Chapter 51

8.9K 236 8
                                    

Chapter 51

Airah POV:

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa sinabi ni Jutay sa akin.

Para kasing imposible naman na gagawin nyang hiwalayan si Sarah mamaya.

Medyo naiilang tuloy ako sa mga oras na to dahil naka-akbay sa akin ngayon si Jutay at paminsan-minsan ay tinititigan nya ako.

Kanina ko pa gustong alisin yung kamay nito sa aking balikat pero masyado syang malakas at talagang nakadiin pa ang kanyang braso sa akin.

Rinig ko na rin ngayon ang mga chismisan at bulungan ng iba kong kaklase.
Nang tapunan ko ng tingin si Jake ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha, maya-maya ay binaling nya na lamang ang kanyang tingin sa unahan.

Sa pangalawang pagkakataon, nasaktan ko na naman ang taong nagmamahal sa akin ng totoo.

"Fuck! Stop staring at him!" mariing bigkas ni Jutay sa akin nang madakip nya akong nakatitig kay Jake.

Ramdam ko ang selos na umaapaw sa kanya ngayon nang makita ko ang pamumula ng kanyang pisngi dahil na rin sa galit.

"Pake mo ba kung gusto kong tingnan si Jake? Mata ko to, kaya wala kang karapatan na pigilan ako." Sambit ko sa kanya na may kasamang pag-iirap pa.

Minsan nakaka-highblood na rin ang gagong to.

Kaso ganon na lamang ang gulat ko nang kabigin nya ang aking katawan papunta sa kanya.
Kaya ang posisyon naming dalawa ngayon ay nakasanday ako sa kanyang dibdib.

"Gusto ko sa akin ka lang dapat nakatingin Airah."
"--Cause I fuckin jealous! Tangina!" bigkas muli nito.
Malakas kong naririnig ang tibok ng kanyang puso ngayon.

I don't know why, pero hindi ko agad sya magawang matulak palayo sa akin.

Kaya tumagal ng ganoon ang aming pwesto.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala kaming pinagmamasdan ng guro namin sa unahan.

"Mr.Gino and Ms.Airah! Tumayo kayong dalawa!" sigaw ni maam sa amin habang nakaturo pa ang kanyang daliri sa pwesto namin ni Jutay.

Mabilis naman akong tumayo at napayuko na lamang dahil sa kahihiyan na inabot ko.
Padabog ring sumunod na tumayo si Jutay at matapang itong nagsalita.

"What?!" tanong nitong na may mataas na boses.

"Kanina ko pa kayo pinagmamasdan na dalawa, at sa tingin nyo ba tamang magyakapan sa oras ng klase ko?!" galit na saad muli ng guro.

Ngayon takot na takot ako dahil sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang mapagalitan ng guro.
Potah!

"Tsk. Walang mali sa ginawa namin ni Airah." wika naman ni Jutay na tila ba kampante lamang itong sumagot.

Shete naman oh!
Dahil sa pagsagot nya ay tiyak na hindi matatapos ang sermon ng guro na to.

Napa-angat tuloy ako ng aking ulo at tiningnan kung anong magiging reaksyon ng guro.

At hindi na ako magtataka pa nang makita ko kung paano umusok ang ilong nito.

"Abah ! Wala ka talagang galang Mr.Gino! Hindi ko alam kung bakit tinanggap ka pa sa University na to!" pasigaw nyang sabi kasabay non ay binaling nya sa akin ang kanyang mata.

"And you Ms.Airah Magalang! Naging katabi mo lang si Gino ay masyado ka ng maharot!" patuloy na sabi nya habang diretsang nakatingin sa akin.

Sa pangalawang beses ay napayuko muli ako.

Pero di ko inaasahan nang may isang taong nagtanggol sa akin.

"Hindi maharot si Airah."
"-She's my girlfriend. At natural na siguro sa magshota ang magyakapan."
"-Kaya wag mong husgahan ang babaeng mahal ko." wika ng isang lalaki sa harapan mismo ng aming guro.

Rinig ko naman ang mga 'ayieeee' ng aking kaklase na animo'y kinikilig sa litanyang binitawan ng lalaking katabi ko.

Yes, si Jutay nga!
Si Jutay yung taong nagtanggol sa akin.

Sobra nga akong nagulat dahil for the first time, nagawa nya akong ipakilala sa harapan ng maraming tao.

Pero teka-- Girlfriend?
Hindi nya pa ako girlfriend ah!

"Correction, walang tayo." bulong ko na lamang sa kanya pero ngumiti lang ito sa akin at kinindatan ako.

Sa kalagitnaan ng pang-aasar at pag-ayieee ng mga kaklase ko ay natigilan naman sila nang lumabas si Jake sa room namin.

Siguro sobrang selos na selos na sya dahil sa mga nangyari ngayon.

Ewan ko ba, pero nalungkot tuloy ako sa inakto nya.

Jake POV:

Hindi ko na nakayanan pa ang mga tilian na bumalot sa loob ng classroom namin.

Kilig na kilig ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Gino na girlfriend nya na si Airah.

Tangina, talagang hindi na yata ito magpapapigil pa.

Kung tutuusin, nagiging timer na sya dahil sa ginagawa nya.

Sila pang dalawa ng pinsan ko pero linalandi nya ngayon ang babaeng mahal ko.

Fuck!
Hindi ko hahayaan na mapunta lang si Airah kay Gino na alam lang nito ay manloko ng babae.

Jutay POV:

Shit!
Bakla mang pakinggan pero kinikilig ako ngayon dahil sa ginawa ko.

Tila kasi napaniwala ang iba kong mga kaklase dahil sa mga tinuturan nila sa amin.

"Ang swerte mo talaga Airah, akalain mo, may boyfriend kang pogi!"

"Stay strong sainyo classmates!"

"Wag mo ng pakawalan pa si Gino, Airah!"

I-ilan lamang yan sa mga komplimentong naririnig ko mula sa bibig nila para kay Airah.

Napapangiti na lamang akong mag-isa na parang baliw dahil 'si Airah pa itong sinasabihan nila na wag na akong pakawalan pa.'

"Tsk. Bakit mo ba kasi yon ginawa?" mariing tanong ni Airah nang ilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga.

"Bakit Airah? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" balik na tanong ko naman rito.

"Ewan ko sayo Jutay. Ginagawa mo na lang akong laruan sa paningin mo." galit na sambit nya.

"No Airah. Hindi kita ginagawang laruan."
"-Masyado lang kitang Mahal kaya gusto kong angkinin ka para wala ng may magtangka na agawin ka sa akin." malambing na wika ko sa kanya.

"My Ghad Gino! Ginagawa mo lang komplikado ang lahat! Dahil sayo may nasasaktan na tao!" bigkas nya sa akin na animo'y nag-aalala sya sa isang lalaki.

Kahit hindi nya sabihin ay alam kong si Jake etong tinutukoy nya.

Tangina!
Mukhang nababaling na yata ang atensyon nya sa hinayupak na taong yon!

Puta!
Kailangan ko na yatang bilisan ang kilos ko para hindi ako magsisi sa huli.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon