Chapter 88

6.7K 186 34
                                    

Chapter 88

Jake POV:

Pasulyap-sulyap ko lang na tinitingnan si Airah habang hindi ito makapaniwala sa kanyang ginawa kanina.
Samut-saring emosyon ang umaapaw sa dalaga.

I admit na namangha ako sa pagiging matapang nya sa harap ng lalaking mahal nya.

Maging ako ay hindi ko inaasahan na sasampalin nya ng buong lakas sila Gino at Sarah.

Nawalan na rin ako ng pake sa pinsan ko at di man lang ako naawa sa pagsampal sa kanya ng dalaga.

Kasi to be honest, meron na rin akong kakaibang nararamdaman rito.

Hindi na sya yung pinsan ko na kilala ko noon, masyado na syang nagiging misteryosa sa paningin ko.

I don't why, pero sinasabi ng isip ko na wag akong magtitwala sa kanya.

Pero pag-bumabalik naman sa isip ko yung kanina, bahagyang nagkaroon ng pag-asa ang puso ko dahil sa eksenang pinakita nya.

Kaso kung titingnan mo ngayon si Airah, tila nangingibabaw na ang pagiging mahina ng loob nito.
-

"Uyy teka, San mo ba ako dadalhin Jake?" sambit nito na may halong tanong sa akin nang kunin ko ang kamay nya at hilahin sya.

Dahil sa ginawa kong to ay nabalik naman sya sa kanyang sarili at natuon sa akin ang atensyon nya.

"Basta."
Tipid na sagot ko na lamang rito.

Halos inabutan kami ng ilang minuto bago namin napadpad ang park.

"Bat mo naman ako dinala dito?"
Takang tanong nya muli sa akin.

Sa halip na sagutin ko ito ay iginaya ko sya sa may upuan.

"Jake, hindi ka naman siguro pipi para di magsalita diba?"
medyo may pagkainis nya ng bigkas.

Inakbayan ko lang sya at bahagyang hinaplos ang kanyang braso.

"You can cry now Airah." mahinang bulong ko rito.

"H-huh?"
sambit nya na tila ba naguguluhan pa.

"Hindi mo man sabihin Airah, ramdam ko na gusto mo ng umiyak." Tugon ko sa kanya na may pilit na ngiti sa aking labi.

"A-ano bang pinagsasabi mo Jake?"
"--Ako? Iiyak? Hahaha hindi kaya."
"--Nakita mo naman siguro yung ginawa ko sa kanila diba? Sinampal ko pareho sila."
"--Ang tapang ko kaya!" wika nya na may halong pagtawa pa.

Hindi na lamang ako kumibo , sa halip ay iginaya ko ang kanyang ulo sa aking dibdib.

"Jake, ano bang--"

"'Ssshh, wag ka ng magsalita pa. Just cry."
"--Gusto kong maging totoo ka sa sarili mo Airah."
"--Gusto ko lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay ibuhos mo na."
"--Dahil ayoko ng makita pa na umiyak ka ulit bukas."

Pagkasabi ko non ay narinig ko naman ang paghikbi nya.

Sinunod nya nga ang sinabi ko, umiyak sya ng umiyak.

Wala eh, ito lang yung paraan para maibsan lahat ng hinanakit nya.

Hindi ako tanga at hindi rin ako manhid para di makitang nagtatapang-tapangan lang sya kanina.

"J-jake, bakit ganon? Bakit nasasaktan pa rin ako?" sambit nito sa akin.

Hindi ako nagsalita at pinakinggan na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.

"H-halos nadurog ang puso ko nung malaman kong sila na ulit ni Sarah." muling bigkas niya.

"O-oo, naging matapang ako kanina. Pero tangina, ang sakit eh!"

Ramdam ko ang bawat salitang binibigkas ng kanyang labi.

Hindi man ako yung nasa kalagayan nya, nasasaktan rin ako tulad ng nararanasan nya ngayon.

Hinayaan ko lang sya na umiyak at hinintay ko na matapos sya.

Nang maramdaman kong huminto na ito sa paghikbi ay ini-ayos ko na ang kanyang pagkakaupo.

Magkaharap na ulit kami ngayon ni Airah habang nakatingin ako ng diretsa sa kanyang mata.

"Tapos ka na bang umiyak Airah?" tanong ko sa kanya.

Marahan naman itong tumango at tanging pagsinghot na lamang ng kanyang sipon ang ginagawa nito.

"Ngayong tapos ka ng umiyak, dapat tapusin mo na rin ang lahat ng nararamdaman mo kay Gino."
"--You don't deserve him Airah."
"Tama na yung ilang beses na iniyakan mo sya dahil sinaktan ka nya."
"--Itigil mo na ang pagmamahal mo sa kanya."
"--At tutunan mong mahalin ang sarili mo." mahabang wika ko sa kanya.

"I-- I can't Jake. H-hindi ko kayang tapusin ang pagmamahal ko sa kanya." iling na sabi nito.

"I know na hindi madaling kalimutan ang pagmamahal. But trust me Airah, para sa ikabubuti mo ito."
"--Kaya ka nasasaktan dahil pinipilit mo yung taong pinagtatabuyan ka na."
"--Babae ka Airah, hindi ka aso para maghabol sa kanya."
Mahiwagang litanya ko muli.

"P-pero kasi Jake, mahal ko si Gino." pagmamatigas nyang sabi.

"Airah, hindi sa lahat ng oras, kailangan mong sundin ang puso mo."
"Minsan, kailangan mo ring pakinggan ang isip mo."
"At sa pagkakataong ito, isip mo dapat ang pairalin mo."
sambit ko sa kanya.

Sa oras na to, hinawakan ko na ang kanyang balikat para sa ganon ay makaupo sya ng tuwid.

"Makinig ka sa akin Airah, hindi mo kailangang magpakatanga sa lalaking ayaw na sayo."
bigkas ko ulit rito.

Medyo natigilan naman sya sa pagsisinghot at tila naintindihan nya ang huling katagang sinabi ko.

"A-ano bang dapat kong gawin Jake?"
"--Sa totoo lang, hindi ko na kasi alam kung paano ako magsisimula." malungkot na wika nya.

Bakas na rin sa boses nito ang pagkapaos dulot ng pag-iyak nya kanina.

"Magbago ka Airah."
"--Baguhin mo ang ugali mo." suhestyon ko naman na sabi sa kanya.

"A-ano?" Tila hindi makapaniwalang tugon nito sa akin.

Ngumiti lang ako ng bahagya at tinapik ko ng marahan ang kanyang balikat.

"Dapat mong baguhin kung ano ka Airah."
"Alisin mo na yung ugali mong pagiging mabait, gusto ko palitan mo yun ng pagiging palaban."
"--Palaban na totoo at hindi na masyadong iyakin." paliwanag ko rito.

Siguro naman, alam nya yung nais kong ipunto.

Matagal-tagal rin bago sya nakapagdecide na labis ko namang ikinatuwa ng husto.

"Hindi ko maipapangako na magagawa kong baguhin ang sarili ko Jake, pero I will try."
"--Sa ngayon, ang gusto ko munang mangyari ay kalimutan na ng tuluyan si Gino." saad nya sa akin.

Sa muling pagkakataon ay tinapik ko ulit ang balikat nya.

"That's a good idea Airah. At para makalimutan sya--"
"--halika at may pupuntahan tayong dalawa."

Matapos kong sabihin yon ay tumayo na ako kasabay ng paglahad ko ng aking kamay.
Marahan nya naman itong hinawakan at sabay na kaming dalawa na naglakad habang magkahawak ang aming kamay.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon