Chapter 34
Airah POV:
Nanatili pa rin akong nakatingin kay Jutay , hinihintay ko kasi ang susunod nyang sasabihin.
Nagbabakasakali akong baka bawiin nya yon pero until now ay seryoso pa rin ang mukha nya."I-inlove ka na sa akin?" kinakabahang sambit ko rito para sa ganon maging malinaw sa akin ang lahat.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.Hanggang sa umabot ng limang segundo ay bigla itong napatawa ng malakas.
"Hahahahaha. Nakakatawa ang ekspresyon mo Airah. Pfft hahahaha." tawang -tawa na sabi nito.
Halos mamula na ang kanyang pisngi buhat ng pagtawa nya ng malakas.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o malulungkot dahil sa tinuran nya sa akin.
"Peste ka!! Ginagawa mo na lang akong katuwaan!" saad ko sa kanya.
"Hahaha nakakatawa kasi ang tanong mo Airah. Hahaha. Sa tingin mo ba maiinlove ako sayo? Look, girlfriend ko na yung babaeng mahal ko, hindi naman pwedeng mainlove ako sayo hahaha." wika nito na tila ba may pagpapaliwanag pang kasama.
I don't know why pero sa oras na to ay medyo nasaktan ako.
"Balakajan. Loko-loko!" sambit na tugon ko na lamang sa kanya at iniwan ko syang mag-isa sa lamesa at tumungo ako sa kwarto.
Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.😑
Pagkapasok ko ng kwarto ay parang nanghina ang tuhod ko kaya napaluhod tuloy ako.
"Hahaha nakakatawa kasi ang tanong mo Airah. Hahaha. Sa tingin mo ba maiinlove ako sayo? Look, girlfriend ko na yung babaeng mahal ko, hindi naman pwedeng mainlove ako sayo hahaha."
Nang maalala ko yung sinabi nya ay kusang napatulo ang luha ko.
Agad ko naman itong pinahid."Para kang tanga Airah, lumuluha ka ng walang dahilan. Yon lang, iiyak ka? Ha-ha-ha" pilit na tawa ko rin habang kinakausap ko ang aking sarili.
Bakit kahit simpleng sabi lang ni Jutay masyado akong naapektuhan?
Bakit ba kasi nararamdaman ko to?
At bakit sa kanya pa?Jutay POV:
Nag-walkout si Airah.
Tsk.
Hindi naman sya mabiro, napikon siguro.
Masyado nya yatang dinamdam ang katagang sinabi ko rito.Saka inlove?
Paano naman ako maiinlove sa tulad nya?
Simula sa umpisa palang alam nya ng may mahal na akong iba and she knows na si Sarah yon.
Hays.Tinuloy ko na ang aking pagkain at isinantabi na lamang yung nangyari kanina.
I admit na masarap nga ang linuto nyang kaldereta kaya hindi ko tuloy maiwasan na kumain ng marami.
Hindi naman sa pagmamayabang pero nakatatlong plato ako ng kanin.
Nang matapos ako ay niligpit ko na ang aking kinainan at tumungo na ako sa kwarto.
Nakita kong nakahiga si Airah na ngayon ay nakatalukbong ng kumot.
Hindi ko sana sya papansinin kaso narinig ko ang pagsinghot nya na animo'y umiiyak ito ng palihim.
Bilang boss nya ay nakaramdam ako kahit papano ng concern rito.
"Airah, are you okay?" pagtatanong ko pero deadma lang sya at tila ba hindi nya ako narinig.
"Are you crying?"
"Airah, I'm asking you."
"Airah!" pasunod-sunod na sambit ko kasi hindi nya man lang ako kinibo.
I don't have a choice kundi ang alisin ang kumot nya."Ano bah! Nagpapahinga yung tao!" saad nito sa akin.
And this time, nakita ko ang mata nyang namumula na halatang umiyak."Bakit ka umiyak?"
"Sino bang may sabing umiyak ako?"
"Malamang ako. And please Airah, don't deny. Halata na , magkaka-ila ka pa." wika ko rito sa kanya.
"Halata mo naman pala, bat nagtatanong ka pa?! At ano bang pake mo kung umiyak ako?!" balik na sambit nya sa akin.
"Airah, ano bang nangyayari sayo? Umiyak ka ba dahil sa sinabi ko?"
I don't know why pero yun ang unang sumagi sa isip kong itanong sa kanya.
Baka sakaling ito ang dahilan kung bakit sya umiyak."Hindi."
"Kung hindi yon, --anong dahilan kung bakit ka umiyak?"
I ask her again pero at this point ay hindi nya ako sinagot."Airah--"
"Pwede ba Jutay, I'm not in the mood. Kaya wag ngayon, please lang." pakiusap nito sa akin.
Pero tila ba hindi ako nakontento at kinulit ko pa rin sya."Pero Airah, I need to know your reason."
"Para San pa Jutay? Kapag sinabi ko ba ang totoo kong rason ay magbabago ang isip mo?" panghahamon nito sa akin.
"-- I- don't know." sagot ko naman sa kanya.
"That's it. Hindi mo alam."
"-- palibhasa kasi para sayo biro lang ang lahat. Pero pano naman sa taong binibiro mo ha?"
"--- Di mo alam nakakasakit ka na."
Sa sinabi nyang yon ay biglang tumulo ang luha nya."Ano bang ibig mong sabihin Airah?" tanong ko sa kanya dahil parang sasabog na yata ang utak ko.
Medyo hindi pa kasi sa akin klarado ang lahat."Airah--" sambit kong muli pero biglang nagsalita sya dahilan para mapatulala ako.
"Mahal Na kita jutay. At ang manhid mo para hindi yon maramdaman."
"Mahal Na kita kahit mahal mo ay iba"
"Mahal na kita potah!"
sambit nito sa akin.Napatitig na lamang ako sa kanya at tila walang gustong lumabas sa bibig ko.
Mahal ako ni Airah pero diba sabi nya si Jake ang gusto nya.
Tangina ang gulo."Nung una akala ko wala lang ang lahat, pero habang tumatagal nahulog na ako sayo. Kaso ang masaklap, hindi mo man lang ko sinalo. Haha, ang bobo ko noh? Bakit ba kasi hinayaan kong mahalin ka? Dapat si Jake na lang tong minahal ko, Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Haha" pilit na tawa nya habang pinapahid nya ang luha na patuloy na umaagos sa kanyang pisngi.
Sa oras na to, malinaw na nga sa akin ang lahat.
Ibig sabihin, hindi nya talaga gusto at mahal si Jake.Nanatili akong nakatitig sa kanya,
At matagal bago ako magsalita."--im sorry."
"I'm sorry Airah kung nasasaktan ka. Im sorry kung hindi kita nasalo. I'm sorry."
"--Mahal ko kasi talaga si Sarah"Kahit alam kong masasaktan sya ay sinabi ko pa rin ang totoo sa kanya.
"Okay lang. Hindi mo kailangan magsorry Gino."
"-- Hayaan mo bukas, kakalimutan kong minahal kita." ngiting sambit nito na halatang napilitan lang.
"-- at sana kalimutan mo na rin yung sinabi ko ngayon." patuloy nyang sabi.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...