CHAPTER 9

364 11 1
                                    

AMETHYST

Maaga akong nagising para magprepare habang naghahanda hindi ko maiwasang hindi kabahan pero kailangan ko din naman gawin ito. Pagkababa ko mula sa hotel room ay nadatnan ko si Mr. Santos

" Good morning ma'am" bati nya

" Good morning din po Mr. Santos" ganti kong bati sa kanya sabay bukas ng backseat sa sasakyan.

" diretso po ba tayo ng hospital mam?" Tanong nya

" yes please.." tipid kong sagot

" kumusta naman po yung mommy nila?" Tanong ko

" hindi ko na po pinuntahan sa ward nila kagabi dumiretso kasi ako sa doctor nya" sagot nya. Tumango lang ako at ngumiti bilang sagot sa mga sinabi nya dahil nga sa kaba na nararamdaman ko ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital iniwan ko si mr.santos sa kotse matapos nya ibigay sa akin ang pangalan ng doctor ng mommy nila miley. Pagkapasok ay nagpunta ako sa information desk.

"Yes ma'am?" Tanong ng babae sa front desk

" i have an appointment to Dr. Mendez" sagot ko

" nagrorounds po siya mam, pero pwede nyo po siyang hintayin ipapage ko nalang po siya. " saad nya.

" Thank you miss" pasalamat ko sabay ngiti sa kanya

" ano po name nyo mam?" Tanong nya

" Amethyst Alcantaraz" sagot ko

" sige po mam pakihintay na lang" nakangiti nyang sabi saka nagtungo sa nursing station para dun siya hintayin habang naghihintay nagulat ako ng may makakilala sa akin.

" Dr. Alcantaraz is that you?" Tanong ng babae Subcriber din ba siya bulong ko pero tinitigan ko yung babae at lalake na kaharap ko dahilan para magtinginan ang nurse na nakaduty sa nursing station.

" Doc, it's me Jeancy  Santillian Lim magkasama po tayo sa Beaver hospital tapos sabay din tayong nag exam" pakilala nya

"Oh yeah..i remember you.. kumusta kana? Dito ka ba nagtratrabaho?" Tanong ko

" yes doc," nakangiti nyang sagot

" nice kaya pala hindi na kita nakita sa beaver" sagot ko

" dito ko po kasi nakilala ang love of my life ko" kinikilig nyang sabi sabay lingon sa lalakeng katabi nya

" ah doc,husband ko nga po pala he's a surgeon here" pakilala nya sa asawa nya sa akin inabot ko naman ang kamay ko sa kanya

" nice to meet you doc" saad nya

" nice to meet you too" sagot ko

" bakit po pala kayo nandito? Dito kana po nagwowork?" Tanong nya

" no, may appointment lang ako with doctor mendez" sagot ko

" ah nagrounds po ata doc" saad nya

" yun sabi sa front desk" sagot ko. Ngunit sa kalagitnaan ng usapan namin ay nagulantang kami sa ingay na nagmumula sa ward na nasa likod ko lamang

" anong nangyayari dun?" Tanong ko

"Ah yung isa sa mga nagbabantay sa pasyente dun laging inaaway ang pasyente. Nakakaawa nga yung pasyente eh may sakit pa naman sa puso yun" sagot ni jeancy

" Marian Meniano" sagot ni jeancy nagulat ako dahil pangalan yun ng ina nila miley kaya naman tinakbo ko na yung ward na pinanggalingan ng ingay.

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon