XIAN
Maaga kaming nagising para sa binyag ni baby Zach. Naging peaceful para sa aming lahat ang mga nagdaang araw dahil hindi na rin kami sa wakas ginugulo ni Miss. Deguzman at gaya ng dati para bang wala kaming naging problema ni ganda hindi gaya ng ibang mag-asaw na kapag matuklasan nilang may iba ang asawa nila ay tiyak palalayasin nila ang mga asawa nila o hindi magkikibuan sa loob ng bahay pero hindi yun nangyari sa amin ni Ganda.. araw-araw magkasama pa rin kami matulog at mas lalong hindi nya ako pinalayas. Sa tingin ko mas naging okay kami ngayon at napakaswerte ko sa asawa ko dahil hindi nya ako sinukuan bagay na ayoko mangyari sa buhay ko. Kung meron mang nagbago sa amin ni ganda siguro ay Yung sex life namin ni ganda,dahil sa mga nangyari hindi na pumayag si ganda na may mangyari sa amin hindi ko alam kong maiinis ako o malulungkot pero naiintindihan ko siya kong bakit.. minsan ko ng sinubukan pero iniiwasan nya ako. Ngayon nasa event hall kami ng mansion at tahimik na pinagmamasdan ang asawa ko habang dinodouble check nya ang mga kakailanganin sa binyag naging busy kami pareho kaya hindi na namin naisip na may isang Miss. Deguzman na gustong sirain ang buhay namin..
" hoy! Okay ka lang?" Bulalas ni ganda na hindi ko napansin ang paglapit nya
" ganda naman! Wag mo kong ginugulat kasi" saway ko sa kanya
" eh kanina ka pa tulaley dyan.ano ba iniisip mo? O baka naman pinagpapantasyahan mo na ako?" Sambit nya
" bakit bawal ba? Kung ganyan ba namang ka hot makikita ko araw-araw eh masisisi mo ba ako kong lage akong tulala sayo" sambit ko saka huminga ng malalim
" napag-usapan na natin ito di ba? Hanggat hindi ko pa maconfirm na ikaw o hindi ang ama ng pinagbubuntis ng babaeng yun wala munang mangyayari.." sambit nya habang hawak ang pisngi ko..
" babe paano kong ako nga ama nun?" tanong ko sa kanya
" eh di idaan natin sa legal process kung hindi nya kayang buhayin ang bata without you i adopt natin" saad nya
" paano ko sasabihin sa family mo?" Tanong ko ulit
" tutulungan kitang kausapin sila masakit yun sa umpisa pero alam kong magagawa din nilang intindihin yun" kalmado nyang sabi habang nakaharap siya sa akin ay hinapit ko ang beywang nya palapit sa akin.
" thank you babe..napakaswerte ko sayo kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan ikaw pa din ang pipiliin kong mahalin at makasama habang buhay kahit minsan napapaisip ako kong bakit nagagawa mo pa ring maging kalmado sa kabila ng mga nangyari..hindi gaya ng ibang asawa na gagawin ang lahat maging miserable lang ang buhay yung kabet ng asawa nila." Saad ko
" kaya kong gawin yun hon, kaya kong ingungud ang pagmumukha ng babaeng yun kung gusto ko..pero naisip ko kapag ba ginawa ko yun babalik ba ang lahat sa dati?" Seryoso nyang sabi
" at ginagawa ko ito dahil mahal kita, mahal ko ang pamilya natin at ayokong mawalan ng ama ang mga anak ko..kong tatabunan ko ng galit ang pagmamahal ko sayo mas pipiliin kong palayain ka kesa punuin ng galit ang puso ko.." dagdag pa nya dahilan para mapayakap ako sa kanya
" mas mahal kita ganda alam ng dyos yan" sambit ko saka siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya saka ginawaran ng halik dahilan para maglikha yun ng hickey
" ano ba?!bakit mo ginawa yun?" Inis nyang sabi
" sorry ganda para alam ng lahat na pag-aari kita" natatawa kong sabi
" wag mo na uulitin yun ha or else..." banta nya dahilan para matuwa ako ka cuteness pinapakita nya
" what?" Tanong ko
" baka hindi ako makapagpigil sa susunod..lalo nat marupok ako sa mga araw na ito.. Rawwrr!..nakakainis ka!" Inis nyang sabi dahilan para matawa ako..
" hahaha eh sino ba ayaw na walang mangyari sa atin di ba ikaw? Marupok pala ha" natatawa kong sabi
" hindi pa ako handa para dyan" sambit nya saka ko kiniliti ang tagiliran nya..
" ano ba..stop it!" Utos nya saka ko naman siya tinigilan at niyakap ulit
" kahit wala tayong sex life ganda okay lang sa akin as long as magkasama tayo at masaya ng ganitong lang sapat na sa akin yun.. ikaw at ang mga anak natin ang mahalaga sa akin hindi ang bagay na yun" sambit ko....
" hindi lang naman kasi yun ang mahalaga sa isang mag-asawa.kaya bago pa tayo magkaiyakan magbihis kana para maaga tayo makarating ng simbahan" saad nya kaya mabilis siyang humiwalay sa akin saka pumasok sa bahay para ihanda ang mga bata..
______________
TORI
Isang linggo din akong namalage sa condo para magpahinga dahil yun ang bilin sa akin ng doktor. Isang linggo din ako nag-isip kong ano ang gagawin ko sa pagpunta sa bahay ng mga alcantaraz mamaya..
Baby tulungan mo muna si mommy ngayon ha? Para sayo naman itong ginagawa ko dahil kong mapapasa atin si xian siguradong magiging masaya tayo pareho bulong habang hinihimas ang tyan ko
See you later xian my love...
________
PATRICK
Magkasama kami ngayon ni lorraine.. dahil sabay daw kaming pupunta kina amethyst mamaya para di daw halata..well,tuloy pa rin ang panggapan na magjowa daw kami..aaminin kong nung araw na sinabi sa akin yun ni lorraine ay magkahalong emosyon ang naramdaman ko..una,masaya dahil mas magiging malapit kami sa isa't-isa, at natatakot dahil baka mas lalong tumindi yung nararamdaman ko para sa kanya.. kasalanan ito ng puso ko eh..alam kong bakla ako pero bakit si Lorraine ang hinahanap-hanap ng puso at isip ko..nubayan! Ang talande naman oh!" Bulong ko habang napahampas ko ang papel na hawak ko sa mesa.
" anyare sayo bakla?! Ano problema mo?" Bulalas nya
"Ikaw!" Mabilis kong sagot
" ako? Bakit ako? Ano ginawa ko?" Tanong nya
" bakit kasi kailangan pa nating magpanggap eh?" Tanong ko bakit di nalang natin totohanin?
" ayaw mo? Oh sige sabihin ko nalang kay amethyst na may nabuntis asawa nya..gusto mo yun ha? Gusto mo yun??" Inis nyang sabi
" siyempre hindi.." sagot ko
" ganun naman pala eh ano problema mo?" Ulit nyang tanong
Pero wala akong masagot hanggang maramdaman ko ang palad nya sa mukha ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko na para bang kakailangan ko ng resuscitation from her charoot!" hey, ngayon lang ito..pag alam kong ok na si anethyst ititigil naman na natin ito eh.." mahina nyang sabi
" yah!!! Bakit namumula ka?" Natatawa nyang sabi
" h-huh? Hindi noh..bakit naman ako mamumula" pag iwas ko ng tingin sa kanya sabay hawak sa pisngi ko saka nabahing ng di inaasahan
" ewww..ang baboy mo!" Sigaw nya dahil tumalsik laway ko sa kanya..
" My God! This allergy!" Maarte kong sabi dahilan para matawa siya haiisst bakit parabg musika s pandinig ko ang tawa nya...bakla ka pat..bakla ka..! Bulong ko habang marahan sinasampal ang mukha para mawala ang pamamanhid nito sa sobrang kilig....
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘