Chapter 45

9.3K 250 2
                                    

Chapter 45

Jutay POV:

Abot tanaw ko na lamang si Airah na pumasok patungong kwarto.
Hindi ko na nagawang sundan pa sya dahil alam kong nagtatampo ito sa akin.

Tangina lang kasi eh, bakit pagdating kay Airah parang natotorpe akong ligawan sya?

Oo, natotorpe ako!
Fuck! Baka kasi macornihan sya sa gagawin ko.

Hindi tuloy ako mapakali ngayon habang iniisip ko kung paano ko susuyuin si Airah.

Dati naman pagdating kay Sarah hindi ako nahihirapan pag-ganito ang nangyayari.

Hays!

Dahil wala akong maisip na paraan ay wala akong choice kundi ang humingi ng tulong sa barkada ko.

Expert kasi sila pagdating sa ganitong bagay.

Dinukot ko na ang aking cellphone at dinial ang number ng barkada kong si Aron.

"Bro, napatawag ka yata?"
Eto agad ang tanong na lumabas sa kanyang bibig .

"Kailangan ko ng tulong mo bro." mabilis na sabi ko rito at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Ano ba yon bro ha? Base sa pagkasabi mo ay mukhang seryoso ka yata at malalim ang problemang dinadala mo." Wika naman nito.

"Hays, nagtatampo kasi yung babaeng mahal ko at hindi ko alam kung paano ang sumuyo." Nahihiya ko pang saad sa kanya.

Narinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa.

"Hahaha Tangna bro, akala ko kung ano ng problema mo! At himala, ngayon ka lang ulit tumawag sa akin. Talagang patay na patay ka kay Sarah." sambit nya sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa tinugon nya.

"Bro, hindi si Sarah yung tinutukoy kong babaeng mahal ko. Ibang babae to bro." pagkokorekta ko rito.

"You mean, pinagpalit mo agad si Sarah?"

"Hays bro, ang dami mong tanong. Tulungan mo na lang ako, kahit saan tuloy napupunta ang usapan natin eh." saad ko sa kanya na may pagkainis na rin sa aking boses.

"Okay, okay. Ano nga ulit yung tanong mo bro?" Tanong nyang muli.

"Ang tanong ko, kung paano susuyuin ang babae? Nagtatampo kasi yung babaeng mahal ko."

"Bro ganito lang yan, kung anong dahilan ng kanyang pagtatampo , yon yung gawin mo."
Sagot nya sa aking tanong.

"Ano bang ibig mong sabihin bro?"

"Tangna bro, ang hirap mong paintindihin sa ganitong bagay eh."
"--Ang sinasabi ko bro, gawin mo yung gusto nya. Kung dahilan ng pagtatampo nya ay yung tsokolate ay bilhan mo, ganon lang kadali." paliwanag nito.

Medyo nagets ko naman kahit papano ang sinasabi nitong barkada ko.

Ang kaso nga lang, ang dahilan ng pagtampo nya ay yung panliligaw eh.

Fuck. Bahala na!

Liligawan ko na nga sya para maalis na ang tampo nya sa akin.

Nagpasalamat naman ako kay Aron kasabay ng pagbaba ko ng tawag, kahit papano nakatulong pa rin sa akin ang gago kong kaibigan.

Binalik ko na ulit ang aking cellphone sa bulsa at tumungo na ako sa kwarto.

Pagkapunta ko roon ay nakita ko agad si Airah na nakahiga habang nakatagilid ito sa kama.

Dahan-dahan naman akong umupo sa gilid ng kama.

"Airah." tawag ko sa kanyang pangalan.

Pero hindi sya nagsalita at tumalukbong sya ng kumot.

"Airah, alam kong nagtatampo ka."
"--kaya sige, susubukan kong ligawan ka." Patuloy kong sabi ko.

Sa tingin ko ay narinig nya yon dahil sa bigla nyang inalis ang kumot sa kanyang mukha.

"Kung napipilitan ka lang, wag na." Cold nitong tugon sa akin.

"Airah--"

"Jutay, bakit ba kasi ang hirap sayo na ligawan ako? Pero pagdating kay Sarah parang ang dali lang para sayo na gawin yon sa kanya." saad nito.

"Hindi ko tuloy alam kung mahal mo ba talaga ako o hindi." wikang patuloy nya sa kanyang sinabi.

"Airah, mahal kita. At wag mong isipin yan. It just like--"

"It just like ano? Na hindi ako worth it ligawan? Ganon ba yon Jutay ha?" bigkas nito na talagang sya na yung dumugtong sa mga salita.

Hinawakan ko naman ang kanyang kamay kasabay non ay hinalikan ko pa ito.
Pero agad nya itong binawe.

"Matutulog na ako kaya wag ka ng maingay dyan." Sabi nito na halatang may panlalamig pa rin sa kanyang boses.

"Hays Airah, please wag ka namang ganyan. Hindi ako sanay."
"--Tangina, kung alam mo lang gustong-gusto kitang ligawan pero baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko." Wala sa oras ay napaamin ako sa totoo kong dahilan.

"Hindi ako expert sa panliligaw Airah." muli kong sabi .

"Wala naman akong pakialam kung hindi ka expert Jutay. Tsk."
"--Buti pa si Jake , talagang pinaparamdam nya sa akin na mahal nya ako." wika nito sa akin.

Sa pagkabanggit nya palang ng pangalan ng humag na yon ay kumulo agad ang dugo ko rito.

"Fuck Airah, wag mong banggitin ang pangalan ng lalaking yon."

"At bakit hindi ? Totoo naman eh. Sobrang sweet ni Jake sa akin, sobrang concern tapos yung panliligaw nya sa akin halatang di pilit." saad nya na medyo may kataasan na sa kanyang boses.

Napasuklay na lamang ako ng aking buhok gamit ang kamay.

Puta! Naiinis ako!

Parang pinamumukha nya sa akin na mas magaling at mas better si Jake.

"Airah, alam kong hindi ko kayang gawin yung mga ginagawa ni Jake sayo pero tangina, kaya naman kita mahalin higit pa sa ginagawa nya sayo." kalmang sabi ko rito.

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapamura.

"I love you Airah, corny mang pakinggan pero shit talagang patay na patay na ako sayo kaya hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na ligawan ka dahil nga pagdating sayo gusto kong maging perfect ang lahat." Sambit ko sa kanya.

"Pero Jutay hindi mo naman kailangan maging perfect eh. Ang point ko lang naman yung iparamdam mo sa akin yung pagmamahal mo. Mahirap ba yon gawin?"
bigkas naman nito na bakas sa kanyang mata na medyo nasasaktan sya.

This time, humiga na ako sa tabi nya at patalikod ko syang yinakap.

"Kaya nga ipapakilala kita sa magulang ko Airah para sa ganon maging legal na tayong dalawa sa mata nila. Alam kong sobrang bilis para sayo ang pangyayari pero pangako kahit maging tayo man, araw-araw ko namang ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal" wika ko sa kanya at kasabay non ay padampi kong hinalikan ang kanyang leeg.

"Mahal na mahal talaga kita Airah, to the point na halos gusto na kitang angkinin para hindi ka na maagaw sa akin." patuloy kong sabi rito.

Tangina, ngayon lang ako naging baliw sa babae.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon