CHAPTER 63

358 10 16
                                    

AMETHYST

Naging maayos naman ang bagong taon namin na ginanap sa bahay, naisip ko na kami nalang muna sa bahay ang magcelebrate since ito din ang unang new year ni zach na kami ang kasama nya. Kahit paano naging masaya naman ang gabi namin kahit kaming apat lang.

Bago bumaba para ipAghain ang mga anak ko ay dumaan muna ako sa kwarto nila para icheck kung tulog pa silA. Nang makita kong tulog pa ay dahan-dahan akong bumaba pero nadatnan kong naghahanda na ng breakfast si xian.

" Good Morning Ganda" nakangiti nyang bati sa akin

" Good morning" ganti ko. Akmang lalapit na ako sa kanya para icheck ang niluluto nya pero hinarang nya ako.

" Ooopps.. hindi pwede, dito ka lang at maupo ka"  pigil nya habang inaalalayan nya akong umupo. Nagtataka man ay wala aking ginawa kung hindi ay maupo. Sabay dampot sa saging na nasa harapan ko.

Habang pinapaak ko yung saging hindi ko maiwasang titigan ang nakatalikod kong asawa. Naaakit ka na yan sizst? Nakangiti kong bulong sa sarili saka mabilis na inalis ang tingin ko sa kanya..

" Ano niluluto mo? Eh may leftover pa naman sa ref pwede mo namang initin yun" sambit ko

" hindi tayo nagpasta ganda, remember?"sagot niya habang nakaharap sa akin na hawak ang strainer at naka wonder woman na Apron. Aish...ang hot naman ng asawa ko.. bulong ko

" bakit nakangiti ka ganda? Naaakit na ba kita?" Nakangiti nyang sabi sabay wink

" Aish.." sambit ko saka siya sumimangot at bumalik sa niluluto nya.. tumayo naman ako para bupumunta sa sala pero natigil ako ng napasigaw siya..

" Ouch!" Sambit nya habang kinakagat pinapagpag ang kamay.

" what? Anyare?!" Nag-aalala kong tanong saka lumapit sa kanya para tingnan ang kamay niya at nakita kong pulang-pula ang tatlong daliri nya sa kaliwa..

" sorry ganda, di ko naman sinasadya" sambit nya

" Pasta lang ang niluluto mo at hindi sinabi sa instruction na isama mo yang kamay mo!" Pasigaw kong sabi habang hinuhugasan ang kamay para lagyan ng ointment..

" Sorry" ulit nya

" kapag may nangyari sayo itatapon ko yang pasta mo!" Inis kong sabi dahilan para matawa siya

" wae?!" Tanong ko

" wala, ang cute mo lalo ngayon gandA? Inlove kana ulit?" Tanong nya

" ou, kay Ryan" sambit ko para inisin siya dahilan para iwaksi nya kamay ko saka tumayo..

" Uwi na ako" seryoso nyang sabi..

" nasa stairs ang shoes mo" turo ko sa sapatos nya

" y-yah! Gusto mo talaga ako umalis?!" Pasigaw nyang sabi saka lumapit ako sa kanya..palapit sa mukha nya..

" gusto mo ba talagang umalis?" Pabulong kong sabi sa tenga nya  habang hinihimas ang chest nya sabay kurot sa nipple nya dahilan para mapaaray siya sa sakit.

" ganda ang sakit nun ha!" Reklamo nya

" Tapusin mo na yung niluluto mo   Puntahan ko lang yung mga bata." Nakangiti kong sabi saka iniwan siya

" ganda!" Sigaw niya habang paakyat ako

" what?" Tanong ko

" joke lang yun na inlove ka kay Ryan diba?" Tanong nya

" kung di ka pa dumating, baka" sagot ko pero di pa nakuntento at lumapit pa talaga siya kaya pareho na kaming nasa hagdan.

" talaga?" Sambit sabay mabilis na hinalikan ang mga labi ko. One more..bulong ko..pero siyempre natulala lang ako

"  ako o siya?" Tanong nya sabay halik ulit

" kung walang halik baka s_" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong hinalikan but this time ramdam ko yung sincerity,passion at kagustuhan ng asawa ko na siya ang piliin ko dahilan para mawala na ako sa wesyo at tuluyang tumugon sa halik nya pero...

" now i know.. Ang rupok mo Amethyst ha!" Sambit nya habang nakangiti.. saka tumalikod papunta sa kitchen..

" yah!!!!" Sigaw ko dahilan para mapalingon siya

" Yes My love?" Pang-aasar nya
Akmang hahampasin ko sana siya pero nahawakan nya kamay ko dahilan para mayakap nya ako..

" Nakakapagsinungaling ang bibig pero hindi ang puso" saad nya.. hanggang sa..

" Ewww! Get a room guys!" Sigaw ni zoe saka lang kami naghiwalay at tumingin sa gawi nila habang nakatakip ang kamay ni zoe sa mata ni zach..

" Good morning sweethearts"bati ko sa kanila.. saka niyaya silang umupo..

Habang kumakain kami ay hindi mawala ang ngiti ni xian .

" mommy, is it true na aalis kayo ni daddy?" Tanong ni Zoe

" sana kung okay lang sa inyo" sagot ko

" hindi naman kami magtatagal mga anak, may aayusin lang kami ng mommy nyo" paliwanag ni xian

" okay lang po yun papa, naipaliwanag na sa amin ni mamila" sagot ni zach

" Zach, anak pagbalik namin ng papa mo promise babawi ako sayo" sambit ko

" it's okay mommy naiintindihan ko na naman po, sana po hindi na kayo magalit kay papa" sambit niya hindi ko alam kong maiiyak ako o ano basta ang alam ko masaya ako..sana wala ng mangyari.. saka ko sila pareho niyakap alam kong hindi madali ang pinagdaanan namin, naniniwala akong maayos din ito.

Matapos ang breakfast ay dumating naman sila mama,lola at mga kapatid ko para tumao pandamantala sa bahay habang wala kami.. habang nagpapaalam ay huli kong pinuntahan si lola..

" Apo, kumusta ka?" Tanong ni lola sa akin

" okay lang po ako la, masaya naman po" sagot ko

" buti naman, alam ko na hindi biro ang pinagdaanan nyo pareho at masaya ako na unti-unting nagiging okay kayo ng asawa mo. Alam mo Apo, wala akong ibang hiling kundi makita kang masaya ulit kasama ang mag-aama mo" sambit ni lola

" salamat po lola, dahil isa kayo sa mga nagpapalakas ng loob sa akin." Sagot ko saka hinalikan ang kamay nya

" ni minsan hindi ako nagsisi na mas gusto ko si xian para sayo kasi nakita ko yung saya mo nung unang pinakilala mo si xian sa amin..yung saya na yun ay hindi ko nakita sa mga naging Ex mo" nakangiting sabi ni lola, kaya ng mawala pareho ang mag-ama amo naniwala ako na babalik sila pinagdasal ko yun na sana bago man lang ako mawala ay makita ko ulit ang saya mo kasama ang pamilya mo, pasalamat ako sa Diyos at tinupad nya ang dasal ko" nakangiting sabi ni lola dahilan para di ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko

" lola naman eh,pinapaiyak nyo ako" sambit ko

" sige na umalis na kayo at baka gabihin kayo sa biyahe" sambit niya. Saka ako tumayo para yakapin at halikan siya

" mahal na mahal kita lola" sambit ko

" maha na mahal din kita apo" sambit nya.

Matapos namin magpaalam ay umalis na kami para pumunta ng batanes hindi ko alam kong ano ang naghihintay sa amin dun..

" Are you excited babe?" Tanong ni xian

" medyo" sagot ko sabay ngiti sa kanya..

Pupunta kami sa lugar kung saan kami kinasal, sa lugar kong saan nagsimula lahat ng masasayang ala-ala at masaya ako dahil nakabalik ulit ako dito kasama ang nag-iisang lalake sa buhay ko....


Cont...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon