" Ate Rain??" Gulat na tawag ni miley kay lorraine kaya lahat kami ay nakatuon ang atensyon kay lorraine dahilan para makaramdam ako ng kaba..nakita kong dahan-dahan na lumapit si Lorraine kina miley..
" Miley? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Lorraine
" magkakilala kayo?" Tanong ni xian saka naman lumingon sa anin si lorraine
" she' s my sister sa father side" sagot ni Lorraine bigla naman kaming nagulat nila ate at kuya ganun din sila mama at lola
" My gosh! Baks anong kaganapan ito? Bakit sa tuwing may event kayo laging may pasabog nitong huli lang sila miley at marcus ngayon naman si lorraine.. baka naman marami pa kayong magkakapatid" sambit ni patrick dahilan para lingunin ko siya taasan ng kilay at binigyan ng tumahimik ka look kaya nag peace sign siya. Dahil sa mga pangyayari ay nakaramdam ako ng pagkahilo buti na lang at nasa tabi ko ang asawa ko.
" ganda/Amethyst!!" Sabay na sigaw nila ate at xian
" babe,are you okay?" Nag aalalang tanong ni xian
" yeah,nahilo lang ako" mahina kong sabi
" mabuti pa siguro pearl at zeus dalhin nyo na muna sa kwarto si amethyst para makapagpahinga" utos ni mama
" pakainin nyo muna ang mga bata at patulugin sa guest room papahinga lang ako sandali" bilin ko sa kanila
" ganda okay ka lang ha?" Tanong ni xian kita sa mukha nya ang labis na pag aalala
" okay lang ako hon don't worry" nakangiti kong sabi
" susunod ako pakainin ko lang si zoe" saad nya tumango lang ako bilang sagot sa sinabi nya saka umakyat na kami sa kwarto. Pagkadating ko sa silid ay agad akong nahiga habang nasa tabi ko ang mga kapatid ko.
" bunso,okay ka lang?" Tanong ni kuya na nakaupo sa kanan ko ang kaninang pagpipigil ng luha ay tuluyan ng nagbagsakan
" hi-hindi ko alam kung okay lang ako *sob* hindi ko alam kung dapat pa ba ako matuwa sa mga nangyayari sa atin" umiiyak kong sabi
" bunso, wag mo ng masyadong isipin yun baka mapasama pa sayo at sa baby mo" kalmadong sabi ni ate
" tama ang ate mo bunso,pahinga ka muna" dagdag ji kuya
" hindi ko lang lubos maisip na ang taong muntik ng ipahamak ang buhay ko ay kapatid pala natin, ang taong dahilan sa muntikan naming paghihiwalay ni xian ay kapatid pala natin" saad ko
" hindi naman natin alam eh,kasalanan ito ng ama mo eh" sagot ni ate
" ama natin ate.." sambit ko alam kong galit sa papa namin kaya hindi nya ito matawag na papa
" hindi naman siya naging ama sa atin ah" sagot nya
" tama na yan pearl.di ka nakakatulong mas lalo lang mastress yang kapatid mo" saad ni kuya
" so ano plano natin ngayon?" Tanong ni ate
" wala din naman tayong choice kundi tanggapin yun at alamin kung ano o paano ang nangyari" saad ko
" baka sa susunod may lumitaw na naman na kapatid natin o di kaya yung mga asawa natin kapatid pala natin" kaOAhan ni ate
" ang OA muna ate" saad ko habang nagpupunas ng luha
" pahinga ka muna bunso baba lang kami para asikasuhin ang mga bisuta mo" saad ni kuya sakto naman ang pagdating ni xian kaya nagpaalam na din sila kuya na baba na.
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘