MILEY
Maaga akong nagising sa oras na 9:00 am para mag ayos. Nasa bahay pa din ako ni ate amethyst buti nalan pumayag siya na dumito muna ako. Kailangan mag-ingat ako sa bawat kilos ko ayokong bigyan siya ng dahilan para paghinalaan ako. Palabas na ako ng matanaw ko si ate amethyst sa kitchen kaya di na ako nagdalawang isip na lapitan siya.
" good morning ate." Nakangiti kong bati aga naman siyang lumingon habang nagluluto ng bacon ata yun.
" good morning too miley" ganti nyang bati sa akin. Hindi na ako magtataka kong bakit siya nagustuhan ni kuya xian dahil kahit walang make up ang ganda pa rin nya.
" ate" tawag ko sa kanya
" hemmn" sagot nya
" uwi po muna ako ha bukas nalang po ako magstart sa work ko dito." Saad ko
" okay,aalis ka na ba?kumain ka muna" yaya niya
" hindi na ate sa bahay nalang po ako kakain." Tanggi ko
" sure ka?" Taninh nya
" opo" sagot ko
" oh sige mag-ingat ka ha,regards ako kina mama" sabi nya kaya tumango lang ako bilang sagot saka hinatid sa labas at hinintay na makasakay ng taxi.
Pagdating ko sa bahay nadatnan kong nanonood ng tv sila tita sa sala hababg nagkakape kagigising lang din siguro nila.
" good morning po sa inyo" bati ko kay tita at lola
" good morning din iha.kumain ka na ba?" tanong ni tita.
" hindi po ako nagbbreakfast tita." Sagot ko
" ganun ba? Kung ganun kumain ka nalang sakaling magutom ka" saad ni tita
" paalam po ako sana ako.puntahan ko po si marcus ipapasyal ko lang po siya first time po kasi nya dito sa manila" paalam ko
" oh sige basta mag iingat kayo. At mag enjoy din kayo." Saad nya
Tumango lang ako kay tita bilang sagot sa sinabi nya at nagtungo sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos ay nagpaalam ako ulit para umalis habang nasa taxi ako ay tinawagan ko si marcus.
" marcus asan ka?" Tanong ko
"dito kay zeus " sagot nya
" meet me,kailangan natin mag-usap itetext kita kong saan tayo magkikita mamaya, pupuntahan ko si amanda you know her already diba?" Saad ko
" yes, sige itext mo nalang ako ate" sagot nya
" tinawagan mo na ba si tita myrna ate?kumusta si mommy?" dagdag pa nya
" hindi ko pa natatawagan,mamaya siguro tatawag naman yun kung may masamang nangyari." Sagot ko
" miss ko na si mommy ate" saad nya.ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Simula kasi ng maglabas pasok si mommy sa hospital ay siya na ang nag alaga dito habang ako nagtratrabaho dito sa manila bilang clerk sa bangko.
" ako din naman, wag kang mag-alala matatapos din ito babalik sa dati ang buhay natin marcus pangako ko yan" saad ko na pipigilang maiyak.
" sana nga ate." Malungkot nyang sabi. Binabaan ko na siya ng phone bago pa man kami mag iyakan. Naisip ko nalang tawagan si amanda ang college friend ko sa condo nya ako nakatira habang nandito ako nagtrabaho.
" amanda girl!!!" Masigla kong tawag sa kanya
" M-miley? Is that you?" Tanong nya
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘