Chapter 75

6.5K 151 6
                                    

Chapter 75

Leny's POV: (Sister ni Gino)

"Mom! Mom!" tawag ko sa aking ina habang mabilis akong tumatakbo pababa.

Kasalukuyan kasing bumungad sa aking YouTube account ang sex scandal ni Airah na ngayon ay milyon ng tao ang nakapanood.

Nang tuluyan na akong nakababa ay naabutan ko si mom na may kausap sa telepono na tila ba importante ang kanilang pinag-uusapan.

Kaya't hindi ko na muna ito inistorbo at hinayaan na makinig na lamang kung ano ang kanyang sinasabi sa taong kausap nya sa telepono.

"Kung ano man ang binabalak nila, hayaan mo lang sila. But make sure na meron tayong ebidensya na ipapakita kay Gino, okay?" bigkas nito sa kabilang linya at maya-maya ay binaba nya na ang tawag.

Nagtataka naman akong napatingin rito dahil na rin sa huling katagang narinig ko mula sa bibig nya.

"Oh Leny? Bat parang nakakita ka yata ng multo?" tanong nito nang ibaling nya ang tingin sa akin.

"Sino yung kausap mo mom?" tanong ko rito sa halip na sagutin ko ang tanong nya.

"Tauhan ko." simpleng sagot nya.

"So alam mo na yung tungkol sa kumakalat na video ni Airah?" muling tanong ko rito.

"Of course, bago pa man malaman ng lahat ay ako ang unang nakakaalam." kalmang wika nya na tila ba hindi nababahala.

"Ano ba ang totoo mom? Talaga bang ginusto ni Airah ang nangyari?" sunod-sunod na tanong ko.

Tumayo naman si mom at tiningnan ako ng diretsa.

"Ano sa tingin mo Leny? Magagawa ba ni Airah yon?"

"I-- I d-dont know mom. Gulong-gulo na ako. Kasi base sa video, halatang gusto ni Airah ang ginagawa ng dalawang lalaki sa kanya."

"Exactly Leny, nagustuhan yon ni Airah dahil epekto yon ng drugs na pinainom ng lalaki sa kanya." wika ni mom na akin namang ikinagulat.

"What?! Pero bakit naman nila gagawin yon?" muling tanong ko.

Hindi pa rin kasi malinaw sa akin ang lahat.

"Dahil inutusan sila ni Sarah at nung boyfriend nito." sagot ulit ni mom.

"Nandon ang tauhan ko sa mga oras na yon,"
"--Here." patuloy na bigkas nya kasabay ng paglahad nito sa akin ng cellphone.

"A-anong meron dito mom?"

"A video, kung paano trinato ng mga lalaking yan si Airah. Ebidensya na hindi nya ginusto ang lahat."
"Nakidnap si Airah, Leny. And that's the reason kung bakit napunta sya sa lugar na yan." mahabang pahayag nya.

Mabilis ko namang kinuha ang cellphone at mabilis ko rin pinanood ang video don na nakuhanan ng tauhan ni mom.

Nakakaawang tingnan si Airah nung sampalin sya ng malakas at pagtulungan ng dalawang lalaki.

"Fuck!"
"Makakatikim na talaga ang Sarah na yan sa akin." gigil na bigkas ko.

Muli kong tiningnan si mom.

"Kailangan makita to ni Gino, bago pa mahuli ang lahat." sambit ko rito.

"Huli na ang lahat Leny. Sabi ng tauhan ko ay itinaboy na si Airah ni Gino."

"What ?! So hinayaan mo lang na mangyari yon mom?! Akala ko ba gusto mo si Airah para kay Gino? Tapos wala ka man lang na ginawa?"
"--Mom, nakakaawa na ang kalagayan ngayon ni Airah. Milyon ng tao ang humuhusga sa kanya dahil sa lintek na videong pinakalat ng putanginang Sarah na yan!"  malakas na pagkasabi ko nang umapaw na rin ang galit sa aking sarili.

"Leny, can you please calm down?" sambit ni mom kasabay ng paghawak nya sa aking braso.

"How can I calm down kung nasisira na ang buhay ni Airah dahil dyan?!"
"--Mom, kailangan natin tulungan si Airah. Kailangan nating ipost to sa YouTube para sa ganon si Sarah yung kamuhian ng tao!" suhestyon ko na rito.

"No Leny, hindi pa natin yan ipopost sa ngayon." bigkas nito kasabay ng paghablot nya sa cellphone na hawak ko kanina.

"But mom---"

"Leny, makinig ka sa akin. May plano rin ako."
"Aaminin ko na naaawa rin ako kay Airah, pero sa ngayon, hindi natin muna kailangan pairalin ang awa." wika nya naman.

"At anong plano mo Mom?" tanong ko rito.

Ngumiti lag ito sa akin at marahan na hinaplos ang aking mukha.

"Just trust me Leny."
"Magugulat ka na lang sa naisip kong plano." tanging sabi nya at hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Medyo napaisip tuloy ako kung ano bang pinaplano ni Mom.
But anyways, kung ano man yon-- alam kong magiging success sya.

At sa tingin ko, pipigilan ko muna ang aking awa para kay Airah.

Airah POV:

Nagising na lamang ako na nakasanday sa balikat ni Jake.

Marahan naman itong napalingon sa akin at bahagyang ngumiti.

"Sorry, nagising ba kita?" tanong nya sa akin.

"Hindi naman Jake." maikling sagot ko rito.

"Akala ko kasi oo, napindot ko kasi yung music kaya akala ko na-istorbo ko ang pagtulog mo." wika nya naman.

Actually, nagising ako dahil nakaramdam na ako ng pagkagutom.
Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi.

Bigla namang kumalam ang aking sikmura dahilan para mapatawa si Jake.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya kaya itinuon ko ang aking tingin sa bintana ng bus.

Nagulat naman ako nang may i-abot syang rebisco na biscuit.

"Kainin mo muna yan para kahit papano ay maibsan ang gutom mo. Mamaya ka na lang bumawi kapag huminto na yung bus." saad nya sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinuha ko na yon at mabilis itong binuksan.

"Thank you Jake." pasalamat ko sa kanya.

Nagsimula na akong kumain ng biscuit at napatingin ako bigla kay Jake na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Bat ganyan ka makatitig?" Tanong ko rito habang nginunguya ko yung biscuit sa loob ng aking bibig.

"Bakit Airah? Bawal ko na bang titigan ang babaeng mahal ko?" balik na bigkas nya.

"Jake naman." medyo ilang na sambit ko.

Ginulo naman nito ang aking buhok kasabay ng matamis na pag-ngiti nya.

"Airah, alam mo bang lalo akong humahanga sayo?"

Sa sinabi nyang yon ay muling nagtagpo ang aming mata.

"Sa kabila ng nangyari sayo, masyado pa ring malakas ang loob mo." patuloy nyang sabi.

Mapait naman akong napangiti sa kanya.

"Kung alam mo lang Jake, halos durog na durog na ako ngayon." saad naman ng aking isipan.

Kung tutuusin, kagabi pa nadurog ang puso ko nung pagtabuyan ako ni Gino, sadyang pinapakita ko lang ngayon na malakas ako para hindi ako masyadong kaawaan ni Jake.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon