YUMI
Nakarating kami ni Nolan sa Mandaluyong Shang. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito eh wala naman masyadong magandang tanawin bukod sa mga girls na naka swimsuit sa may pool area at boys na nakatopless..
" bakit ba tayo nandito babe?" Tanong ko
" kakain lang tayo at mag uusap ng kung ano-ano" sagot nya
" eh di dun nalang tayo sa rooftop ng condo mo.mas maganda ang view dun" saad ko
" you sure babe?" Tanong nya
" ou pero siyempre bili muna tayo ng mga foods and drinks tapos decoration para dun na tayo magpalipas ng gabi" nakangiti kong sabi
" tamang-tama nasa kotse ko pa yung tent yun nga lang isa nalang" saad nya
"It's okay share tayo..lezzz gow!!" Excited kong sabi dahilan para hilahin ko siya palabas ng hotel
" dahan-dahan naman babe makahila ka naman eh" reklamo nya
" sorry babe excited lang" sagot ko saka namin tinungo ang parking lot at umalis ng hotel.
Makalipas ang isang oras pabalik sa condo ni nolan ay nakarating na kami sa rooftop.pinagmamasdan ko si nolan habang nag aayos ng tent sa lugar na di masyadong mainit. Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko maiwasan di maluha dahil may parte ng puso ko na nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na hindi ko na parang walang balak si nolan na pakasalan ako.. wala nga ba? O advance ka lang talaga mag isip yumi bulong ko dahilan para mapasinghot ako kaya tumalikod na ako natingin sa baba ang taas pala dito. Mamatey kaya ako pag tumalon dito? Pag bumagsak ba ako ano kaya ang mauuna ?magselfie ang mga nakakita sa pagbasak ko o ang tumawag ng 911 nakangiti kong bulong pero kahit ano gawin kong pang aaliw sa sarili ko di ko pa rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko ano ba naman ito! Bakit ngayon nakisabay inis kong bulong hanggang di ko namalayan ang pagyakap ni nolan sa likod ko.
"Hey..hey..ok ka lang?" Tanong nya na pinatong pa ang baba nya sa balikat ko
" yeah" sagot ko sabay punas ng luha ko kasabay ng paghapit nya sa beywang ko para magharap kami
" no,your not..come on tell me" saad nya
" wala nga napuwing lang ako!" Inis kong sabi saka binalak makawala sa pagyakap nya
" i don't believe you babe..kaya sabihin mo na,bakit wala kang gana kausapin ako? Napapagod kana ba? Ayaw mo na ba sa akin?" Sunod-sunod nyang tanong tahimik lang ako na nakatalikod sa kanya.
" YUMI NAVARRO!!" sigaw nya dahilan para mapagarap ako sa kanya
" Hindi!okay?" Sagot ko
" what do you mean?" Nagtataka nyang tanong
" hindi ako galit,hindi ako napagod at Ou hindi kita gusto" mahinahon kong sabi dahilan para magulat siya
"B-babe" Gulat nyang sabi
" Hindi kita gusto kasi mahal kita.." sagot ko nakita ko naman ang reaksyon nya na ngumiti at kinilig dahilan para yakapin nya ako
" mahal na mahal din kita babe" sambit nya para mas siniksik pa nya ang mukha sa likod ko
"Nakakainis ka kasi eh!" Inis ko sabi kasabay ng pagkalas sa kanya
"Bakit?" Tanong nya
"Kasi parang wala kang balak na pakasalan ako..sa tuwing pinag uusapan natin yun lagi kang umiiwas kaya feeling ko haggang Jowa mo lang ako" malungkot kong sabi
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘