Matapos ang ikalawang proposal ni xian kay ay napagdesisyunan nila pareho na ipagpaliban lang muna ang kasal para magbakasyon sa korea upang pansamantalang makalimot sa mga nangyari sa kanila at ngayon ay handa na sila harapin ang anumang pagsubok na pagdadaanan nila sa susunod na mga araw,buwan at taon. Sa ngayon ay masaya ang pamilya na nagbabakasyon sa korea....
" grabe babe ang ganda dito sa Nami Island!! " masayang sabi ni amethyst habang tulak-tulak ang stroller ng anak.
" Dito ko sana gusto magpropose sayo babe kaso di na ako nakapagpigil na maging akin ka ulig. " seryosong sabi ni xian. Lumapit si amethyst sa asawa at pinatong ang mga braso nya sa balikat ng asawa.
" hindi naman ako nawala eh at never mawawala saka masyado ka lang habulin kaya di mo na ako napansin " saad nya na nakanguso pa
" bakit feeling ko sa limang araw na nacoma ko eh limang taon ang dating sa akin. " wika ni xian saka naman nya hinapit ang beywang ng asawa para mas lalong maglapit pa sila.
" feeling mo lang yun, sabi ko naman sayo wag puro kmovie kung ano-ano kasi naiisip mo. " aniya ni amethyst sa asawa saka binaling ang tingin sa mga nagbabagsakang autumn leaves, nagulat naman si amethyst ng bigla siyang buhatin pataas ni xian at inikot-ikot pa ito habang nakataas ang mga kamay ni amethyst para mas lalong mafeel nya ang fall season ng korea ngunit ilang minuto lang dahan-dahan siyang binaba ni xian.
" ehhh....bakit mo ako binaba agad? Nag-eenjoy pa ako eh.. isa pa" reklamo nya
" Ganda isang beses lang dapat gawin kapag first time mo dito sa nami " nakangiting sabi ni xian saka dinampian siya ng halik sa noo
" really? Why?" Nagtatakang tanong ni amethyst
" tradisyon dito sa korea " natatawa nyang sabi
" whee??meganun?" Di naniniwalang tanong ni amethyst sa asawa
" haha joke lang, tiwalang-tiwala ka naman babe eh." Natatawang sabi ni xian
" joke yun?" seryosong tanong ni amethyst saka bahayang tumungo at pinagsara ang mga palad habang nakapikit.
" hoy!ganda,ano ginagawa mo.?" Gulat na tanong ni xian sa asawa. Bahagya naman tinaas ni amethyst ang mukha
" pinagdadasal ang namatay na joke, sayang din yun " saad nito habang tumatawa si xian
" hahaha,you never failed to make me laugh babe. I love you for that. " masayang sabi ni xian sa asawa.
" i love you the most " sagot ni amethyst saka sila nagpatuloy sa pamamasyal sa nami island habang tuwang-tuwa naman si zoe sa kasasalo sa mga autumn leaves
" what do you want to eat babe after this?" Tanong ni xian sa asawa sabay hapit ng beywang nito para mas lalong magkalapit sila.
" ahmn..y-you?" Seryosong sagot ni amethyst dahilan para mapahinto sila sa paglalakad at humarap si xian sa asawa.
" baby hah,ang naughty me today " kinikilig na sabi ni xian sa asawa
" eh bakit kasi ang hot mo today? " tanong ni amethyst sa asawa na may pang-aakit na boses while biting her lower lip
" Ganda!!!" Sigaw ni xian dahilan para humagalpak ng tawa si amethyst sa reaksyon ng asawa
" wae?..wae?? " tanong ni amethyst ngunit nanatiling tahimik si xian
" waeyeo? " ulit ni amethyst
" stop teasing me babe " pigil ang kilig na sabi ni xian habang tuwang-tuwa si amethyst
" arraesseo...arraeseo..eat na tayo. " tumatawang yaya ni amethyst sa asawa habang nakahawak sa braso nito
" i want to eat beef bulgogi,cabbage pancake,mackerrel with old aged kimchi,kimbap,grilled pork belly and for dessert i want hotteok with vanilla ice cream and chololate chips on top " masayang sabi ni amethyst sa mga gusto nyang kainin.
" are you pregnant? Lahat yun kakainin mo?" Gulat na tanong ni xian
"Eh kasama ka naman dun sa mga kakain eh. " sagot ni amethyst sa asawa ngumiti lang si xian bilang pagsang-ayon sa gusto ng asawa saka sila patuloy na namasyal while taking picture and creating during their stay here in south korea..
A/n: hope you like it guys..hindi ko alam ano magiging takbo nito sana makayanan ko.😄😂pero alam kong kaya ko dahil andyan kayo.😘😘😘
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘