Chapter 10
Airah POV:
Nang makauwi ako sa totoo kong bahay, wala akong ganang humiga sa aking maliit na kama.
Namiss ko agad 'yong malambot at malaking kama nila .Buong araw, laman ng isip ko si Jutay.
Kumusta na kaya siya?
Siguro nag-away na naman sila ng mama niya. O 'di kaya nagkasigawan lang?Lutang ang aking isip sa mga oras na 'to.
Maging pagluluto ko ng itlog,natutong pa."Ano bang nangyayari sayo Airah? Focus ka nga.", kausap ko sa aking sarili habang sinasampal-sampal ko ang magkabilang pisngi.
Kahit tutong ang luto ko, kinain ko pa rin iyon.
Wala eh, wala akong budget. Tipid-tipid muna ako.Napatigil naman ako sa pagkain nang marinig ko ang katok mula sa pinto ng bahay ko.
Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong baliw."Oh my gosh! Bumalik ka na nga!",
"Waaah I miss you Airah!",
"Sorry Airah, hindi namin alam na mangyayari 'yon sayo.",
Sabay-sabay na wika nila sa akin habang yinayakap nila ako ng mahigpit.
"Ano bang ginagawa niyo dito?", walang ekspresyon na tanong ko sa kanila.
Hindi ako galit, nagtatampo lang naman.
Dahil sa dare prank na 'yon, nakilala ko si Jutay at may nagalit sa aking tao."Airah naman eh. 'Wag ka ngang ganyan. Hindi kami sanay. Besides, nabalitaan namin na nandito ka na raw.. Sorry na kasi. Kung alam mo lang, nag-alala rin kami sayo. We know na kasalanan namin 'yon, pero hindi namin alam na hahantong ito sa ganito.", sincere na sambit naman ni Erika sa akin.
Ang kaibigan kong tumulak sa akin."Tsk.", 'Yan na lamang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Airah please, 'wag ka ng magalit. If you want, libre ka na lang namin. Kahit ano basta mapatawad mo lang kami.", sabat na wika ni Annie.
Kita ko naman sa mga mukha nila ang pagsisisi. Kaya hindi na ako nag-atubling mag-inarte pa.
"Oo na. Papatawarin ko kayo. Pero libre niyo ko ha? Wala na kasi akong budget eh.", pag-aamin ko naman ng totoo sa kanila.
"Sige ba. Basta chika mo sa amin kung anong nangyari sayo nung kasama mo pa si fafa.", kilig na saad ni Tine.
Hindi na lamang ako sumagot sa tanong nila sa halip, nagpaalam muna ako saglit na magbibihis.
Nang matapos ay sabay-sabay na kaming pumunta ng mall. Para bumili ng gusto ko total libre naman nila."So kumusta? Mabait ba ang boy na prinank mo?", tanong ni Annie sa akin habang kumakain kami ngayon ng ice cream.
"M-mabait naman.", tipid na sagot ko na tila ba nag-aalinlangan.
"And?",
"Basta pabago-bago ang ugali ng lalaking 'yon.", wika ko sa kanila para tigilan na nila ako sa kakatanong.
Pero ang mga bruha, masyadong imbestigador.
"Ano bang nangyari sa'yo nung tumira ka sa kanila ng ilang araw?",
"Siguro may nangyari na sa inyo noh?",
"Umamin ka, baka naman natotohanan na 'yong prank mo na buntis-buntisan?",
Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin.
Feeling ko, nagsisi akong pinatawad ko sila.Tiningnan ko naman ang mga ito ng matalim.
"Walang nangyari sa amin nung lalaking 'yon.", inis na sagot ko.
"Tama na nga 'to. Ayoko na kasing pag-usapan pa ang tungkol do'n.", muling sabi ko.
"Sorry, gusto lang namin malaman kung naging ayos ka ba sa puder nila. Alam mo na, as your friend, hindi kami nakatulog nung nangyari 'yon.", paliwanag ni Annie.
Asus, magpapalusot pa.
I know naman na gusto lang nila makasagap ng balita mula sa akin."Masyadong komplikado para ikwento ko pa sa inyo 'yon. And besides, ayos na ako. So please, 'wag na kayong magtanong. Naiirita na kasi ako.", pagsasabi ko rito.
"Okay, okay. Hindi ka na namin kukulitin. Tara na nga at mag-enjoy na tayo.", sambit ni Tine at tinuloy na ang bondingan.
Naging masaya ang araw ko dahil sa mga kabaliwan nila. Kahit papano, medyo naibsan ang lungkot ko.
At gaya ng mga pinangako nila, sila nga ang bumili ng groceries ko na budget ko for three days."Alam mo Airah, kung ano-ano ang palusot na sinabi namin sa guro natin para lang maging excuse ka sa klase. Buti na lang at naniwala naman.", kwento ni Annie sa akin.
"Salamat naman kung ganon. Kahit papano pala, may puso kayo.", ngiting sambit ko.
"Syempre naman noh. Ikaw talaga parang sinasabi mo sa amin na masama kami.",tampong wika ni Tine.
"Hindi naman sa gano'n. Aaminin ko, nagtampo talaga ako sa inyo. Kasi hindi niyo man lang ako tinulungan. Pero 'di bale, kalimutan na lang natin 'yon.", saad ko sa kanila at inopen ko ang aking braso para ayain sila na yakapin ako.
"Thank you Airah.",malambing na tugon nito at nag-grouphug na nga kaming lahat.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 1) Completed
General FictionNagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po at nagkamali ng pagkapublish. Maraming errors po ito, hindi ko pa na-eedit ng maayos sa sobrang busy...