Chapter 50

9K 239 14
                                    

Chapter 50

Jutay POV:

Hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatingin ako kay Airah na ngayon ay papasok na sa kwarto.

Hanggang ngayon ay paulit-ulit na sumasagi sa aking utak ang huling salitang iniwan nya.

Marahas kong sinuklay ang aking buhok gamit lamang ang kamay ko.
Sinipa ko na rin ng maliit na mesang kaharap ko.

Fuck!

Kapag naging silang dalawa, unti-unting malalayo sa akin ang loob ni Airah.

"Tangina, ipaglalaban na kita Airah."

Wala sa sariling bigkas ko nang mapagdesisyunan ko ang aking gagawin.

Hindi ko hahayaang matuloy ang pagsagot nya kay Jake at hindi ko hahayaang maging sila.

Akin lang si Airah.
Akin lang ang babaeng mahal ko!

Airah POV:

Alam kong mali yung sinabi ko kanina,
at alam kong mali na sagutin si Jake para lang ipaglaban ako ni Jutay.

Pero nasabi ko lang yon dahil hindi ko na napigilan ang galit ko sa kanya dahil sa mga pinakita nya sa akin nung nandito si Sarah.

Sa totoo lang, ang sakit-sakit na kasi.

At siguro, tama na yung sakit na dinulot nya sa akin.

Sasagutin ko si Jake para sa ganon matutunan ko syang mahalin at para sa ganon mabaling na rin ang atensyon ko sa kanya.
Yun talaga ang dapat kong sasabihin kay Jutay pero dahil nadala ako ng galit ko ay yun ang lumabas sa bibig ko.

Mabilis na lumipas ang oras, kaya ngayon ay panibagong araw na naman.

Magkatabi kami ni Jutay na tumulog sa isang kama pero hindi ko sya pinansin at tila ba hindi ko sya nakikita.

Sabay rin kaming nagising na dalawa pero hanggang ngayon ay nakahiga pa rin kami.

Pero sa puntong ito ay tumagilid sya ng higa kung saan nakaharap sa akin.

Pinigilan ko ang sarili kong hindi lumingon sa kanya kaya pumikit muli ako para sa ganon kahit sa gilid ng aking mata ay hindi ko sya makita.

Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na hinawi ang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

"Airah."
"--yung sinabi mo kagabi, gusto kong bawiin mo yon." mahinang sabi nya na alam kong nakatitig pa rin sa akin.

Hindi ako umimik dahil hinihintay ko kung may sasabihin pa ba sya.
At tama nga ako dahil bigla ulit syang nagsalita.

"Airah, pakiusap- wag mong ituloy na sagutin si Jake." wika nyang muli.

Huminga ako ng malalim at iminulat ko ang aking mata.

Matapang ko syang tinitigan at mapakla akong ngumiti.

"May sasabihin ka pa ba?" bigkas na tanong ko sa kanya.

"-Kung wala ka ng sasabihin, magluluto na ako ng almusal natin." patuloy kong wika at akma na sana akong tatayo ng harangin ako ni Jutay.

"Ano ba! Tatayo na ako. Kaya pwede ba, alisin mo ang braso mo!"  sigaw ko sa kanya at tinutulak-tulak ko pa sya.

Dahil sa masyadong malakas si Jutay ay hindi ko magawang paalisin sya.

"No Airah. Ayusin natin ang problema nating dalawa." seryosong sambit nito sa akin.

"Wala ng dapat ayusin Gino. Sinira mo na ang tiwala at pagmamahal ko kaya wala ng saysay pa ang mga sasabihin mo sa akin. Dahil kahit anong gawin mo, hindi na ako maniniwala pa sayo." mahabang sabi ko sa kanya.

"Pero handa na akong ipaglaban ka Airah." agad na bigkas nya sa akin dahilan para mapatigil muli ako.

"Ipaglalaban na kita, kaya pakiusap- wag mo ng sagutin si Jake. Dahil hindi ko kayang makita na hawak ka na ng iba." muling bigkas nito.

Tumibok ng malakas ang aking puso kaya pakiramdam ko nadadala na naman ako sa sinasabi nya.

Sa puntong ito, nagtalo ang aking puso at isip.

Pero di nagatal ay isip ko naman ang sinunod ko.

"Paano mo ako ipaglalaban, kung sa simulat-una palang ay hindi mo na kayang hiwalayan si Sarah?"
"--Gino, ginagawa mong komplikado ang lahat at pinapaasa mo lang ako."
mahabang sabi ko rito.

Agad ko syang tinulak ng malakas at sa oras na to ay nakawala na ako sa braso nya.

Tumayo na ako at inayos ko ang aking sarili.
Pasimple ko syang tinapunan muli ng tingin.

"Kung talagang mahal mo ako Gino, hindi ka magdadalawang isip na piliin ako."

After I said those words ay tuluyan ko na syang iniwan at tinungo ko na ang kusina.

Mabilis akong nag-luto at hinihain ko na agad ito sa mesa.
Tumikim lang ako ng konti at naligo na ako sa banyo.

Nang si Jutay na yung pumasok sa banyo ay hindi ko na sya hinintay  pa at nauna na akong pumunta ng campus.

Malayo-layo palang ay nakita ko ng tumatakbo palapit sa akin si Jake.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Sarah na dahil sa akin ay nasasaktan si Jake.

"Goodmorning Airah. Kanina pa kita hinihintay. Mabuti na lang at nandito ka na." ngiting sambit nito nang makalapit sa akin ng tuluyan.

Base sa ngiti nya alam kong tinatago nya sa akin yung sakit na nararamdaman nya.

Tumingin-tingin  nama sya sa paligid na tila ba may hinahanap ang  kanyang mata.

"Hindi mo kasama si Gino?" biglang tanong nito sa akin.

I get it!
Si Gino yung hinahanap ng kanyang mata,
kung sabagay amo ko pala si Gino kaya siguradong nagtataka sya kung bakit hindi kami magkasabay.

"Naliligo pa kasi sya. Ang tagal nyang kumilos kaya nainip na akong maghintay sa kanya." sagot ko naman rito.

Napangiti na lamang ito sa akin kasabay non ay kinuha nya na ang gamit ko para sya na itong dumala non.

Sabay na kaming pumasok ni Jake sa loob ng aming classroom.

Maya-maya ay bigla namang dumating si Gino na ngayon ay naka-black na damit.

Natahimik ang buong klase dahil sa pagdating nya, maging ang guro na nasa unahan ay tila ba natakot sa bitbit nyang awra ngayon.

"Alis!" mariing sigaw nito sa lalaking katabi ko sa upuan.

"Mr.Gino, nakikita mo naman sigurong may nakaupo ng tao, kaya mas mabuting maghanap ka na lang ibang upuan." wika ng guro namin na halatang nagtatapang-tapangan lang.

"I don't fuckin care kung may nakaupo na ditong tao." bigkas naman nito at muling binaling ang kanyang tingin sa katabi ko.

"--Aalis ka ba o sisipain kita?" pagbabanta nitong sabi.

Dahil siguro sa takot ay yung katabi ko na lang ang nag-adjust.

Sya na itong umalis at naghanap ng ibang upuan.

Ramdam ko naman na umupo na si Jutay sa tabi ko, medyo inurong pa nito ang upuan na talagang sobrang dikit na dikit na sa akin kasabay non ay inakbayan nya ako.

"Airah, mamaya ay makikipagbreak na ako kay Sarah para sayo." bulong nito sa akin dahilan para ako'y mabigla.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon