Chapter 22»»

10.2K 299 4
                                    

Chapter 22

Airah POV:

I can't control myself right now, masyado ng pa- fall si Jutay. Binibigyan niya akong dahilan para mahulog ako sa kanya.
Aminado ako na medyo kinikilig ako sa bawat katagang binibitawan niya sa akin. Pero alam ko na wala 'yong malisya.

At heto kaming dalawa, magkasama pa rin sa guess room.
Hindi ko alam kung anong ipinunta niya rito. Dahil kung tutuusin, may sariling kwarto naman siya.

Bigla itong humiga sa kama at talagang inistretch pa ang kanyang katawan.
Potah! Gulong-gulo na ako sa ugaling pinapakita niya!

"Ano ba kasing kailangan mo Jutay ha?! Masyado kang istorbo. Gusto ko ng matulog.", inis na saad ko na rin.

Tumagilid lang ito ng pagkakahiga, which is nakapaharap sa akin.

"Edi matulog ka, matulog na tayong dalawa.", bigkas nito na tila ba may mapang-akit na tono.
Hindi pa ito nakontento at pinatong niya ang kamay sa aking binti.

"Masyadong malamig pala ang aircon dito. Gusto ko ng pampainit.", sambit niya ulit dahilan para ako'y kutuban ng kung ano.

"Hoy Jutay ha! Sumusobra ka na! Masyado mo na akong minamanyak!", sigaw ko rito at marahas kong inalis ang kamay niya sa parte ng aking binti.

"Tsk. Masyado ka namang sensitive. Akala mo may kamanyak-manyak sa katawan mo. 'Di naman kalakihan 'yang hinaharap mo, para manyakin kita.", wika nito sa akin.

Medyo natamaan ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa aking dibdib na hindi nga kalakihan.

"Tseehhh! Kahit flat ako, at least hot!", matapang na sabi ko pero tumawa lang ito.

"Ngayon ko lang alam na plantsa ka pala. Hahaha.", natatawang saad ni Jutay.

Bigla namang uminit ang ulo ko kaya hindi na ako nakapagtimpi pa at sinapak ko talaga siya.

"Fuck! Bakit mo ako sinapak?!", galit na tanong nito habang nakahawak sa kanyang pisngi kung saan ko siya sinapak.

"Eh gago ka kasi! Kaya kung balak mo akong pagtripan, H'WAG AKO!",

Matapos kong sabihin 'yan,kinuha ko na ang kumot at humiga na ako kasabay ng pagpikit ko ng aking mata.

"Shit, iba ka talaga Airah.", rinig kong mura nito.

At do'n naramdaman ko na ang pagtabi niya sa akin sa kama.
Napamulat tuloy ako ng aking mata ng wala sa oras.

"Tatabi lang ako sa'yo, yon lang.", agad na paliwanag nito at talagang inunahan pa ako.

"Tsk.", tanging bigkas ko na lamang at hinayaan ko na siya. Medyo antok na rin ako kaya ayoko ng makipagsagutan pa sa kanya.

Ipinikit ko muli ang aking mata at natulog na.

Jutay POV:

Nakaharap ako ngayon kay Airah na kanina pa tulog.
Hindi pa naman ako antok kaya naisipan kong pagmasdan ang mukha niya.

Napangiti na lamang ako dahil sa cute na taglay nito kapag tulog. Nakanguso kasi ito na tila ba inaakit akong halikan siya.

Shit! Dahil sa naisip ko, bigla kong naalala ang ginawa kong paghalik sa kanya noon.

Actually, maganda naman talaga si Airah. Nasasabi ko lang na panget siya para hindi siya magustuhan ng iba.
Hindi ko rin alam kung bakit simula nang malaman kong gusto siya ni Jake, nagiging madamot na ako. To the point na pati buhay niya, pinapakialaman ko.

Hinawi ko naman ang buhok na napunta sa kanyang mukha.
Napalunok ako ng laway habang pinipigilan ko ang aking sarili na hindi siya halikan.
Pero tangina! Bakit parang gusto kong nakawan siya ng halik?
Fuck! Tulog naman siya 'diba? At sa tingin ko, hindi niya 'yon malalaman kapag hinalikan ko siya.
Hayss, bahala na nga lang.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa labi ni Airah. Medyo kinakabahan ako dahil baka magising siya at sapakin muli ako.
Pero hindi eh. Hindi siya nagising nang dumampi ang labi ko sa kanya.
Ilang segundo lang ang tinagal ko at inalis ko na agad ito.
Napangiti na lamang ako at yinakap siya.

Naguguluhan man ako ngayon, pero siguro masasagot din ang katanungan sa isip ko.

Mahal ko si Sarah, pero ayokong mapunta si Airah kay Jake.

Tangina! Ang hirap ng sitwasyon ko.
Ayoko munang problemahin ito kaya ninais kong matulog na lamang.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana.
Dinilat ko ang aking mata at nakita kong nakangiti si mom sa amin habang nakapamewang.

"Goodmorning son. Hindi yata ako nainform na dito ka natulog sa tabi ni Airah.", saad nito sa akin.

Napalingon ako sa aking tabi na ngayon ay tulog pa rin ang dalaga.

"So kumusta ang tulog mo Gino? Masarap ba?", muling wika niya.

Napailing akong bumangon sa pagkakahiga at tumayo.

"Hmmm.", rinig kong bigkas ni Airah habang nakapikit pa.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at napabalikwas ng bangon nang makita nito si mom.

"G-goodmorning po. Sorry, nasarapan ako ng tulog.",hinging paumanhin niya.

"It's okay Airah. I understand. By the way, ready na ang almusal. Kaya bumaba na kayong dalawa at uumpisahan na nating pag-usapan ang tungkol sa pagiging yaya mo.", mahabang litanya ng aking ina. Tumango naman si Airah bilang tugon.

Kaya nang lumabas si mom ng kwarto, tiningnan ko si Airah na ngayon ay nakahawak sa kanyang labi.

"Sayang hindi ko man lang nakita sa panaginip ang lalaking humalik sa akin.", mahinang bigkas niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano?
Kasi totoo naman talaga na hinalikan ko siya. Kaso nga lang, para sa kanya panaginip 'yon.

"Sumunod ka na lang na bumaba at mauuna na ako.", paalam ko rito.

Pero bago ako tuluyang lumabas, may pinahabol pa akong salita.

"Nga pala, swerte ng lalaking nasa panaginip mo, nahalikan ka.", ngising bigkas ko.

Medyo nagulat naman siya sa aking sinabi kaya ngiti akong bumaba.
Habang tumatagal, medyo nakilala ko na ang ugali ni Airah. At isa lang ang masasabi ko, masyado siyang interesting.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon