Chapter 66

7.4K 147 1
                                    

Chapter 66

Sarah POV:

Abot-tanaw ko na lamang si Airah na pumasok na rin sa loob ng mansion ni Gino.

Hindi na muna ako gumalaw sa pwesto at nanatiling don na muna sa labas dahil nga't kanina pa nagvavibrate ang aking cellphone sa bulsa ko.

Nang makasiguro ako na tuluyan ng nakapasok si Airah ay agad ko na itong idinukot.

"Hello babe?" mahinang sambit ko nang sagutin ko ang tawag ni Ralph.

"--Diba sabi ko sayo, wag ka munang tumawag dahil baka may makahalata sa akin dito." Muling saad ko rito sa kabilang linya.

"Im sorry babe, may gusto kasi akong sabihin sayo." wika nya sa akin.

"Ano ba kasi yon? Pwede mo namang i-chat na lang , gusto mo pa talaga yung tawag." bigkas ko sa kanya.

"Babe, importante kasi to. Uuwi na ako sa sunod na araw dyan sa Pilipinas. Naalis na kasi ako sa trabaho ngayon." malungkot na balita nito.

Buong akala ko pa naman ay ilang araw pa syang magtatagal dyan sa abroad, pero mabuti na rin yon para sa ganon maging madali ang plano namin.

"Ayos lang yan babe. Ang mahalaga, uuwi ka na at magiging partner na tayo agad sa planong gagawin natin." wika ko naman sa kanya.

"Yes babe, mapapabilis nating makuha ang kayamanan ni Gino kapag nagtulungan tayong dalawa."
"--Oh pano, hintayin mo na lang ako dyan sa bicol sa sunod na araw." saad nito bago nya tuluyang binaba ang tawag.

Napangisi naman ako dahil maraming pumapasok sa isipan kong plano para masaktan ng husto ang damdamin nila Gino at Airah.
Dalawang araw na lang ang hinihintay ko at pareho na silang luluha, samantalang ako ay manonood sa kanila habang may ngiti sa aking labi.

"Be ready Airah, dahil 48hours na lang ang natitirang saya mo na kasama si Gino." mala-demonyong sambit ng aking isipan.

Muli kong ibinalik ang cellphone sa bulsa at naglakad na rin papasok sa mansion.

As usual, nakita ko agad ang dalawa na naglalambingan sa isat-isa.

"Excuse me, San bang kwarto ako matutulog Gino? I need to rest kasi, pagod ako sa byahe." Bigkas ko para kahit papano ay madistorbo ko ang ginagawa nilang dalawa.

"Ikaw na lang ang mamili kung saang kwarto ang gusto mo, basta komportable ka." sagot naman ni Gino sa tanong ko.

Hindi pa rin sila natinag dahil nanatiling nakayapos si Gino sa bewang ni Airah.

Halatang inlove na inlove nga ang lalaking ito sa dalaga.
Mas lalo tuloy akong nagaganahan kapag naiisip ko yung mangyayari sa kanila.

At masisiguro ko, na ang pagmamahal ni Gino kay Airah ay biglang lalaho na parang bula.

"Okay, thank you Gino. Enjoy your day!" saad ko sa kanya at pasexy akong lumakad palayo sa kanila.

Airah POV:

Kasalukuyan kaming nanonood ni Gino ng movie habang kumakain kami ng popcorn.

Ewan ko ba sa lalaking to, hindi ko maintindihan ang trip nya lalo pa't naka-kandong ako sa kanya habang yakap-yakap nya ako.

"Jutay, doon na lang tayo sa kwarto. Masyado ng nakakahiya sa mga maids mo na nakikita nila tayong ganito." wika ko sa kanya.

Medyo nahihiya na ako dahil ang mga tingin ng maids nya sa akin ay parang lulunukin ako ng buhay.
I understand na parang nanibago lang sila sa mukha ko dahil nga first time ko palang makapunta ng Bicol pero pakiramdam ko ay hinuhusgahan nila ako gamit lamang ang kanilang mata.

"Don't mind them Airah. Ganyan talaga sila pero mababait ang mga yan." mahinang sabi ni Gino sa akin.

Wala pa kasi kami ng tuluyan sa kwarto kaya maraming nakakakita sa amin ni Gino.

"Diba sabi mo magpapahinga ka?" tanong ko rito nang maalala ko ang kanyang sinabi kanina.

"Oo nga noh? Ikaw kasi Airah, kapag nakikita kita--nagiging malandi ako. Haha" natatawang sabi nito kasabay ng pagkamot nya sa kanyang leeg.

Sinisi pa talaga ako ng loko.

Tumayo na ako at tumayo na rin sya.
Pero sa pagtayo nya ay mabilis nya akong hinila at hindi ko alam kung saang kwarto nya ako dadalhin.
Kanina kasi binilang ko kung ilang kwarto ang meron sila dito sa mansion, at hindi sa pagmamayabang pero nasa 26 ang bilang ng kwarto nila.

Sa unang kwarto ng second floor kami napadpad at don nya rin ako ipinasok.

"Uyy Gino, anong tingin yan?" kinakabahang bigkas ko dahil nga ang mga titig nya ngayon ay may halong pang-manyak.

Hindi ito nagsalita sa halip ay kinabig nya ang aking bewang at marahan nya akong hinalikan sa leeg.

"Gino--"

"I love you Airah. hmmm." sambit nito sa kabila ng kanyang paghahalik.

Patuloy pa rin sya sa kanyang ginagawa.
Gusto ko sana syang tulakin pero may nagtatalo ang aking isip at katawan ngayon.
Aminado kasi ang katawan ko na masarap ang ginagawa nito sa akin, pero naisip ko bigla na hindi pa kami magkarelasyon para gawin ito.

Marahan kong hinawakan si Gino at inihiwalay ko sya sa aking katawan.

"Gino, this is not the right time. Magpahinga na tayo." saad ko sa kanya.

Medyo nalungkot naman ako dahil nakita ko ang kanyang mukha na nabitin sya.

Kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang dampian sya ng halik para kahit papano ay hindi sya magtampo sa akin.

Jake POV:

Dalawang araw ng hindi pumasok sila Airah at Gino sa klase.

Dalawang araw na rin akong nag-iisip at nag-aalala sa babaeng mahal ko.

Matapos ang klase sa umaga ay napagdesisyunan kong puntahan ang bahay ni Gino para makita ko ng harapan ang kalagayan ni Airah ngayon.

Baka kasi kung ano ng ginagawang pagtatrato ni Gino sa dalaga kaya hindi ito nakakapasok.

Pagkarating ko palang ng bahay nila ay naka-lock ang pinto at mga bintana na tila ba walang tao sa loob.

Napaupo na lamang ako sa labas at naghintay sa pagbalik nila.

Nagbabakasakali kasi ako na baka may pinuntahan lang ang dalawa, pero hindi eh-- dahil naabutan ako ng tatlong oras sa paghihintay.

Kaya tumayo na ako and I decided na umalis na lamang para umuwi sa sarili kong bahay.

'Kung nasan ka man ngayon Airah, sana okay ka lang.' yan ang tanging dalangin ko sa aking isipan.

Mukhang mabubulok yata sa akin ang explosion box na ginawa ko sa kanya dahil until now ay hindi ko pa rin ito sa kanya nabibigay.

"Malas." bigkas ko sa aking sarili habang nakatingin ako sa explosion box na hawak-hawak ko ngayon.

Pakiramdam ko, nauunahan na ako sa mga kilos na ginagawa ni Gino para kay Airah.
Tsk.

Pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa at hindi ako susuko na ligawan ang babaeng mahal ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon