Chapter 70

7.5K 163 1
                                    

Chapter 70

Jutay POV:

Bantay-sarado ako ngayon kay Airah.
Ni hindi nya ako magawang bitawan sa mga oras na to, dahil nga't nagseselos sya sa mga babaeng lumalapit sa akin.
Maging sa pagbili ng pagkain ay sinamahan nya pa ako.

Gwapo kasi ako at matikas  ang pangangatawan kaya hindi na sa akin bago na lapitin ako ng babae.

"Hindi ka pa ba maliligo?" tanong ko sa kanya habang busy sya sa pag-nguya ng chichirya sa kanyang bibig.

"Gusto ko sana, kaso bawal eh." sagot nito sa akin.

Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi.

"Bakit naman?"

"Meron pa akong regla ngayon." tipid na sambit nya bilang paliwanag.

"Masyado namang matagal ang pagreregla mo Airah, baka maubusan ka na nyan ng dugo." wika ko sa kanya.

"Wag ka ngang O.A."
"--Hindi ako mauubusan ng dugo dahil natural na to sa aming mga babae." saad nito.

Napailing na lamang ako sa kanyang tinuran.

Kung sabagay, wala naman akong alam sa pagreregla dahil sa babae lang yon nangyayari.

"Pano yan? Ako lang pala itong maliligo?" muling sambit ko.

"Yup. Ikaw nga. Panonoorin na lang kita Jutay."
"--at alam mo naman siguro ang mangyayari sayo kapag nakipag-usap ka sa ibang babae diba?" ngising sabi nya para ipaalala sa akin ang kanyang pagbabanta.

"Hindi na lang ako maliligo."
"--I prefer na maglibot-libot na lang tayo dito sa beach." saad ko rito.

Nakakaawa naman kung pira-pirasuhin nya ang Junior ko kung magkataon na may maka-usap akong babae.

-

Holding-hands kami ngayon na naglalakad ni Airah sa white sand.
Dinadama namin ang amoy at hangin sa lugar na to.

"Look, ang cute nung dog oh." parang batang sambit ng babaeng kasama ko habang tinuturo nya yung aso na hawak-hawak nung may-ari.

"Mahilig ka ba sa aso?" tanong ko rito.

"Hmm, hindi ako mahilig sa aso. Nacucutan lang ako sa itsura nila." sagot nya sa tanong ko.

"Halika, doon tayo." hilang sambit muli nito sa akin.

Sa paghihila nya ay napadpad kami sa isang coconut tree.

"Dito tayo tatambay." bigkas nya kasabay ng pag-upo kaya umupo na rin ako.

Isinanday nya ang kanyang ulo sa aking balikat at hinawakan ang aking kamay.

Medyo nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa pero maya-maya ay bigla syang nagsalita.

"Jutay, naalala mo pa ba yung una nating pagkikita?" mahinang tanong nito na tila ba binabalikan nya ang araw kung saan una kaming nagkakakilala.

"Yeah." tipid na sagot ko at napangiti ng wala sa oras.

"Grabe, dahil sa dare prank ng mga kaibigan ko, humantong tayo sa ganito. Hahaha, tapos nakaka-intense masyado yung mga araw na nandon pa ako sa mansion nyo." masayang wika nito.

"Napaniwala ko kasi ang mom at ate mo na nabuntis mo ako." muling patuloy na kwento nya.

"Ang dami na rin pala nating pinagdaanan Jutay, pero tingnan mo-- magkasama pa rin tayong dalawa."
"--Sana hanggang dulo, tayo na nga talaga noh?" saad nya kasabay ng pagtingin nito sa aking mata.

"Of course Airah, tayo pa rin hanggang dulo." ngiting tugon ko naman.

"Talaga? Promise ba yan Gino?" paninigurong sambit nito.

"Yes. Pangako Airah." 

Matapos kong sabihin yon ay bigla nya akong yinakap ng mahigpit.

"Thank you Jutay. Thank you dahil nakilala kita."  malambing na pahayag nya.

Ewan ko, pero parang kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na to.

Kinakabahan ako na may kasamang takot.

Pero agad ring napawi yon nang halikan ako ni Airah sa pisngi.

"I love you." mahinang bigkas nya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong sabi mo?" tanong ko rito para makasiguro at maging malinaw sa akin ang sinasabi nya.

"I said, I love you."

Dahil sa pag-uulit nya ay napangiti ako ng abot tenga.

"So tayo na ba Airah?" walang paligoy-ligoy na tanong ko habang umaapaw ang saya sa damdamin ko.

"Alam kong masyadong mabilis pero hindi ko na pipigilan pa ang sarili at puso ko kaya --'Yes Jutay'. Sinasagot na kita."
"--Tayo na--"

Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin nang hagkan ko ang labi nya para halikan.

"Thank you Airah."
"--i love you." sambit ko nang maghiwalay ang labi namin.

Hindi ko lubos-maisip na sa araw na to,
magiging kami na ng babaeng Mahal ko.

Airah POV:

I'm proud to say na, 'Im in a relationship with Gino' right now.

Sa tingin ko, tama ang naging desisyon kong sagutin sya.

Wala naman kasi yan sa tagal ng panliligaw, as long as kilala mo na yung tao.
At sa lagay namin ngayon, alam ko sa sarili ko na kilalang-kilala ko na sya.

And beside mahal ko si Jutay, at hindi ko ipagkakaila yon.

Alam ko rin na kapag nalaman ito ni Jake ay masasaktan sya, but I know na ma-iintindihan nya yon dahil Jake is a good person.

"Masyado mo akong pinasaya ngayon, Airah."
"--Eto na yata yung hindi ko makakalimutang araw sa buong buhay ko." ngiting sambit ni Gino habang nakahiga na ako sa kanyang binti.

"Pareho lang tayo Jutay noh? Pero ang pinagkaiba lang, hindi ko makakalimutan lahat ng pinagsamahan nating dalawa." wika ko sa kanya.

Naging memorable ang pagpunta namin sa beach kahit na hindi kami naligo.

Naging seloso rin si Jutay at tila gustong manuntok ng tao nung may lumapit sa akin na lalaki para hingin ang number ko, pero syempre sinabi kong may boyfriend na ako.

Pero all in all naman, naging masaya kaming dalawa dahil na rin sa kalokohang ginawa namin.

And as of now, narito na ulit kami sa mansion ni Gino.

"Airah, ano bang gusto mong gawin bukas?" tanong nya sa akin nang pumasok kami sa kwarto.

"Hmmmm gusto kong mag-hiking tayo." bigkas ko naman na may halong pagka-excited sa aking boses.

Hindi ko na rin kasi yon nararanasan.

"Kung yan ang gusto mo, sige. Bukas na bukas, magha-hiking tayo." tugon nya sa akin.

Hindi nga ako nagkamali na sinagot ko si Gino kasi lahat yata ng gusto ko ay sinusunod nya para lang mapasaya ako.

"Take a rest ka na muna Airah, ipagluluto lang kita." saad nito.

I feel so special dahil sa mga ginagawa nya sa akin.

"Okay. Make sure na masarap ang pagkaluto mo." naka-smile na sabi ko sa kanya.

"Of course, pasasarapin ko, dahil magpapatulong ako kay yaya." kindat na sambit nya bago sya lumabas ng kwarto.

Humiga muna ako sa kama para makapagpahinga.

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may boyfriend.
Actually, eto yung unang beses kong magkaboyfriend.
At isa lang ang masasabi ko, yon ay maswerte ako dahil si Gino yung tinibok ng puso ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon