Continuation of Chapter 87

6.3K 163 11
                                    

Sarah POV:

Abot langit ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na to.

Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa akin.

Na-uto ko ulit si Gino.
Nadala ko sya sa mga kadramahan ko.

Ngayong kinamumuhian nya na si Airah, hindi na ako mahihirapan pang kunin ang lahat ng kayamanan nya.

Kasalukuyan kami ngayon na nasa labas ng kanyang bahay habang nag-uusap.

Matapos naming mag-almusal ay we decided na magpahangin muna rito total umaga naman.

Syempre, kailangan ko munang lambingin ang lalaking to para mas lalo syang maniwala na talagang mahal na mahal ko sya.

As of now, nakasanday ang aking ulo sa kanyang dibdib habang hinahaplos nya ng marahan ang buhok ko.

Kung titingnan, parang yakap-yakap nya ako.

"Namiss ko yung pagiging ganito natin Gino."
"--Yung sweet tayo sa isat-isa tapos yung palagi tayong magkasama."
"--Namiss ko ang lahat ng ginagawa natin non." mahinang wika ko habang pinapakinggan ako tibok ng kanyang puso.

Lalong hinigpitan ni Gino ang pagkakayakap nya sa akin na tila ba ayaw nya na akong pakawalan.

"Namiss ko rin yon Sarah."
"--But dont worry, ngayong tayo na ulit-- muli nating ibabalik ang ginagawa natin dati."

After nyang sabihin ang katagang yon ay naramdaman ko ang malambot nyang labi na humalik sa aking buhok.

Marahan naman akong napatingin sa kanya kasabay ng pagpisil ko sa pisngi nito.

"Wag kang masyadong ganyan, kinikilig ako Gino. Hahaha."
Masayang tugon ko rito.

"--Pero seryoso Gino, ayoko ng maghiwalay tayong dalawa." muling bigkas ko.
Umupo naman ako ng maayos at nakaharap pa rin sa kanya.

"Ayoko ng maulit na maging isa sa mga choices mo."
"--Ayoko ng maulit na saktan mo ako."
"--Kasi Gino, I'm so damn inlove with you, at sana wag mo namang sayangin yon." sambit kong muli na may pagsusumamo sa aking mukha.

"Yes Sarah, hindi na ulit kita sasaktan pa."

Pagkasabi nito ay marahan niyang kinurot ang aking ilong.

Bahagya naman napangiti.
Ngiting demonyo ang syang umaapaw sa akin sa mga oras na to.

Masyado talaga akong magaling at bihasa sa pagdadrama at talagang nakuha ko agad ng mabilis ang loob ng binatang to.

Pero hindi ko inaasahan na nag-iba ang awra ng mukha ni Gino.
Tila ba ito nakakita ng multo sa aking likuran.
Bigla kasi syang nahinto at napalitan ng nakakatakot ang kanyang ekspresyon.

Dahil sa curiosity ko ay lumingon ako at sinulyapan kung sino ba ang tinitingnan nya sa likod ko.

At maging ako ay nagulat rin nang makita at makilala ko ang taong ngayon ay nakatingin rin sa akin.

Si Airah, sya nga at kasama nya pa talaga ang pinsan kong si Jake.

Kung si Gino ay nabilog ko ang utak, sya naman ay nabilog nya ang utak ng pinsan ko.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Gino na may halong kakaiba sa kanyang boses.

Tumayo na rin ito mula sa pagkaka-upo at linapitan ang dalawa.

Halatang nagsusukatan na ng tingin sila Gino at Jake kaya naman lumapit na rin ako sa kanila.

Walang lumabas na salita sa bibig ni Airah at hindi man lang ito nakasagot.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon