Chapter Fourteen«««

11.2K 310 7
                                    

Chapter 14

Airah POV:

Umalis na ako sa harapan ng dalawa dahil hindi ko na kayang tingnan ang mga ito na naglalambingan.
Kanina pa kasi nakayakap si Sarah kay Jutay at tila ba ayaw na nitong kumalas.
Pinagsisihan ko tuloy na pumayag sa alok ni Jake na mag-aral dito.

Nang makapasok ako sa kwarto, nakita ko naman na medyo busy sa pag-aasikaso ng mga libro ang lalaki.

"Okay na ba ang pakiramdam mo Airah?", lingon na tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako kasabay ng pag-upo.

"Hmm, okay na ako.", tipid na sagot ko.
Ang totoo n'yan, hindi ako uminom ng tubig dahil mas tinuon ko ang aking atensyon sa pagkakausap kay Jutay.

"So magsimula na tayo.", muling sabi niya at kinuha ang isang libro sa Math. Binuklat na nito ang pahinang i-rereview namin.

Gaya ng sinabi niya, nagsimula na nga kaming mag-aral. Pero sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Jake, bigla kong narinig ang boses ng dalawa sa labas. Nawala tuloy ang focus ko sa pag-aaral bagkus natuon na ang aking pandinig sa tawanan nila Sarah at Jutay.

"Wag na bhoo. Hahaha.",

"Ano ba bhoo, nakikiliti ako. Hahaha.",

"Bhoo naman eh, 'wag dyan haha.",

"Bhoo tama na, haha shet!",

Mga tawang narinig ko mula sa bibig ng dalaga. Rinig ko rin ang tawa ng lalaki na alam kong nasisiyahan siya sa kanilang ginagawa.

"Tsk. Ang arte.", wala sa sariling sambit ko.

"Huh? Sinong maarte Airah?", kunot-noo na tanong ni Jake sa akin.

"Ahm, yung math. Masyadong maarte, nakakainit ng ulo.", matigas na bigkas ko kahit ang totoo, hindi naman math ang tinutukoy ko.

"Oo nga eh, masyadong maarte ang math. Ang dami kasing problema hahaha.", natatawang wika niya at nakita ko ang lubog nitong dimples sa magkabilang pisngi.
Hindi ko tuloy lubos maisip na pinsan nito si Sarah. Kasi si Jake, ang bait niyang tao.Samantalang si Sarah,mukhang hindi ko yata gusto ang ugali niya.
Siguro ito ang dahilan kung bakit ayaw ng pamilya ni Jutay sa kanya.

Halos dalawang oras rin kaming nag-aral sa math. Kaya napag-isipan naming magpahinga dahil nakakalito talaga ang mga equation sa subject na 'to.

"Bibili muna ako sa labas ng makakain natin.", paalam ni Jake sa akin. Hinawakan ko ang braso nito at tumayo na rin.

"Sama ako sayo.", tipid na sambit ko.

"Are you sure? Mainit ang panahon kaya baka sumakit pa lalo ang ulo mo.", wika ng lalaki na tila ba nag-aalala.

"Hindi naman. Besides, nakakaboring kasi. At gusto kong maglakad-lakad.", saad ko sa kanya para payagan ako na sumama.

Ayoko naman kasing maiwan dito dahil nakakarindi ang tinig at boses nila Sarah.

"Oh sige. Magdadala na lang tayo ng payong.", tanging tugon ni Jake at inakay na ako palabas ng kwarto.
Hawak ngayon ng binata ang aking kamay at yung isang kamay nito ay bitbit ang payong.

"Oh? Saan kayo pupunta pinsan?", agad na tanong ng babae.

"Sa labas, bibili ng makakain.", turan niya rito.

"Bibili ba talaga? Baka naman magde-date lang kayo.",muling sabi ni Sarah.

Pero sa puntong 'to,
nakatingin ako kay Jutay na bakas ang kakaibang ekspresyon sa mukha.
At teka nga lang, ba't parang nakatingin siya sa kamay naming dalawa ni Jake?

"Ikaw talaga pinsan, bibili lang kami. Pero kung pumayag si Airah na gawing date ang paglabas namin, why not diba?", wikang tanong ni Jake.
Biglang kumabog ang puso ko kasabay ng pagtingin ko sa aking katabi na diretsa namang nakatingin sa mata ko.

"Ayieeeh, binata ka na talaga pinsan. And I'm so happy for you. Bagay kayong dalawa ni Airah, right Bhoo?", kinikilig na baling nito kay jutay.

"Hindi.", mariing sagot ng lalaki na aming ikinagulat.

"Huh? What do you mean na hindi?", takang tanong ni Sarah.

"Hindi sila bagay. Look, gwapo ang pinsan mo kaya bagay siya sa magandang babae.", walang ekspresyon na paliwanag nito.

Potah! So pinaparating niya na pangit ako? Tangina lang!

"Bro, wala sa itsura yan. And besides, katulad ni Airah ang tipo ko. Kaya para sa akin, siya ang pinakamaganda sa mata ko.", saad naman ni Jake para ipagtanggol ako.

Pero shemay! Ba't ganyan ang lumalabas sa bibig niya?

"Tsk.", tanging sambit nito.

"Oh pano, mauna na kami. Medyo malayo kasi grocery store kaya magsisimula na kaming maglakad.", paalam ni Jake at tumalikod na kaming dalawa.
Palabas na sana kami ng bahay kaso bigla ulit nagsalita si Jutay.

"May taxi naman ha? Talagang maglalakad kayo? Tsk. Masyadong mainit ang panahon kaya gamitin niyo ang utak niyo.",

Hindi ko alam pero iba ang dating ng boses niya sa sinabi nito. Kaya hindi na ako nakapagtimpi at ako na mismo ang humarap sa kanya.

"Pake mo ba? Ikaw ba ang maglalakad? Hindi naman diba? Kaya wag kang magsalita ng ganyan dahil hindi ikaw ang maiinitan. At gamitin ang utak? Hindi mo ba nakikita na may dala kaming payong? Tsk. Ikaw yata 'tong hindi gumagamit ng utak. Putak ka lang ng putak.",

After kong sabihin 'yon, ako na mismo ang humila kay Jake palabas.
Hindi ko na nagawang lumingon pa sa kanila dahil masyadong kumukulo ang dugo ko kay Jutay.

"Sorry Jake, hindi ko napigilan ang sarili ko.",hinging paumanhin ko rito nang makalabas kami.

"You don't need to say sorry Airah. Ako nga ang dapat na magsorry sa'yo dahil sa mga sinabi ni bro.", wika nito sa akin.

"Alam mo? Nagtataka nga ako dahil ngayon ko lang nakita na ganon 'yon, hays.", muling sabi niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito.

"Pa'no mo naman nasabi 'yan? Gaano ba kayo ka-close ni juta--este ng lalaking 'yon?", tanong ko rito na muntik pang mapadulas ang dila ko.

"Kung close lang ang pag-uusapan, sobrang close talaga kami.",
"--Naalala ko nga ang sinabi niya sa akin noon, na susuportahan niya ako sa babaeng magugustuhan ko.Pero ngayon, ewan ko ba at ang gulo niya masyado.", mahabang litanya nito.

"Bakit mo kasi sinabi 'yon? Hindi naman ako maganda kaya dapat 'di mo na lang ako pinagtanggol.",

"No Airah, hindi pagtatanggol ang ginawa ko. Ginawa ko 'yon dahil alam kong maganda ka. Alam mo, mabuti na lang talaga at hindi kayo magkakilalang dalawa. Kasi kung magkataon, iisipin kong nagseselos lang 'yon sa akin.", muling wika ni Jake.

Teka? Magseselos? Nagpapatawa ba siya?

"Pero yung sinabi ko kanina Airah, hindi 'yon biro. Ikaw talaga ang pinakamaganda sa mata ko. Kaya nga, ikaw ang tipo kong babae.", bigkas ng binata sa akin.
Napahinto naman ako sa paglalakad at gano'n din sya.

"A-anong ibig mong sabihin?",tanong ko rito na medyo kinakabahan.

"I like you Airah, matagal na.", walang alinlangan na pagtatapat nito.

Tila tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ako makasalita dahil talagang nagulat ako.

"Don't worry, hindi ko naman hinahangad na magustuhan mo rin ako. Basta 'wag mo lang akong pigilan na magustuhan ka Airah.",sambit nito sa akin at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

Maraming nangyari sa araw na 'to at sobrang naguguluhan ako.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon