi niya.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay hinawakan ko ang kamay nitong nakayakap sa akin.

'Bukas ng gabi Jake, bukas ng gabi ay sasagutin na kita.'

Yan ang syang bigkas ng aking isipan.

Sigurado na kasi ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
At ayoko na ring pahirapan pa ang binata.
Sapat na sa akin ang lahat ng mga ginawa niya sa oras na down na down ako sa sarili ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon