Chapter 65
Jutay POV:
Matapos naming kumain sa karenderya ay nagtuloy na kami sa byahe.
Sinulyapan ko ng tingin si Sarah na ngayon ay mahimbing na natutulog sa likod ng inuupuan ko.
Siguro ay dinaan nya na lang ito sa tulog para hindi nya maramdaman ang pagkagutom.
Kahit papano naman ay concern pa rin ako sa kanya dahil nga't may pinagsamahan pa rin kaming dalawa.
Katulad ni Sarah ay nakatulog na rin si Airah sa tabi ko.
Mabuti na rin yon dahil medyo matagal-tagal pa ang byahe patungong Bicol.Sa mga oras na to , seryoso akong nagdadrive at nakatuon ang aking atensyon sa daan na tinatahak ko.
Gusto kong maging safe ang pagpunta namin sa probinsya kaya talagang dahan-dahan lang akong magmaneho.Dalawang oras palang ang nagtagal ay nakita kong nagising na agad si Sarah.
"Gino, nagugutom na ako." mahinang sambit nito na sa tingin ko ay hinahaplos nya ang kanyang tyan.
"Kanina kasi ay pinapakain ka, nag-inarte ka pa." wika ko rito.
Kung hindi sana sya namili sa pagkain at nag-inarte ay hindi sya magugutom ngayon.
"Hindi naman ako maarte Gino. Kilala mo naman ako diba? Sadyang hindi sanay ang sikmura ko na kumain ng ganon." paliwanag nya naman.
Napailing ako pero kasabay non ay inihinto ko ang kotse sa gilid kung saan malapit sa tindahan.
"Dyan ka lang at bibilhan kita ng pagkain." tanging bigkas ko rito bago ako bumaba ng kotse para bumili ng makakain nya.
Walang meaning ang ginagawa ko ngayon kay Sarah, sadyang naaawa lang ako sa kanya.
Nang makabili ako ng softdrinks at maraming biscuits ay bumalik na ako sa kotse.
"Here, kainin mo na yan para hindi ka na makaramdam ng gutom." pag-aabot ko sa kanya ng supot ng pagkain.
Mabilis nya naman itong kinuha at ngumiti sa akin."Thank you Gino. I really appreciate your effort para bilhan ako ng makakain." wika nito.
"Tsk, kumain ka na lang." iling na sabi ko sa kanya at pinaandar ko na muli ang kotse.
Buti naman at tulog pa rin hanggang ngayon si Airah, dahil kung magkataon na nakita nyang binilhan ko ng pagkain si Sarah ay tiyak na magseselos at magagalit sya sa akin.
-
-
-
Hindi naglaon ay nakarating na nga kami sa Bicol, kung saan narito kami sa lugar ng Albay.Nadaanan pa namin ang kilalang Bulkan na Mayon na sobrang gandang tingnan.
Sa isang malaking mansion ko inihinto ang aking kotse, kung saan maraming guards ang nakabantay.
Agad na lumabas si Sarah na animo'y excited na excited itong makita ang binigay ko sa kanya na mansion.
Hindi ko na lamang muna pinansin ito dahil mas inuna kong atupagin si Airah na ngayon ay tulog pa rin.
Kahit kailan talaga, tulog mantika ang babaeng to.
"Airah, gising na." sambit ko sa kanya habang pinipindot-pindot ko ang kanyang pisngi.
Unti-unti ay napamulat ang kanyang mata.
"Hmmm, nasa bicol na ba tayo Jutay?" tanong nito sa akin na kinukusot-kusot nya pa kanyang kamay.
"Yes Airah. Nandito na nga tayo sa Bicol. Halika na at bumaba na tayo." ngiting sabi ko naman.
Ngumiti naman ito sa akin at tumango.
Sabay na nga kaming dalawa na bumaba at base sa kanyang nakita ay halos malaglag ang panga nito.
Nakatingin kasi ako sa reaksyon ng mukha ng babaeng mahal ko."Wow. Sobrang ganda pala ng mansion nyo dito Jutay." Medyo malakas na bigkas nito.
Inakbayan ko naman sya kasabay ng paghaplos ko sa kanyang buhok.
"Magiging mansion mo na rin yan Airah." sambit ko rito.
"--Huh?" Takang tanong nya.
"Yang mansion na yan, para sa atin yan."
"--Gusto ko kasi kapag naging tayo ng dalawa, dito tayo magsimula at gumawa ng masayang ala-ala." Wika kong muli.Nagulat naman ako dahil sa biglaang pagsingit ni Sarah sa usapan namin ni Airah.
"Gino, akala ko ba bibigyan mo ako ng mansion?"
"--Bakit ngayon sinasabi mo na para na kay Airah ang mansion na to!" sambit nito na may pagkainis ang tono.Huminga naman ako ng malalim para makapagpaliwanag ako ng maayos.
Inalis ko na rin muna ang aking kamay na naka-akbay kay Airah at hinarap ko ng diretsa si Sarah.-
"Oo Sarah, bibigyan nga kita. Pero hindi ang mansion na to." saad ko sa kanya.Dahil sa sinabi ko ay mas lalo itong nainis.
"Ano bang ibig mong sabihin ha?!" mataas na boses na tanong nito.
"Meron pa akong ibang mansion dito sa Albay, at yung isa don ang ibibigay ko sayo." sagot ko naman para maging malinaw sa kanya ang lahat.
"Okay fine."
"--But I want to see first yung sinasabi mong mansion na ibibigay mo sa akin." tanging sabi nito na tila gusto nya agad na sundin ko sya."Mamaya na Sarah, magpahinga na muna tayo." sambit ko sa kanya kasabay ng pagpasok ko sa loob.
Marami na akong nahahalata sa kinikilos ni Sarah.
Masyado na syang kakaiba na parang bossy na sya kung umakto.Lumingon muli ako para tingnan kung sumunod sa akin ang babaeng mahal ko, pero hindi eh, sa halip ay kausap na rin nya si Sarah.
Hindi na ako nag-atubling pakinggan pa ang pag-uusap nila at hinayaan ko na lamang silang dalawa.
Airah POV:
Masyadong napaghahalataan na uhaw na uhaw ang babaeng si Sarah sa kayamanan.
Talagang gusto nya yung agad-agad ay masunod ang hiling nya.Kaya para matigilan na sya ay hinarap ko ito para kausapin at nang matauhan sya kahit papano.
"Hindi ko alam kung gaano kakapal ng make-up ang ilinagay mo sa mukha mo Sarah."
"Kasi kung makapagsabi ka kay Gino, akala mo Bossy ka." nakapamewang na sambit ko sa kanya."--Ikaw na nga tong humingi, hindi ka pa makapaghintay." muling saad ko rito.
"So what? Pake mo ba Airah? Tsk." palaban na bigkas nya.
Ngumisi naman ako at linapitan sya ng husto.
"Im just concern Sarah, nagmumukha ka kasing kawawa sa paningin ko." wikang sabi at linampasan ko na sya.
Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa mansion ay pina-inggit ko muna ang isang tulad nya."Grabe! Pagmamay-ari ko na rin pala ang mansion na to! So beautiful ! Para tuloy akong prinsesa!" masayang sambit ko habang may malawak na ngiti sa aking labi.
"Wag kang masyadong kampante Airah, dahil ang lahat ng yan-- mawawala rin sayo." pahabol na pagbabanta ni Sarah na nasa likod ko.
Base sa sinabi nya ay halatang may binabalak itong gawin sa akin.
Pero hindi ako nagpasindak, sa halip ay liningon ko sya at tiningnan na may panghahamon.
"Go on, hindi ako natatakot Sarah." matapang na saad ko rin sa kanya.
Kung ano man ang pinaplano nito, kailangan kong maging handa.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...